Thursday, December 9, 2010

Pamasko

Petsa: Gabi ng ika-4 ng Disyembre 2010

Lugar: Pangalawang palapag ng Landmark sa TriNoMa

Mga Karakter: Ms. Melanie, ang kahera at bagger

Eksena: Magbabayad ng biniling stockings.


4... 3... 2... 1... ACTION!

Kahera: Good evening!

Ms. Melanie: Good evening!

Inabot ni Ms. Melanie sa kahera ang stockings na bibilhin.

Binasa ng barcode scanner ang barcode sa packaging. Nine nine point seven five ang lumabas sa computer. Kumuha si Ms. Melanie ng ube halaya sa wallet.

Kahera: Ma'am, meron po kayong seventy five cents?

Kinalkal ni Ms. Melanie ang kanyang coin purse.

Ms. Melanie: Wala.

Pinunch ng kahera sa keyboard ang halagang inabot ni Ms. Melanie. One zero zero point zero zero sabay pindot ng enter. KACHING! Lumabas ang caha ng kayamanan.

Kahera: Ay wala po akong twenty five cents sir.

Tiningnan ni Ms. Melanie ang caha. Puro sampu at limang piso ang barya ng cashier.

Bagger: Pamasko niyo na lang sir.

Ms. Melanie: Hindi dapat ganyan. Dapat lagi kayong may tamang panukli sa mga namimili. Baliktarin natin ang sitwasyon: Kung ako ang bibili ng paninda niyo at kulang ang pera ko, pagbibilhan niyo ba ako?

Ngumiti ang kahera at bagger.

Ipinasok ng bagger sa fink na supot ang stockings sabay isteypler ng resibo.

Ms. Melanie: Sige, magpapasko naman. Pamasko ko na sa inyo.

Kinuha ni Ms. Melanie sa bagger ang binili at tumalikod na.

CUT!

8 comments:

  1. i learned of your site just recently, referred by a friend. pang-aliw daw. ngayon, adik na ako. haha. been visiting at least twice a day. keep on posting, melanie. go, grow, glow! :)

    ReplyDelete
  2. TODO tlaga sa BONGGA!!! ANG GALING GALING!!.. 25 means a lot!! 3 beinte singko lng ang aking kailangan, upang makausap ka kahit sandali man lng...

    ReplyDelete
  3. Kungsabagay teh kung kulang ang adeska mez eh hindi ka nila pagbibilhan.... pero mga empleyado lang din naman ang mga cashiers na yan.... haaayyy buhaaayyy nga naman.....

    ReplyDelete
  4. starting to be a fan of your blog, keep posting hope it will be often....

    ReplyDelete
  5. ang lupet Miss M. taray...


    tidz

    ReplyDelete
  6. Ms. Melanie for President!

    ReplyDelete
  7. Tehhhhh!!!!! wala lang.... hehe

    ReplyDelete
  8. tama lang po ung ginawa nyo miss melanie. hindi porket maliit na halaga lng ang 25 cents ay di na kukunin. pag inipon ito makakabuo ka parin ng halagang malaki

    ReplyDelete