Monday, January 31, 2011

Otso

Simula sa Miyerkules, ika-2 ng Pebrero ay otso pesos na ang iaabot natin kay manong drayber kung hindi lalagpas ng apat na kilometro ang pupuntahan natin. Kung medyo malayo-layo naman ang patutunguhan, dagdagan natin ng P1.25 kada kilometro.

Inaprubahan na kasi ng LTFRB ang pisong umento sa pasahe dahil ngumangawa na ang mga jeepney drivers sa Pilipinas. Sunud-sunod naman kasi ang pagtaas ng gasolina na halos linggo-linggo ay pumapalo sa piso. At kung bababa naman, pabenchi-benchingko lang. Ang sakit para sa mga pumapasada araw-araw. Dobleng sakit naman sa mga mamamayang biyahero.

Huwag daw tayong mabahala dahil provisional increase lang daw ito ayon kay Atty. Manuel Iway, LTFRB Director. Meaning, kapag bumaba daw(?) ang presyo ng gasolina, maaaring bumalik sa P7 pesos ang pasahe.

Talaga lang ha?!?

Dito nanggaling ang balita: Inquirer at ABS-CBN

Sunday, January 30, 2011

Early

Isang malaking OMG! As early as this month ay naglabas ang Summit Entertainment ng bonggang promo pic para sa pelikulang Breaking Dawn part 1. At napaka-sizzling ng pektyur dahil nakahubad at magkapatong lang naman sina Bella at Edward. For sure, ang mga Twilight fanatics at Robert Pattinson fans ay naloka sa eksenang ito:

Inggit naman me...

Nakakainesshhh...

Ikaw na Bella... Ikaw na talaga ang pinakamaswerteng mujer sa balat ng lupa. Kung ako ang dinaganan ni Edward, wala ng patumpik-tumpik pa at todong sisimulan ko na ang gera. CHOS!

Eeeeiii... I love you Edward. Can't wait to see you again this November.

Gutom

Nung dalaginding pa lang watashi, sarap na sarap ako sa mga forenjers like Josh Hartnett at Freddie Prinze Jr. Feeling ko that time, napaka-perfect ng mga features nila katulad ng matutulis na ilong, mapupungay at makukulay na mga mata at naglalakihang bortawan. Sa aking pagdadalaga (pagdadalaga talaga!?!), lumipas ang paghanga ko sa kanila. Tinikman ko ang sariling atin at mas nasarapan ako. From imported to local 'baga.

Pero nung makita ko ang picture na 'to, parang bet ko nang magbalik-loob sa mga puti...

Zac Efron
Nagutom ako mga 'teh. Manananghalian muna 'ko. ☺

Saturday, January 29, 2011

Subok

My kumareng Arem is in this movie kaya umaapela siya na panoorin niyo 'to. Unfortunately, wala ang kanyang fez sa poster pero isa daw siya sa mga lead cast.

Exclusive ang pagpapalabas nito sa Robinson's Galleria this February 2 and after a week, sa Isetann Recto naman.

Watch the full trailer here.

Thursday, January 27, 2011

Masakit

Masakit malaman na may anak ang mister mo sa iba. Pero may mas sasakit pa ba kung sa ina mo siya nagkaanak?

'Yan ang nakakalokang twist sa pelikulang Ina ka ng Anak mo starring Nora Aunor at Lolita Rodriguez na idinerek ni Lino Brocka. Juice ko 'day! Literal na nawindang ang ulirat ko habang pinapanood ang pagtakbo ng istorya nitey. Iilan lang ang mga karakter pero buong-buo ang pagkakagawa. Feel na feel ko ang eksena kung saan nakita ni Ate Guy ang kanyang ina katabi ang kanyang "kapatid". 'Yung pagbitaw naman niya sa linyang "HAYUP! HAYUUUPPP!!!" with matching pananampal at pananakit sa asawa niya, AMPERFEK! Hindi nakapagtataka kung bakit siya ang tinanghal na 1979 MMFF Best Actress.

Next in line: Ang Totoong Buhay ni Pacita M at Bulaklak sa City Jail.

Ingat

Sa tuwing papasok ako ng trabaho sa Makati, araw-araw kong nadadaanan ang EDSA-Buendia. At nitong Martes lang, limang buhay ang nawala sa lugar na 'to dahil sa pagsabog ng bomba sa loob ng bus. Todo-todong nakakaloka at nakakapraning ang ganitong trahedya. Hindi mo pwedeng hindi isipin na maari ka rin maging biktima. Dahil tulad natin, simpleng pasahero lang sila na ang nais ay makarating sa kanilang pupuntahan.

Nawa'y hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Kaya naman maging alerto tayo sa lahat ng pagkakataon. Magmasid ng bonggang-bongga sa loob at labas ng ating sinasakyan. Busisiin ng mabuti ang mga upuan at ilalim nito. Kesehodang puro basura, maigi nang kalkalin. Mag-alcohol na lang after. Kung may nakitang kahina-hinala, kunin ang atensyon ng kundoktor o driver. Mabuti na ang nag-iingat kesa magkapira-piraso ang byuti natin. Siyempre, wag kakalimutan ang magdasal kay Father Above para sa proteksyon at gabay para sa isang safe na paglalakbay.

Tuesday, January 25, 2011

Like Me

Top international fashion photographer Lon Liwen and everybody's favorite model Richard Pangilinan are working together on an exclusive fashion pictorial to be launched during the Chinese New Year celebration. Watch out for it at lonliwen.com and delicious.blogspot.com.
Oh ha! Oh ha! Anong sey ng mga Richard Pangilinan fanatics diyan like me? Excited na ba kayesh sa proyektong itechiwara? I think 2011 will be a very lucky year for all of us. Kahit ano pang zodiac sign natin, su-swertihin tayo. We'll have more of him this year kaya tuloy-tuloy ang ligaya.

Whooo! Paypayan niyo ko mga 'teh at mahihimatay na yata ang byuti ko. Kahit hindi pa summer, ang init na ng pakiramdam ko. Chos!

Sunday, January 23, 2011

Extended?

After next week pala, February na. Ambilis naman ng panahon. Nagmamadali ba ito? Huwag naman sana.

At kapag dumarating na ang buwan ng mga puso, karamihan sa mga single people (ahem!) eh todong namomroblema kung paano ito palilipasin. Member ka na nga ng SMP nung Pasko, inextend pa hanggang Pebrero. Oh my, napakasakit (aray!).

Kesa problemahin yan, busugin muna natin ang ating mga mata (at isip) sa dalawang kalalakihang ito na perfect date (sana) sa darating na February 14. Sina Andre Endique (left) and Renzie Ongkiko (right).

Sino ang bet niyo sa dalawa?

Ako, kahit sino sa kanila. Witit naman akong choosy eh. ♥♥♥

Proudly PINAY!

Lithuania, Philippines & Poland

Pagkatapos maging 4th-runner up ni ateh Venus Raj sa Miss Universe 2010, isa na namang Pinay byuti ang nag-uwi ng karangalan para sa bansa. This time, major major winner na tayo mga 'teh! Ang ating pambato na si Danica Magpantay ang tinanghal na pinakabagong Ford Models Supermodel of the World. Lutang na lutang ang morena byuti ni ateh Danica sa mga runners-up na galing Lithuania at Poland.


KONGRACHULEYSHONS!!!


So proud to be Pinoy!

Laging wagi ang lahing kayumanggi! PAK!

Saturday, January 22, 2011

Fans

Kapag may naninira at naiinggit sa'yo, hayaan mo lang. They are your secret fans.

Friday, January 21, 2011

Hindi rin

Manifesto ng Tunay na Lalake:
Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.


Paniniwala ni Bb. Melanie:
Ang 'di tunay na lalake ay hindi rin vegetarian... sapagkat hilig namin ay laman.


Thursday, January 20, 2011

Relaks Mode

Mike, Jovy, Shanelle, Leyni, Bb. Melanie and Julius

Kapag super shogod sa kaka-work, napapansin ng puro impurities ang skin at masikip pa ang butas ng Coke Sakto kesa sa pores ng fez, dapat ng i-relak-relak ang sarili. Dahil ang katawang Dyosa ay napapagod din naman. 'Yan ang aking ginawa nitong nakaraang dalawang araw. Rampage kami ng office friends ko sa iba't ibang places to rejuvenate our mind, body and soul.

First stop ang Thunderbird sa Binangonan, RIzal na may uber puurrrfect na overlooking sa hindi ko alam kung anong body of water. Feeling ko Laguna de Bay pero correct me na lang mga sisterets if I'm wrong.

Next stop ay Doña Jovita Garden Resort sa Pansol, Laguna. Nahilo kami sa haba ng biyahe. Paikot-ikot pa ang kalsadang dinaanan namin. Pero keri lang naman kasi lab lab lab ang drama scene sa likod ng resort. Feeling mo, matatakbo mo lang ang Mt. Makiling sa lapit nito. Infernezzz, madami pang puno ditey. Hindi pa nila kinakalbo. Inuulit ko... HINDI PA. Sana naman eh hindi nila pagtangkaan.

Last stop ang Resorts World Manila sa Pasey City. I-feel ang pagbigkas ng PA-SEY! CHOS! Hindi pa masyadong developed ang plasung na itey pero todo sa ka-sushalan ang mga amenities dito. Pang-class A ang lugar!

Kaya after almost 2 days na pagpapahinga, byuti queen ang aura ko this day. Magaan ang pakiramdam at nawala ang mga alalahanin at work-related stress. Naging virgin pa ulit ang mga pores sa aking pagmumukha.

Sunday, January 16, 2011

"Chocolates" at "De Lata"

Bago ko buksan ang mahiwagang "balikbayan package" ni Ateh Paul, inantay ko munang mabakante ang balur. Ayaw ko ngang makita ng mudrakels, shupatemba at pamangkin ko ang mga "chocolates" at "de lata". Baka maloka sila ng bonggang bongga.

As promised, ipapatikim ko sa inyo ang laman ng package. Eto ang mga "chocolates":


Sarap di vaaahhh?!? At narito naman ang mga "de lata":

Ang damiiiihhh!!! Take note: Hindi pa lahat yan. May iba pa akong hindi nalitratuhan. One-year supply yata ang chinarity ni Ateh Paul sa akin.

Hindi naman lahat eh japeyklaboom. Meron din namang mga original...

Konti nga lang at may isang out of place pa. Hehehe...

Pero tulad ng sinabi ko last year, uumpisahan ko ang 2011 ng malinis at masaya. At wala naman akong balak na itago ang lahat ng ito. May bata pa naman sa amin at baka ma-discover bigla ng aking pamilya, lagot ang byuti ko. Pipiliin ko lang yung type ko at wala pa akong kopya. Ang ilan kasi sa mga ito, napanood ko na.

Paano ko kaya ididispatsa ang iba dito?
a. Ilibing sa lupa hanggang ito'y madecompose
b. Itapon at hayaang mga basurero ulit ang manginabang (at manood!?!)
c. Ipamimigay ko na lang
One... Two... Three... Gooowww...

Saturday, January 15, 2011

Laglag

Ewan ko ba kung bakit naiiba ang pakiramdam at tingin ko sa isang babae kapag nalaman kong siya'y nagpalaglag. Yes! You read it right. Abortion.

Maraming reasons kung bakit hindi natutuloy ang pagdadalang-tao ng isang mujer. Siyempre, exempted naman yung mga hindi sinadyang mawalan ng binhi. Meron kasi diyan, alam na nga na buntis sila, hindi nag-iingat at kung anu-ano pang mabibigat na bagay ang ginagawa. Yung iba, seks ng seks kahit walang proteksyon. Basta gustong marating ang langit, deadma sa lugar basta maka-kimbaloo lang. Unwanted pregnancy tuloy ang ending. At kapag hindi kayang panagutan ng mga hinayupak, lalapit kay aling tindera at bibili ng pamparegla. Ano ba yan!?! At kapag nakatakas na sa kasalanang ginawa, abot-abot ang dasal sa Diyos at halos maglakad ng paluhod sa simbahan para makahingi ng kapatawaran. Naka!

Kahit ako'y isang bakla at tinuturing ng ilan na imoral at makasalanan, sa tingin ko naman eh mas mabuti kaming tao kesa sa mga pumapatay ng "tao" na walang muwang. Pasensya na kung bubuhatin ko ang bangkitong inuupuan ko. Sadya lang hindi ko masikmura ang mga ganyang gawain.

Friday, January 14, 2011

Sad Sonata

Isang malungkot na kanta ang aking napakinggan sa radyo habang ako'y bumibyahe kahapon papuntang ospital. Tagos sa puso ang ang mga lirikong ni-rap ni Gloc 9 at inawit ni Sheng Belmonte. Sakto sa nararamdaman ng pamilyang Pilipino na may kamag-anak na OFW tulad ko. Sana dumating ang panahon na wala ng kailangang mangibang bansa para lang kumita ng mas malaking pera.

Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh

I.
yung bayang sinilangan ang pangalan ay pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauubusan ng batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiting anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh

II.
mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta.
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh

III.
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila
lalayo upang magalaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna ‘to
basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira aahhh
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nag a-abroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)

Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira aahh





Walang Natira is taken from Gloc 9's Talumpati album.

Macho image lang

Simula ngayon, ako'y magpo-post ng mga klasikong artikulo at lumang litrato mula sa baul ng mga koleksyon ko. Basta interesante at sinipag akong mag-scan, ishe-share ko sa inyo mga 'teh.

At ang unang lathalain ay mula sa panulat ni Ric S. Aquino tungkol kay Anton Bernardo, isa sa mga leading TF actors ng Seiko Films. Ang artikulo ay lumabas sa maiden issue ng Sexy Movie Stars komiks magazine noong August 19, 1997.

Thursday, January 13, 2011

"Balikbayan Package"

Sawang sawa na aketch sa pagiging mahirap salazar! Ayaw ko nang mag-init ng tubig sa takure gamit ang Super Kalan. Hindi ko na masikmura ang tinapay na isinasawsaw sa Kopiko Brown para lang ito'y magkalasa. Kaya naman nagpunta ako sa Starbucks para malaman ko kung bagay akong maging sushal. CHAROT!!!

Nagkita kami ni Ateh Paul last night dahil may igi-givesung siya sa aking "balikbayan package". Dapat last year pa ito pero busy kami sa pagpapayaman. Kahapon lang kami nagkaroon ng free time. Nauna ako sa meeting place since walking distance lang naman yung kapihan. Actually, medyo malayo-layo yung nilakad ko. Ayaw ko lang gumastos ng kinse sa traysi at siete sa jeep. Ganyan ako kayaman! Di vaaahhh?!?

ang camera-shy na si Ateh Paul with her mamahaling kape

Waiting galore muna akekels ng mahigit-kumulang vente minutos bago dumating ang CEO slash president slash sole stakeholder ng Stall 57 sa Dapitan Arcade. Dala na niya ang "package". Nagpalinga-linga ako sa paligid at baka may nakasunod sa kanya. Hindi pwedeng malaman ng mga kinauukulan ang aming usapan. ECHOS!!!

Eto yung "balikbayan package":

Isang malaking pasasalamat ang nais kong ipahatid sa mahal kong kaibigan. Kung hindi dahil sa iyo, wala ako ngayon sa kinalalagyan ko. CHOS!

Sobrang dami ng "chocolates" at "de lata" na ibinigay niya. Dun pa lang sa kapihan, gusto ko na itong "tikman". Kaya lang, isinaalang-alang ko ang kapakanan ng ibang customers kapag nakita nilang binubulatlat ko ang "laman" ng package. Baka maibuga nila ang kapeng nilalagok nila. Nag-antay na lang akong maka-juwelay.


Gusto niyong malaman kung ano yung "chocolates" at "de lata"?

"Matitikman" niyo din...

Pareho

Sa dinami-dami ng lumang pelikula ni Ate Guy na napanood ko, Bona ang tumatak sa isipan ko. Yun eh bago ko napanood ang Bakit Bughaw Ang Langit?

Like na like ko ang role niya dito bilang si Babette na kinakatulong ng kanyang pamilya. Pinatigil sa pag-aaral para mapagtapos ang kanyang nakatatanda at nakagagandang kapatid. Ambisyosa ang kanyang nanay (Anita Linda) na dating artista na witit namang sumikat. Hikahos naman sa pag i-intrega ng pera ang kanyang tatay (Mario Escudero).

Dahil sa walang pambayad ng renta sa dati nilang inuupahan, lumipat sila ng matitirahan. Dito nakilala ni Babette si Bobby (Dennis Roldan) na naging abnormal (pasensya na sa term) dahil sa isang aksidente. Inalagaan niya ito kapalit ng mga kinuhang bestida ng nanay niya sa ina nito. Habang tumatagal ang kanyang pag-aalaga dito, unti-unti itong napapamahal sa kanya.

Todong nagandahan ako sa pelikulang ito na sumasalamin sa pamumuhay ng isang pamilya. Swak na swak ang lokasyon, ang panahon, ang pananamit ng mga karakter at pati na rin ang mga kapitbahay. Lahat ng eksena ay mahalaga para sa kabuuan ng pelikula. Bet na bet ko ang sagutan portion ni Babette at ng nanay niya. Ang haba nung script pero nadeliver ng bongga at tuloy-tuloy ni Ate Guy. Kapag nagsasalita naman ng kanyang linya si Anita Linda, hindi ko maiwasang magalit sa sobra niyang pagkamaldita.

Pagkatapos ng pelikula, pinag-isipan ko nung una kung sino ang mas gusto ko between Bona and Babette. Pero pareho kasi silang nagampanan ng mahusay ni Nora Aunor kaya wa-i akong pipiliin sa kanila.

Tuesday, January 11, 2011

Ay! Hindi pala...

Can I Just Say:

Isang malutong na TANG INA sa mga amo na nananakit at nangmamaltrato ng mga katulong. Ugali nila asal... ASAL HAYOP!

Ay! Hindi pala. Kasi mas mabuti pa ang mga hayop kesa sa kanila.

Monday, January 10, 2011

Malagkit

It's Monday again and the sun is smiling. Medyo malamig-lamig pa ang panahon at dapat natin itong i-enjoy ng todo. Malapit na naman kasing dumating ang tag-araw at bongga na naman ang init na ating mararamdaman. Sana hindi tulad last year na parang impyerno at malagkit sa pakiramdam.

Pero parang ano eh... nanlalagkit na ako...

Dahil sa kanya...

Charlie Sutcliffe
MASAYANG LUNES MGA 'TEH!

Sunday, January 9, 2011

Aray ko!

Aking ibabahagi sa inyo ang mga qoutes na pumukaw ng aking atensyon, nagpabago sa aking pananaw sa buhay at tumagos sa aking puson... este puso.

Katie's status in Facebook:
"When God knows you're ready for the responsibility of commitment, He'll reveal the right person under the right circumstances."
--- I think ready na si Kevin... ready na siyang ako'y pakasalan. Ayyyeeeiiiihhh!!!

Honielyn's status in Facebook:
"You can't make the same mistake twice. The second time you make it, it's no longer a mistake, it's a choice."
--- So choice pala na maging tanga, ganon ba?!? CHAROT!!!

Tiyang Amy Perez's tweet:
"In a relationship, apologizing doesn't always mean you're wrong & the other is right. It just means that you value the relationship more than the ego."
--- Para hindi matigang ng ilang araw.

From Lourd De Veyra's article:
"Wag magpumilit mag-Ingles kung di ka rin lang naman lumaki sa Forbes Park o nag-aral sa I.S. Mas lalong wag na wag kung mali-mali rin lang naman ang Ingles mo."
--- Aray ko! Aray ko! ARAAAYYY KOOOHHH!!!

From Erick Garcia's blogsite:
"Hindi man ako marunong kumanta, abot ko naman lahat ng nota."
--- PAK na PAK!

*photo courtesy of S. Kieron Tan

Saturday, January 8, 2011

Ganti

Instant celebrity ang isa nating shupatemba dahil laman siya ng news sa TV 5 kagabi. Ayon sa balita, si ateng (hindi ko na-getching ang name) ay nag-hire ng tatlong sholbam para siya ay paligayahin. Nagkasundo daw diumano na babayaran nito ang mga otoko ng 1 kiaw. Matapos ang tsuktsakan, nalerki ang mga lolo niyo dahil imbes na tatlong ulo ang nasa andalily, si Roxas ang nakita nila. Kaya naman nagharap-harap sila sa presinto at dito inamin ni ateng na yun lang talaga ang balak niyang ibayad sa mga ito bilang ganti. Ilang beses na daw kasi siyang nabiktima ng mga sholbam na holdaper kaya naman naisip niyang gumanti. Sa bandang huli, nagkasundo rin ang dalawang panig.

Hindi ko masisisi si ateng sa kanyang ginawa sapagkat naglipana naman talaga ang mga sholbam na mapagsamantala sa 'ting lahi. Sa una, magkakasundo kayo na ganito ang presyong babayaran pero after ng "session", biglang nagkaroon ng inflation. At kapag out of budget ang gusto nilang halaga, malamang na takutin ka na ipakukulong or worst, ang holdapin ka.

Kaya naman narito ang ilang tips na aking niluto upang kahit papaano ay maiwasan natin na tayo'y matanso ng masasarap ngunit mapanlinlang na mga lalaki:
  1. Kung katherine luna ang feyk-feyk, ipakilala mo muna siya kay pedrong palad. Baka maibsan ang "itchy" feeling.
  2. Kung todo ang pangangati, gora ka sa mga massage parlor na may offer na ES. Search ka sa Internet ng mga massage parlor na 3T (Tried, Tested and Trustworthy) kasi yung iba, nanloloko din.
  3. Meron ding website na pwede kang mamili ng lalaking chochorvahin. Read the comments of their previous customers to check the quality of their service. Mahalya fuentes nga lang ang iba sa kanila.
  4. Kung limited edition ang iyong kayamanan at ang afford lang eh mga sholbam, try mong i-record ang usapan niyo tungkol sa price. Karamihan naman sa mga cellphone ngayon ay may voice and video recorder. Just in case na magbago ang presyo niya at binantaan kang ipapupulis, meron kang ebidensya ng deal niyo.
  5. Piktyuran mo siya gamit ulit ang iyong cellphone. Payag naman ang ibang sholbam sa ganyan. Sabihin mo "for souvenir purposes only". Bago kainin ang "main course", i-send mo muna via MMS ang image sa mga fwends mo. If ever na naloko ka, ipamudmod mo sa internet ang fez niya at i-tag siyang manlolokong puta.
  6. Once na nasa motmot na kayo, sabihin mo sa kanyang magbanlaw muna at maghubad sa harap mo. Kapag nasa banyo na siya, ipagpag mo ang kanyang damit at salatin ang mga bulsa ng shorts or pantalon. Tingnan mo kung may patalim o baril na dala. Kapag meron, tumalilis ka na at sayang ang byuti mo. Kapag wala, alam mo na siguro ang gagawin mo.
  7. Huwag magdala ng limpak-limpak na salapi, wallet na puro ID's and credit cards, BlackBerry, iPhone, iPod, iPaaahhhd, laptop at iba pang bonggang gadgets. Takam na takam sila diyan.
  8. Kung binantaan kang masusumbong siya sa lespu, huwag kang papayag na siya ang magdedesisyon kung saang presinto kayo pupunta at baka may kakuntsaba siya doon.
  9. Mag-save ng police station phone number sa phonebook mo. Magagamit mo yan if ever.
  10. Practice self-defense 101 just in case magkapisikalan kayo. Mabuti na ang handa. Transform your image from Kim Chiu to Jacky Chan. Pareho naman silang singkit eh.
Hindi garantiya ang aking mga tips. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito. Zenaida Seva, statue?!?

Friday, January 7, 2011

Karug

Lab lab lab ko na since PBB days pa si Paul Jake Castillo. I even voted for him (na hindi ko madalas gawin sa previous seasons) para hindi mapaalis ni kuya and luckily, he was able to reach the finals night. Ikaw na ang laging naka-half naked sa bahay ni kuya kung hindi ka ba naman iboto ng 'sangkabaklaan. Though hindi siya ang grand winner, he became very popular naman at nagkaroon ng bonggang followers.

Official photo for PBB Double Up
After his PBB stint, he had an episode sa Your Song together with the other housemates. He was featured as one of the 69 Bachelors in Cosmo Hunks 2010. Todong rumampa din siya ng shirtless sa Bench Uncut fashion show at ibinandera ang kanyang oh-so-famous na karug. Water-water ako kapag nakikita ko 'yun! RAARRR!!!

Bench Uncut
Paul Jake, Hermes and Johan for Cosmo Bachelor Bash '10
He is the Cosmo Online Hunk for January 2011 sa website ng Cosmopolitan Magazine. Every week, meron silang interview with him together with new set of photos. Habang patagal ng patagal ang buwan, natatanggal din ang saplot niya sa katawan. I LIKE!

You can watch him everyday in Alyna together with Shaina Magdayao and Sid Lucero sa afternoon block ng Kapamilya network.

See more photos and read his Cosmo interview when you click here.

*some of the photos are from Pinoy Exchange forum.

Bakla-Bakla, Paano Ka Ginawa?

I'm currently reading this book and so far... I'm likin' it! It's a collection of blog entries written by Edgar Portalan. May pagkakahawig ang aming writing style at nakaka-relate ako sa mga kinukwento niya kaya aliw na aliw ako sa pagbabasa ng kanyang mga istorya at artikulo.

Click here to visit the author's blogsite.

Thursday, January 6, 2011

Mga bote ng shampoo at si Melodina

Parte ng aking pagiging trudis liit ang pangongolekta ng kung anu-anong bagay. Ang kauna-unahan kong koleksyon ay shampoo bottles. Isang timba nito ang naipon ko. Pinakapeyborit ko ang bote ng Sunsilk kasi may picture ng babae.

Sumunod na kinolekta ko ay komiks. Dito ako mas natutong magbasa. Sandamakmak sana ang naitabi ko nito kung hindi sinunog ng mudrakels ko. Nag-away kasi kami ng ate ko kasi ayaw ko magpahiram dahil baka magusot (ang damot lang di vaaahhh). Pero kahit naabo ang mga ito, hindi pa rin ako tumigil sa pangongolekta nito. This time, mga peste naman ang naka-away ko. Nakalagay lang kasi ang mga ito sa karton ng rice cooker. One time pag-check ko, butas na ang karton at may mga ngatngat na ng "mababait" ang koleksyon ko. Buti na lang at naagapan ko. Ngayon nasa safe storage na ang mga ito.

 
Likha ng batikang manunulat sa komiks na si Pablo S. Gomez (RIP) si Machete na malapit nang ipalabas sa Kapuso network starring Aljur Abrenica. I bet madami sa 'ting lahi ang mag-aabang sa estatwang magiging tao na tanging bahag lang ang suot. SARAP!

Pero alam niyo bang may female version si Machete? Ating kilalanin si Melodina.

Pinoy Klasiks blg. 1859
Sa panulat ni Pablo S. Gomez (RIP) at dibuho ni Clem Rivera, unang lumabas ang karakter ni Melodina sa pahina ng Pinoy Klasiks komiks noong Hulyo 7, 1996.

Narito ang unang labas ng serye (click to enlarge):


At matapos ang siyamnapung labas, nagwakas ang nobela sa nasabing komiks noong Hunyo 29, 1997. Si Joe Hilario na ang huling gumuhit sa serye.

Monday, January 3, 2011

Bolivia

Lucas Gil
Tarik Kaljanac
Bernardo Velasco
Napapalunok na lang ako sa nasa-sight ko. Ang sasarap ng kanilang...

BOLIVIA! BOLIVIA! BOLIVIA! ☺

Sunday, January 2, 2011

Tatlo sa Linggo

Pansin ko lang sa mga host ng The Buzz, sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga lang ang marunong mag-give way kapag may nagsasalita mapa-guest man o kapwa host nila. Though wala kanina si Charlene, sa mga previous episodes eh halatang sila lang ni Toni ang may alam ng tamang tiyempo kung kailan magsasalita. Etong sina Tito Boy at KC, parang ayaw padaig sa kani-kanilang opinyon at sariling karanasan. May nagsasalita pa, sisingit kaagad. Minsan, mas mahaba pa ang sinasabi at explanation nila kesa dun sa guest. Ampangit kayang panoorin. Show naman nila yun eh so dapat hindi sila nagsasapawan, di vaaahhh?!?

Tiyempong paglipat ko ng TV5, hot seat si Joel Cruz sa Paparazzi. Ano pa nga ba ang mahihita natin sa mga hosts ng show na 'to? First episode pa naman nila sa taong 2011 pero ang nega ng mga isyung ibinato nina Shrekty Fermin at DJ Mo. Sinabi na nga ni ateng Joel wala siyang nakachukchakang taga-showbiz, pinipilit pa nila. Kapag sinabi ng wala, eh di wala! Hindi yung pipilitin pa. Trabaho nila ang mang-intriga pero sana may kalakip na respeto. Nakakaawa tuloy kanina si ateng kasi parang gusto na niya agad matapos ang segment na kasali siya. Dapat silang kantahan ni Aretha Franklin ng R-E-S-P-E-C-T.

At nang i-switch ko sa Showbiz Central, as always, super light and funny ang style ng pagho-host ni John Lapus. Yun lang ang mase-say ko. Siya lang kasi ang interesting sa show na 'yun eh. Meron pa bang iba?