Friday, March 30, 2012

Makinang

Sa kalagitnaan na ng Abril gaganapin ang Bb. Pilipinas 2012. Tatlumpung mujer ang mag-aagawan sa tatlong korona: Binibining Pilipinas-Universe, Binibining Pilipinas-International at Binibining Pilipinas-Tourism. Pinakamakinang diyan ang korona ng kandidatang mapipili para sa Miss Universe 2012.

Tapos na ang Press Presentation, Fashion Show, Parade of Beauties, Talent at National Costume competition. Hindi ako maka-tiyempo na makita sila ng personal dahil sa oras ko sa trabaho. Babase na lang ako ng mga betchikels ko sa mga larawan courtesy of Missosology.info. Eto ang lima sa aking napupusuan...

Giselle Muñoz
Golda Soller
Jaine Hidalgo
Janine Tugonon
Mary Jean Lastimosa
Magkakaroon ng primer ang Bb. Pilipinas 2012 sa April 8, Sunday sa Kapamilya Network. Watch natin 'yan to see the candidates in action para magkaalamanan kung sino ang pwedeng in or out sa final night.

Wednesday, March 28, 2012

Joyous

Mga 'teh, napanood niyo na ba ang bagong Close-Up commercial? 'Yung kumanta si Ian Batherson on stage para 'dun sa girlet na maganda lang naman ng konti sa 'tin. Let me repeat in bold capital letters: KONTI.

Nanginig yata ang tuhod at fake-fake ko sa ngiti niya. Idagdag pa ang nagmumurang maskels niya sa dibdib na parang masarap dantayan at higaan. Infernezzz, may ibubuga ang boses niya.

Naalala ko tuloy ang Starstruck days nila nina Rocco Nacino at Steven Silva. Isa siya sa mga bet ko bilang todong masarap siyang panoorin. Medyo nahihirapan magshugalog pero ume-effort naman. Hindi ko napanood ang season ng Survivor Philippines na kasama siya pero wit ako believe sa isyu nila ni Ahron Villena. WIT! Sa akin lang siya. AKIN!

Nagkaroon din siya ng underwear ad courtesy of Sunjoy. Maraming salamat sa kumpanyang 'yan at naging extra sunny at joyous ang buhay natin.

Sana naman ay mas madalas na natin siyang mapanood sa TV. More of him means more fun de vaaahhh?!

Sunday, March 25, 2012

Dampi

Hindi yata mabubuo ang linggo ko nang hindi nakakapanood ng kahit isang gay indie film. Buti na lang at 'sang tambak pa ang supply ko ng DVD courtesy of Ateh Paul.

Sa dinami-dami ng pagpipilian ko, Dampi ang nakakuha ng atensyon ko. Nasa bonggang cover kasi si Carlos Morales. I'm sure marami pa kayo na todong pumapantasya sa kanya. Masarap pa rin naman kasi siya kahit medyo nagka-edad na. Medyo lang ah!

"Hindi mo ako kayang iwan. Ako ang totoong santong niluluhuran mo!" ---Robert

Tungkol ito sa dalawang bading at sa 'himala' na kanilang naranasan. Si Sandy (Kirby de Jesus) ay ginamit ang himala para magkapera sila ng jowa niyang si Robert (Carlos Morales). Inakala naman ni Terio (Alec Romano) na 'himala' ang kanyang napapanaginipan, 'yun pala eh imahe ng nanay niya.

Gasgas na kung tutuusin ang istorya. Kung napanood niyo na siguro ito, hindi niyo maaaring hindi maisip ang Himala ni Ate Guy o 'di kaya ang Huling Birhen Sa Lupa ni Ara Mina, baklang version nga lang. Para ngang halaw pa ang ilang eksena sa pagpapakita diumano ni Mama Mary kay Judiel Nieva noong early 90's eh. Buti na lang at mahigit isang oras lang ang pelikula, hindi masyadong mabigat sa mata.

Friday, March 23, 2012

Sapak

Image from vopordna.multiply.com
Kasabay ko parati si Alice kapag pauwi since pareho kami ng schedule sa trabaho, 3PM to 12MN. Pasado alas-dose na kami nakalabas ng opisina kaninang madaling araw dahil may ginawa pa kami. Mga aircon bus at jeepney na lang ang pumapasada sa kahabaan ng Ayala Avenue. Sumakay na kami agad ng unang aircon bus na dumating. Shaw Boulevard ang destinasyon namin. Sa gitna kami sumakay, sa tatluhang upuan.

Matapos magsakay ni mamang driver ng mga pasahero sa Makati, umakyat na sa tulay papuntang EDSA ang bus namin. Biglang nagkaroon ng kumosyon sa bandang harapan ng bus. Nakita kong lumipat ng upuan ang isang pasahero. Naka-formal attire na blue long sleeves. May sumunod at tumabi sa kanya. Pababa na ang bus sa tulay nang may tumayo, isang pasaherong lalaki. Malaking tao. Tumingin sa kanya sabay sapak sa ulo.

"Gago ka kasi" sabi ng nanapak.

Nakuha nila ang atensyon ng mga pasahero sa bus. Lahat nagtinginan sa harapan.

"Tulungan niyo 'ko"

"Cellphone ko"

Walang kumibo. Walang gumalaw. Walang tumulong.

Tumingin lang ang kundoktor.

Gulat ang lahat.

Huminto sa Buendia MRT station ang bus at bumaba ang tatlong magkakasabwat. Nag-last look pa ang nanapak sa kanyang sinapak. Nakita tuloy namin ang fes niya.

Nanlumo ang biktima.

Sabi ng babaeng katabi ko, nakita daw niya na hinawakan na ng magnanakaw ang bag na dala ng biktima. Dahil doon, lumipat na ito ng upuan. Hindi nito inakala na susundan siya at sasapakin ng kasama nito. Pinilit pang kunin ang cellphone nito.

Palagi na lang may nangyayaring krimen diyan sa Buendia. Madilim kasi sa bahaging 'yan ng EDSA. Kung sana ay may police visibility sa lugar na 'yan, hindi maglalakas loob ang mga kawatan na gawin ang kanilang maitim na balak.

Kaya sa mga tulad ko na inaabot ng dis-oras ng gabi sa daan, doble ingat tayo. Magmatyag at maging alerto.

Starring

Matapos magpahinga sa limelight, nagre-return of the comeback ang 2010 Mr. Globe Philippines at Sanctuaryo star na si Gino Quintana. Gamit niya ngayon ang screen name na Junjun Quintana. Parang mas bet ko 'yung dati. At 'wag ka, starring role na siya this time sa isang ispesyal lenten presentation na ipapalabas sa Kapuso Network.

Read the related article here.

Binasa niyo ba mga 'teh? Wholesome na ang kanyang image de vaaahhh?! Sadness naman akiz bilang isa siya sa kauna-unahang pinantasya ko dito sa aking vlagelya. Mukhang hindi na natin masisilayan ang kanyang kaseksihan.

Paano na ako? Paano na tayo? WAAAHHHH!!! Well, kung saan siya masaya, suportahan na lang natin siya kahit na ang kapalit ay ating kalungkutan. CHOS!

Thursday, March 22, 2012

Hagod

Magaling... magaling... magaling (Claudia Buenavista tone) si Erich Gonzales sa Corazon, Ang Unang Aswang. Masarap... masarap... masarap (Bb. Melanie kahayukan) panoorin sa malaking screen si Derek Ramsay.

Kadalasang gumagamit ng computer generated special effects ang mga Pinoy horror movies nitong mga nakalipas na taon kaya minsan, hindi na nakakatakot panoorin. Nakakatawa na. Halimbawa diyan ang mga huling edisyon ng Shake, Rattle and Roll. Gone were the days of Lore Reyes and Peque Gallaga na dinadaan sa bonggang prosthetics ang pananakot. Sa Corazon, parang ibinalik nila ang era na 'yan.

Ang setting ay sa isang baryo noong 1946. Hindi magkaanak sina Corazon (Gonzales) at Daniel (Ramsay). Lumapit sila sa isang albularyo (Maria Isabel Lopez) at tinuruan nito si Corazon ng debosyon kay San Gerardo. Nagbunga naman ang pananampalataya niya ngunit patay ang bata nang ito'y kanyang ipinanganak. Dito na nagsimula ang kanyang depresyon at pagiging aswang.

Simple lang ang takbo ng istorya at hindi magarbo ang cast. Naipaliwanag ng maigi sa manonood ang kwento ng buhay ni Corazon at kung paano siya naging 'aswang'. May mga ilang bagay at eksena lang na hindi convincing tulad ng santo ni San Gerardo na kanilang ginamit. Halatang gawa sa styrofor at karton. Nagmukha tuloy laruan ang isang mahalagang elemento ng pelikula.

Nakornihan ako sa ending pero anong magagawa ko, hindi naman ako ang writer at producer. Actually, mas maganda sana kung napatay sina Erich at Derek sa ending para mas dramatic.

Buti na lang at napunan ng galing ni Erich ang kakulangan ng pelikula. Maganda ang hagod niya sa kanyang karakter. One thing I like about her eh hindi siya OA. Hindi pilit ang facial expression sa madadrama at nakakatakot na eksena.

Swak na swak sa karakter nila sina Epi Quizon, Mon "Ynez Veneracion" Confiado at Mark Gil.

Ang pinaka-perfect sa lahat, ang cinematography at kulay ng video na ginamit. Creepy din ang sound effects kaya naman kapag mambibiktima na si Corazon, todo tilian ang mga utaw sa loob ng sinehan.

Worth watching ang pelikulang ito kaya 'wag palalagpasin habang palabas pa.

Wednesday, March 21, 2012

Pahina

Ilang komento mula sa Liga post...

Anonymous Mar 13, 2012 12:29 PM
Pwede ko bang bilhin na lang sayo yung Yes! magazine na yon? Yung kay Joseph Yeo, Christian Luanzon, Mac Cardona etc.?

Ok lang kahit yung complete article lang basta kumpleto yung mga pictures nila Yeo.. Kasama din dyan sila Wesley Gonzales saka Cardona e. Ok lang kahit yung article lang bibilhin ko sayo. Pero mas maganda sana kung yung buong magazine. Willing talaga akong bilhin.

Mac Cardona
Haller 'teh Anonymous,

Hinalungkat ko ang aking koleksyones para hanapin kung meron ba talaga 'yung kay Arwind Santos at Wesley Gonzales kaya lang wala akong makita. Natatandaan ko na meron silang kuha pero wit ko na maremember kung saan ko nailagay. Watak-watak na kasi ang mga pahina.

Nais ko man tuparin ang iyong hiling, parte ng preycious collection ko ang iyong binibili. Medyo sentimental sa akin ang mga 'yan kaya isang solusyon ang aking ipe-presenta. Send ka ng email sa bongganatodopa[at]gmail[dot]com at se-send-an kita ng kopya ng possible highest resolution ng mga imahe without my blog's watermark. Maaari mong ipa-print ang mga 'yon sa glossy paper para magkaroon ka ng hardcopy.

Nawa'y sapat na ang naisip ko para sa'yo.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Tuesday, March 20, 2012

BFF

Unang beses kong mapanood kanina ang pinakabagong teleserye ng Kapamilya Network na Dahil Sa Pag-Ibig starring Papa P at Cristine Reyes. Bongga ang mga ta-ar-tits lalo na't belong ang trulaloot na mag-asawang Christopher De Leon at Sandy Andolong. Eye candy rin si Rafael Rosell na kahit medyo umitim eh yum yum pa rin. Anyways, wala sa kanila ang totoong rason kung bakit na-hook ako sa panonood kundi sa BFF ni Papa P sa serye, no other than Edward Mendez.


Akala ko dati eh Amboy siya magsalita pero matatas pala siyang mag-tagalog. Dati na siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash at ngayon ay endorser ng Flawless. Recently eh nadamay ang kanyang namesung sa hiwalayang Vicki - Hayden pero flop ang issue. Buti naman. Swerti ni Papa P at madami silang eksena ni Edward. JUICE KOH! Kung ako 'yun, baka todong naglaway ako sa kasarapan niya. EEEEHHHH!!!

Friday, March 16, 2012

Siklab

Summer na naman! Kahit umulan nitong mga nakaraang araw eh hindi 'non kinayang tapatan ang paghahari ng Sun is the center of the Solar System according to Shaira Luna. Season niya 'to so walang makakapigil sa kanyang sumikat at todong magpasiklab. Kaya dapat natin i-BFF ang sunblock, payong at sunglasses or else, sunog ang byuti natin.

Kapag ganito ang panahon, legal magpakita ng balat at magsuot ng maninipis at maiiksing damit. Deds kahit masight ang kulani, uneven skin tone at baryabols basta prekso sa pakiramdam ang isusuot. Ipakita mo sa 'sangkatauhan kung gaano ka ka-confident sa sarili mo. Love your body 'ika nga nila.

Season din ito para mabusog ang ating mga mata at kalamnan dahil kabi-kabila na naman ang mga sexy contests. First in line diyan ang Century Tuna Superbods 2012

Sampung kalalakihan at... at... (sige na nga isama na natin sila) kababaihan ang matutunggali sa kumpetisyon itey. Ang sasarap ng mga male candidates. AS IN! Ilan sa kanila ay dati ko nang inibig. Nakapag-move on na ako pero eto na naman sila't ginugulo ako. CHARAT!

Pogi-pogi, sharap-sharap nina Charlie Sutcliffe, Martin Flores, June Macasaet, John Spainhour at Cris Lomotan. Eeeerrrr... 

Pwede mong iboto ang bet mo sa www.centurytuna.ph/superbods at may pagkakataon kang magwagi ng bonggang Boracay escapade. Sa March 23 pa ang umpisa ng botohan kaya wa epek kapag kinlick mo 'yan. 

Basta ako, vote ko silang lahat. Mag-flying voter talaga me just for them because love conquers all. Ano daw?

Wednesday, March 14, 2012

Biktima

Bukod sa Isetann Recto, dapat na rin sigurong iwasan ng 'sangkabaklaan ang mga nyolboys sa bilog na mundo ng Quezon City Circle. Marami-rami na sa 'ting mga shupatid sa pananampalataya ang nabiktima diyan ng mga buwakaw na pulpulis.

Ayon sa nakakwentuhan kong taxi driver, dalawang sakay niya ang nakikilan diyan noong Disyembre ng taong nagdaan. Ganito ang sitwasyon:

Ipahihinto natin sa tabi ang taxi, ibaba ang bintana upang makipag-usap sa mga nyolboys. Sisipatin natin ang itsu kung bet ba natin at makikipag negosasyon na rin how much ang bayaran. That will take time 'di ba. Ang hindi natin knowsline, may nakaabang na palang police mobile sa 'di kalayuan. Habang sales talk tayo with the boys, ti-tiyempo ang mga walangya para makialam sa ating transaksyon.

Dahil bawal ang prostitusyon sa ating bansa, diyan na tayo tatakutin ng mga pulis. Hindi ko alam ang eksato nilang sinasabi pero dahil sa nilamon na tayo ng kahihiyan at takot, maggi-give way tayo sa kanilang kagustuhan.

Sabi ni mamang driver, pinakawalan sila ng pasahero niya nang magbigay ito ng 500 pesosesoses sa pulis. Matapos ay nagpahatid na lang ito sa isang gay bar malapit sa Timog.

Sinasamantala na talaga ng ilan ang kahinaan nating mga bakla. Konting ligaya lang naman ang ating hanap, hinaharang pa. Mauulit at mauulit ang ganitong pangyayari kung palagi silang may nabibiktima. Kaya mga 'teh, hanggat kaya eh iwasan muna ang lugar na 'yan para sa ating kaligtasan.

Monday, March 12, 2012

Marathon

Sa darating na March 19 at 20 ay magkakaroon ng marathon sa University of the Philippines Diliman. Hindi 'yung marathon na takbuhan kundi sunud-sunod na pagpapalabas ng mga pelikula tungkol sa ating makulay na buhay.

Tatlo ang ipapalabas bawat araw, isang Pinoy indie film at limang imported goods. Bongga at may pagpipilian tayo. Hindi lang 'yan sapagkat tumataginting na 100 pukekels lang ang ticket sa bawat pelikula. PERFEKTA! Narito ang iskedyul...

Lunes, March 19:

2:30 PM - Rock Haven
5:00 PM - Huling Halik
7:30 PM - Jitters

Martes, March 20:

2:30 PM - This is What Love in Action Looks Like
5:00 PM - Dog Tags
7:30 PM - The Love Patient

Oh! Dalawang araw lang 'yan kaya 'wag palalagpasin.

Ito ay hatid sa atin ng Lexuality Entertainment.

Sunday, March 11, 2012

Dahilan

Kung siya ang magiging dahilan kung bakit mainit araw-araw...

Darren Criss for People Magazine
...'di ko na hihilingin na lumamig pa. SURAAAPPP!!!

Saturday, March 10, 2012

Liga

8 years ago nang mahumaling ako sa UAAP. Hindi sa mismong laro kundi sa mga BY na varsity players ng iba't ibang eskwelahan. Mega watch talaga ako sa Studio 23 ng live telecast para masilayan ang mga pantasya ko. Nariyan pang nangolekta ako ng clippings sa mga magasins at kinom-pile ko sa clear book.

Habang ini-is-is ko ang pader at sahig ng aking kwarto noong 'sang araw, dinamay ko nang linisin ang baul ko. Parang may sound effects na ching ching ching ching nang buksan ko ito. At doon ko nga nakita ang clear book na puno ng nagsasarapang manlalaro. May special effects naman nang buklatin ko ito. Kung hindi niyo ma-visualize ang pinagsasabi ko, imaginin niyo na lang na nanonood kayo ng Wansapanataym. CHAREEENG!!!

Isa isahin na natin ang limang manlalaro na dati eh gusto kong laruin ang mga bola...

Rich Alvarez
Sa Ateneo Blue Eagles siya naglaro. Siguro naman, at one point in your beki life eh nagka-crush ka rin sa semikal na matangkad at malinis tingnan. Tama ba? Well, jackpot si atih Kyla sa kanya. I wonder kung... kung... 'wag na nga!

Doug Kramer
Isa pa 'tong semikal na masarap. Kahit pawisan na sa laro, mukhang mabango pa rin. Ayan, naka-dalawa na sila ni Cheska Garcia.

Joseph Yeo
Patunay lamang na wala akong kinikilingan between La Salle at Ateneo. CHOS! Ibang level naman ang kasarapan niya. So kung hindi niyo bet ang dalawang nauna, eto ang chinito cutie pie na ang bansag ay Samurai ng liga.

Christian Luanzon
Eto talaga ang masarap pagpantasyahan. Matangkad at Pinoy na Pinoy ang dating. Sa sobrang pagkahumaling ko sa kanya dati, sa tuwing dumadaan ng UST ang jeep na sinasakyan ko eh kulang na lang lumawit sa bintana ang ulo ko kakatingin sa basketball court at baka matanaw ko siya.

Paul Artadi
Siya ang may sala, siya ang dapat parusahan kung bakit ako nahilig sa ligang yan. Siya ang kauna-unahang UAAP player na nag-pose sa Cosmopolitan Magazine na tanging bola lamang ang takip sa hubad na katotohanan. Kaya ayun, lagi kong inaabangan ang laro ng UE Red Warriors.

Friday, March 9, 2012

Excuses

Tanong lang:

Image from InterAksyon.com
Bakit parang takot na ilabas ni Rep. Niel Tupas Jr. ang kanyang SALN? Kesyo daka daw magamit sa black propaganda at malihis sa tunay na issue ng impeachment ni CJ Corona. Asus! Excuses excuses.

Buti pa si baby Miro Quimbo, nagpalabas na. Ay! Parang ang bastos. Ahihihi...

Wednesday, March 7, 2012

Now Showing: Huling Halik

Jason Jimenez (sarap!)
Malusog pa rin ang industriya ng gay indie films sa pagpasok ng taong 2012. Matapos ipalabas sa mga sinehan ang Bola at Id'nal last month, showing naman ngayon ang Huling Halik, ang pinaka-fresh na handog ng Lexuality Entertainment. Starring dito sina Joeffrey Javier (Haba), Kenjie Garcia (Ang Lihim ni Antonio), Patrick Esteban at Jason Jimenez. Si Zig Dulay naman ang sumulat ng istorya at nag-direk nito.

     Huling Halik is a passionate gay drama about the end of a love affair between two college freshmen set during the colourful Flower Festival in Baguio. JM (Kenjie Garcia) is a troubled student obsessed with his schoolmate Ili (Joeffrey Javier). 
     Ili has left JM for his new girlfriend. JM is forced by his parents to transfer back to Manila due to his failing academics. JM asks Ili to spend his last day in the City of Pines as if nothing has ever separated them. But as the day blossomed into a feast of flowers, JM withers as he finally embraces the pain of letting go and saying goodbye.
Kung matatandaan niyo, una itong ipinalabas sa Cinemalaya last year. Sa mga hindi nakapanood, punta na sa Robinsons Galleria, Starmall Alabang, Isetann Recto, Gotesco Grand Central o Remar Cubao at makipila na.

Nagparaya

Ako ang tipo ng bekla na hindi mapakali kapag walang ginagawa sa araw ng pahinga. Nariyang maglalaba ako, maglilinis ng kuwarto o hindi kaya ay lalabas para pumunta kung saan. 'Yung naunang dalawa eh natapos ko na. Tipidity mode ang byuti ko kaya hindi muna ako lumabas. Buti na lang at to the rescue ang baul ko ng pelikula. Kinalkal ko ang aking stock ng VCDs at natipuhan kong panoorin ang Madame X ni Sabado Nights girl Ina Raymundo.

Nagsimula ang pelikula sa pagkakapatay ni Don Justo (Robert Arevalo) sa tatay ni Isabel (Ina Raymundo) at pagpapalayas sa kanilang pamilya sa hacienda nito. After 23 years, lumaki si Isabel bilang isang modelo ng lingerie brand na ang pangalan ay Madame X. Jowa niya si Alex (Gary Estrada) na anak naman ng don. Nagbakasyon sila sa hacienda at nakilala niya ang dalawa pa nitong kapatid na sina Arnulfo (Alvin Anson) at Adrian (James Harper).

Love at first sight ang drama ni Don Justo kay Isabel. Kesehodang maagawan niya ng kaligayahan ang sariling anak, kebs siya basta mapasakanya lang si babae. Nagparaya si Alex at siyempre, hurt si Isabel. Pumayag ang loka na makasal sa don pero inindyan naman niya sa araw ng kasal.

Sa mismong araw din na 'yon, hinalay siya sa dati nilang tirahan sa hacienda. Nagbunga nang isang supling ang pangyayaring iyon. Inakala ng lahat na si Arnulfo ang humalay pero witchells pala. Si Adrian ang may sala.

Si Jose Carreon ang sumulat at nagdirek nito at produced naman ng FLT Films.

'Di tulad ng Burlesk Queen Ngayon, maganda ang istorya ng Madame X. Derecho ang takbo at hindi nakalilito. Hindi masyadong oveeerrrr ang sex scenes. Sarap na sarap naman akiz sa kawafuhan ni James Harper na introducing sa pelikula. Nakakaaliw pa dahil may special participation si Izza Ignacio na isa sa mga paborito kong komedyante. Well, serious ang role niya dito.

Monday, March 5, 2012

Sunshine In The Sky

Image from travelingthephilippines.blogspot.com
Nakakalungkot mabalitaan ang sunud-sunod na krimen na nangyayari sa kabataang estudyante ngayon. Una diyan si Given Grace Cebanico ng UP Los Baños na ginahasa at karumal-dumal na pinatay. Sumunod si Marvin Reglos ng San Beda. Sa kagustuhan na magkaroon ng kapangkat at kakampi, buhay ay maagang nabawi.

Mabalik tayo sa Los Baños. Noong isang linggo, si Rochel Geronda, isang katorse años na nasa high school at nagtitinda ng sampaguita ay walang awang hinalay at pinatay din. TSK! At ang pinakahuli, kahapon lamang naganap, ang panghoholdap at pagkakapatay kay Ray Bernard Peñaranda, isang 3rd year BS Agriculture student ng UPLB. JUICE KOH! Isang taon na lang, magtatapos na 'yung bata. Hindi man lang pinatawad ng mga walanghiya.

Todong nakapanghihina ang ganyang mga balita. Sa murang edad, hindi lamang buhay nila ang ninakaw kundi pati na rin ang kanilang mga pangarap. Hindi ko lubos maisip ang pighating nararamdaman ngayon ng kanilang magulang at kamag-anakan.

Mula pagkabata ay inalagaan at inaruga sila. Tinustusan ang kanilang pag-aaral upang mahinang ang kanilang isipan. Sa isang iglap, sila'y nawala dahil lamang sa maiitim na budhi na naglipana kung saan man.

Since naging isa rin naman akong estudyante, magbibigay ako ng ilang payo. Tulad ng kahit sino sa inyo, inaabot din ako ng madaling araw sa pagsusunog ng kilay noon. Kapag alanganing oras na ako natapos, sinisiguro kong umuuwi ako sa balur ng may sunshine in the sky na. May mga tao na sa daan para may makasabay sa paglalakad. Kakampi ng masasama ang kadiliman kaya dapat iwasan 'yan.

Hindi ako naging member ng kahit anong frat noong college. Hindi ko knows ang feeling kung nakakabuti ba 'yan o hindi. Napanood ko sa TV ang testimonial ng isang frat member. Kapag miyembro ka daw kasi, mas madaling makahanap ng trabaho dahil mga ka-frat mo rin ang tutulong sa'yo. ANSABEEEHHH!?! Ang iba naman, sense of belongingness ang hinahanap lalo na 'yung mga kapamilya eh malayo sa kanila. Kung gusto mo talagang sumali at hindi ka na mapipigilan, eh bahala ka. Timbangin mo na lang kung talagang makakatulong sila sa'yo.

Sunday, March 4, 2012

'Wag naman sana...


...akong madevastate sa pagbabasa ng librong ito bilang hindi pa naman ako umiibig.

Thursday, March 1, 2012

Tingin, Sipat, Buklat, Basa

Dumaong na sa Pilipinas ang MV Logos Hope, ang pinakamalaking floating bookstore na naglalayag sa buong mundo.

 
Unang ibinalita ito sa akin ni Ateh Paul at bilang isang certified book lover, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na makapunta dito. Madali lang ang biyahe. From Quiapo, sakay ka lang ng jeep na may karatulang Pier 15. Diretso na ito doon at konting lakad lang, andun ka na.

Excited ako dahil ito ang unang beses ko na makatapak ng barko. May tweyni pesos na entrance fee at isang babaitang blondie ang hairlilet ang nag-welcome sa amin. Bago makapasok sa loob, may munting seminar muna tungkol sa history ng bookstore at kung paano ang presyuhan. 100 unit is equals to 100 peysos. So kung ang halaga ng librong bibilhin mo ay 150 unit, then it is worth 150 pesos. Bongga!

Matapos ang munting seremonyas ay sinugod na namin ang sandamukal na libro. Todo wide ang selections from novels to foods, children to adult books (hindi bastos ah), science to arts at may mga references pa. Mag e-enjoy lahat ng book lovers kapag pumunta dito. Mura ang karamihan ng libro. May CDs, DVDs at laruan din na binebenta.

Ilang beses kong inikot-ikot ang loob. Parang batang pinakawalan sa loob ng playground ang feeling. Tingin dito, sipat diyan. Buklat dito, basa diyan. Ang saya!

 
Siyempre, hindi rin nakalagpas sa mapanuri kong mata ang mga cutie pie na foreign male staff ng bookstore. Pero witchells pwedeng kumiri at nakakahiya. Christian bookstore ito kaya dapat behave. Hanggang tingin lang.

 
Kaya sa mga book addicts out there, punta na kayo dito. Hanggang March 13 lang sila bago lumipat ng Subic Bay. Don't miss this rare opportunity.