Monday, March 5, 2012

Sunshine In The Sky

Image from travelingthephilippines.blogspot.com
Nakakalungkot mabalitaan ang sunud-sunod na krimen na nangyayari sa kabataang estudyante ngayon. Una diyan si Given Grace Cebanico ng UP Los Baños na ginahasa at karumal-dumal na pinatay. Sumunod si Marvin Reglos ng San Beda. Sa kagustuhan na magkaroon ng kapangkat at kakampi, buhay ay maagang nabawi.

Mabalik tayo sa Los Baños. Noong isang linggo, si Rochel Geronda, isang katorse años na nasa high school at nagtitinda ng sampaguita ay walang awang hinalay at pinatay din. TSK! At ang pinakahuli, kahapon lamang naganap, ang panghoholdap at pagkakapatay kay Ray Bernard Peñaranda, isang 3rd year BS Agriculture student ng UPLB. JUICE KOH! Isang taon na lang, magtatapos na 'yung bata. Hindi man lang pinatawad ng mga walanghiya.

Todong nakapanghihina ang ganyang mga balita. Sa murang edad, hindi lamang buhay nila ang ninakaw kundi pati na rin ang kanilang mga pangarap. Hindi ko lubos maisip ang pighating nararamdaman ngayon ng kanilang magulang at kamag-anakan.

Mula pagkabata ay inalagaan at inaruga sila. Tinustusan ang kanilang pag-aaral upang mahinang ang kanilang isipan. Sa isang iglap, sila'y nawala dahil lamang sa maiitim na budhi na naglipana kung saan man.

Since naging isa rin naman akong estudyante, magbibigay ako ng ilang payo. Tulad ng kahit sino sa inyo, inaabot din ako ng madaling araw sa pagsusunog ng kilay noon. Kapag alanganing oras na ako natapos, sinisiguro kong umuuwi ako sa balur ng may sunshine in the sky na. May mga tao na sa daan para may makasabay sa paglalakad. Kakampi ng masasama ang kadiliman kaya dapat iwasan 'yan.

Hindi ako naging member ng kahit anong frat noong college. Hindi ko knows ang feeling kung nakakabuti ba 'yan o hindi. Napanood ko sa TV ang testimonial ng isang frat member. Kapag miyembro ka daw kasi, mas madaling makahanap ng trabaho dahil mga ka-frat mo rin ang tutulong sa'yo. ANSABEEEHHH!?! Ang iba naman, sense of belongingness ang hinahanap lalo na 'yung mga kapamilya eh malayo sa kanila. Kung gusto mo talagang sumali at hindi ka na mapipigilan, eh bahala ka. Timbangin mo na lang kung talagang makakatulong sila sa'yo.

4 comments:

  1. nakakalungkot talaga at nakaka hinayang ang mga estudyante na pinapatay..sayang ang future.. :(

    ReplyDelete
  2. ibalik na ang death penalty sa pinas ng mabawasan ang msasamang tao sa mundo, unahin na ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at druglords.

    ReplyDelete
  3. -Teh ZaiZai, mabigyan sana sila ng hustisya.

    -Teh Anonymous Mar 5, 2012 07:06 AM, malaking isyu na naman kapag ibinalik ang death penalty sa bansa. Dagdagan sana ang police visibility sa kahit saang lugar para naman mahintakutan ang mga kriminal.

    ReplyDelete
  4. teh melanie, bakit kaya palagi nalang ganyan sa UPLB noh? i remember dun din naghasik ng lagim si mayor sanchez wayback. kakalungkot namen.

    ReplyDelete