Ako ang tipo ng bekla na hindi mapakali kapag walang ginagawa sa araw ng pahinga. Nariyang maglalaba ako, maglilinis ng kuwarto o hindi kaya ay lalabas para pumunta kung saan. 'Yung naunang dalawa eh natapos ko na. Tipidity mode ang byuti ko kaya hindi muna ako lumabas. Buti na lang at to the rescue ang baul ko ng pelikula. Kinalkal ko ang aking stock ng VCDs at natipuhan kong panoorin ang Madame X ni Sabado Nights girl Ina Raymundo.
Nagsimula ang pelikula sa pagkakapatay ni Don Justo (Robert Arevalo) sa tatay ni Isabel (Ina Raymundo) at pagpapalayas sa kanilang pamilya sa hacienda nito. After 23 years, lumaki si Isabel bilang isang modelo ng lingerie brand na ang pangalan ay Madame X. Jowa niya si Alex (Gary Estrada) na anak naman ng don. Nagbakasyon sila sa hacienda at nakilala niya ang dalawa pa nitong kapatid na sina Arnulfo (Alvin Anson) at Adrian (James Harper).
Love at first sight ang drama ni Don Justo kay Isabel. Kesehodang maagawan niya ng kaligayahan ang sariling anak, kebs siya basta mapasakanya lang si babae. Nagparaya si Alex at siyempre, hurt si Isabel. Pumayag ang loka na makasal sa don pero inindyan naman niya sa araw ng kasal.
Sa mismong araw din na 'yon, hinalay siya sa dati nilang tirahan sa hacienda. Nagbunga nang isang supling ang pangyayaring iyon. Inakala ng lahat na si Arnulfo ang humalay pero witchells pala. Si Adrian ang may sala.
Si Jose Carreon ang sumulat at nagdirek nito at produced naman ng FLT Films.
'Di tulad ng Burlesk Queen Ngayon, maganda ang istorya ng Madame X. Derecho ang takbo at hindi nakalilito. Hindi masyadong oveeerrrr ang sex scenes. Sarap na sarap naman akiz sa kawafuhan ni James Harper na introducing sa pelikula. Nakakaaliw pa dahil may special participation si Izza Ignacio na isa sa mga paborito kong komedyante. Well, serious ang role niya dito.
sayang me cut na yung nasa DVD. maraming frontal nudity pa naman yung isang guy jan sa eksena sa isang stag party na inilabas nya ang telag nyang nota. kahit si Yna, ito ang pinaka-daring nyang ginawa sa lahat ng movies nya.
ReplyDeleteMadam na miss ko tuloy yung mga oldies but goodies na movies.. tsalap..
ReplyDeletenga pala Madam baka mahalukay mo dyan sa baul mo yung video ni papa Paul Guesande.. share mo nmn!
keep posting Madam!