Thursday, March 1, 2012

Tingin, Sipat, Buklat, Basa

Dumaong na sa Pilipinas ang MV Logos Hope, ang pinakamalaking floating bookstore na naglalayag sa buong mundo.

 
Unang ibinalita ito sa akin ni Ateh Paul at bilang isang certified book lover, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na makapunta dito. Madali lang ang biyahe. From Quiapo, sakay ka lang ng jeep na may karatulang Pier 15. Diretso na ito doon at konting lakad lang, andun ka na.

Excited ako dahil ito ang unang beses ko na makatapak ng barko. May tweyni pesos na entrance fee at isang babaitang blondie ang hairlilet ang nag-welcome sa amin. Bago makapasok sa loob, may munting seminar muna tungkol sa history ng bookstore at kung paano ang presyuhan. 100 unit is equals to 100 peysos. So kung ang halaga ng librong bibilhin mo ay 150 unit, then it is worth 150 pesos. Bongga!

Matapos ang munting seremonyas ay sinugod na namin ang sandamukal na libro. Todo wide ang selections from novels to foods, children to adult books (hindi bastos ah), science to arts at may mga references pa. Mag e-enjoy lahat ng book lovers kapag pumunta dito. Mura ang karamihan ng libro. May CDs, DVDs at laruan din na binebenta.

Ilang beses kong inikot-ikot ang loob. Parang batang pinakawalan sa loob ng playground ang feeling. Tingin dito, sipat diyan. Buklat dito, basa diyan. Ang saya!

 
Siyempre, hindi rin nakalagpas sa mapanuri kong mata ang mga cutie pie na foreign male staff ng bookstore. Pero witchells pwedeng kumiri at nakakahiya. Christian bookstore ito kaya dapat behave. Hanggang tingin lang.

 
Kaya sa mga book addicts out there, punta na kayo dito. Hanggang March 13 lang sila bago lumipat ng Subic Bay. Don't miss this rare opportunity.

5 comments:

  1. Hi te! Naka gora din ako kahapon sa Logos Hope, dami ngang books, ang dami ding cute :)

    ReplyDelete
  2. hi, may idea ka kung what time nagoopen and until what time? thanks in advance. :))

    ReplyDelete
  3. MV Logos Hope is open from 10 a.m. to 9:30 p.m. from Tuesday to Saturday and from 1 p.m. to 9:30 p.m. on Sunday.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you so much :)) anyways.. this is gie:)) "HUNK:))" ill follow you on twitter.. follow back:)))

      Delete