Friday, November 30, 2012

Konserbatibo

Pagkatapos ng presscon ni Monique Wilson para sa One Billion Rising, diretso ako sa opisina ng Viva sa Ortigas para todong sugurin ang last day video sale nila. Dalawang VCDs ang nabili ko ang isa dito ang Nympha...

"Hindi ko na talaga kaya. Hirap na hirap na ako.
Ayoko na maging pahirap sa inyo... mahal na mahal ko kayo. Patawarin niyo ako..."
Nympha (2003)
Regal Entertainment Inc,
Directed by Celso Ad Castillo
Screenplay by Roy Iglesias and Celso Ad Castillo
Starring Gloria Diaz, Dino Guevarra, Antonio Aquitania, Joseph Hizon, Cholo Medina, Bing Victoria and Maricar de Mesa

Obvious sa title kung sino ang bida. Isang ulila na pinalaki sa konserbatibong pamamaraan ng kanyang Tiya Issa (Diaz). Relihiyosa, hindi nagsusuot ng seksing damit, kasalanan ang gabihin sa daan at higit sa lahat, bawal makihalubilo sa ohms. Hindi ko keri 'yun! Pero kung gusto, maraming paraan at diyan magaling si Nympha (de Mesa). Kaya naman limang ohms ang tinikman niya.

"Masagi lang ho ako ng lalaki, iba na po ang pakiramdam ko. Hindi ho ako makatiis eh."
Una si Teban (Medina) na karpintero sa bahay nila. Sinilipan siya nito habang naliligo. Imbes na maeskandalo, nginitian pa niya ito at ipinagpatuloy ang pagbuhos ng tubig sa tabo. Sunod diyan si Lauro (Hizon) na tindero ng native products tulad ng duyan, salamin, walis ting-ting atbp. Pagkatapos niyan, saka pa lang nabunyag ang relasyon niya kay Dodong (Guevarra), ang sakristan sa simbahan na kanyang pinagdarasalan. Sweet-sweetan sila kaya wholesome ang ganap. Next in line si Elias (Victoria), ang asawa ng kapitbahay nila. Nahuli siya nito na naliligo sa ulan sa kalagitnaan ng gabi habang kinikiskis ang sarili sa isang puno. How cinematic! Magaya nga. Last but not the least si Noli (Aquitania), ang photographer na gusto siyang gawing model pero hindi na nangyari. Bakit? Kasi namatay siya.

Remake ito ng 1971 film with the same title. Sa pagkakatanda ko, March 2003 nang ipalabas 'to sa sinehan as launching  ni Maricar de Mesa sa sexy movies. Bet na bet ko ang mystery feel ng pelikula. Salamat sa mahusay na pagsulat at direksyon ni Celso Ad Castillo (RIP) at bongga ang kinalabasan. Hindi ka titigil sa panonood hanggat 'di nalalaman ang susunod na mangyayari. Wit ko na ikwento kung ano ang ending. Panoorin niyo kung sino ang pumatay sa bida. Mali ang inakala kong suspek kaya nasurpresa ako.

Rating: 4/5 stars

Tuesday, November 27, 2012

Ispisipiko

Hello Melanie,

I'm a huge fan of yours, your blog, your personal life and escapades. I'm Osias, discreet gay from Masbate. I'm gay but I can’t be loud because I'm a person with disability. I'm using a wheelchair since I was 17. I cannot act on my sexual preference because I'm scared of being judged by the public. But I'm open with family and close friends. I finished my college degree last April and I took AB Psychology. 

I'm planning to move in Metro Manila this coming January 2012 and hopefully I can find a job there. Any suggestion for a call center that accepts PWD? I really adore you because you act base on what you think. I really envy those gays who can express their orientation regardless of what people may think.  I’ll be hypocrite if I say I don’t like boys. 

Hope you will post more inspiring stories that you've achieved and succeed.

Osias =)

***


Haller 'teh Osias!

Maraming salamat sa iyong paglasap sa bawat handa dito sa aking vlagelya. Natutuwa ako na abot hanggang Masbate ang kapokpokan ko. CHOS! Nosebleed akez sa iyong sulat. Pinag-isipan ko muna kung magrereply din ba ako in English. Pero tulad mo, I'm scared of being judged by the public because of my English. CHAR!

I guess bata ka pa (early 20's) kaya scared ka pa na ma-judge ng mga utaw dahil sa iyong piniling sekswalidad. Keri lang 'yan. Hindi kumpleto ang buhay ng ating lahi kung hindi daraan diyan. Eventually, mamumukadkad din ang iyong bulaklak sa tamang panahon.

Tungkol naman sa iyong katanungan, dati akong nagtrabaho sa Epixtar sa Libis, Quezon City at sa pagkakatanda ko, meron akong nakakasabay sa elevator na naka-wheelchair. 'Yun nga lang, wala na sa call center industry ang kumpanyang aking nabanggit. Aktwali, hindi naman mapili ang mga call center sa Pinas. As long as you are qualified at napasa mo lahat ng dapat mong pagdaanan, magkakatrabaho ka.

Hayaan mong ang mga ateh natin ang tumulong sa'yo. Nawa'y mag-comment sila kung may alam silang ispisipikong call center na tumatanggap ng PWD.

I'll email you kapag may nalaman din ako.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Monday, November 26, 2012

Christmas Gift 2.0

Ilang araw na lang at Disyembre na pero parang Abril sa todong taas ng temperatura. Nasaan kaya ang malamig na simoy ng hangin na dala ng Kapaskuhan. Mukhang naliligaw at hindi makarating sa Pilipinas. Haaayyy... kung mananatiling ganito kainit ng panahon, sana 'sing HOT din niya ang Christmas gift sa akin ni Santa Klaws...

Jesse Cortes
Ang SURRRAAAPPP ng pandesal at kili-kili niya!

Sunday, November 25, 2012

Listahan

Memorable date ang November 24 para sa mga pageant followers dahil tatlong pageant ang ginanap sa petsang ito. Heto ang listahan ng mga nagwagi...

Ang kasarapan ni Francisco Javier Escobar Parra ng Colombia ang nangibabaw sa London bilang Mr. World 2012. Second placer naman ang sariling atin na si Andrew Wolff na humihingi ng dispensa sa kanyang narating. Ano ka ba fafah Andrew? You made us so proud kaya wala dapat sorry sorry. Nasa pangatlong pwesto naman si Mr. Ireland Leo Delaney. Pasok naman sa top 10 ang pinakamamahal kong si Gianni Sennesael ng Belgium.

Dito naman sa Thailand, si Mr. Lebanon ang nagwaging Mister International 2012. First runner-up si Ron Teh ng Singapore followed by Marko Sobot ng Slovenia. Fourth and fifth placer naman sina Mr. Brazil Ricardo Magrino at Mr. Slovak Republic Jan Haraslin. Surprisingly, hindi kasama sa semifinalist ang heavy favorite na si James Murphy ng Ireland. Oh well, hindi rin tayo nakapasok sa top 10. Sayang.

Huli sa listahan ang Miss Earth 2012 winners. Siyempre dapat priority ang mga ohms noh!? Ang bagong Miss Earth ay si Tereza Fajksova ng Czech Republic na kahit hindi naintindihan ang final question eh panalo pa rin. Miss Earth-Air si Ms. Philippines Stephany Stefanowitz. Miss Earth-Water ang gorgeousness ni Osmariel Villalobos ng Venezuela at Miss Earth-Fire ang Brazilian beauty ni Camila Brant.

Isang malutong na KUNGRACHULEYSHONS sa kanila!

Saturday, November 24, 2012

Hayok

Bago matapos ang buwan na itech, isang gay indie film ang susubukan ilabas ang init na ating itinatago... Hayok, Hanggang Saan Ka Papasok? Handog ng Silverline Multimedia Inc. at mula sa direksiyon ni G.A. Villafuerte. Starring Jay Enriquez (Kumpare, Adam's Apple), Adriana Gomez (Hubo, Ang Jowa), John Parmisano and introducing MD Marasigan.



Ipapalabas na ito sa November 28 sa mga sumusunod na sinehan:
  • Remar Cubao
  • Isetann Recto
  • Roben Recto
  • Marketplace Kalentong Mandaluyong
  • Eden Cebu

One Billion Rising

Laman ng mga balita ang paglalantad ni Monique Wilson sa kanyang tunay na sekswalidad. Ginawa niya ito kahapon sa One Billion Rising presscon kung saan naroon din ako. Matagal na daw alam ito ng press pero dahil na rin sa respeto sa kanya at sa sining na ginagalawan niya, hindi ito naging malaking isyu. Oo nga naman, ang isang tulad niya na nagbigay karangalan sa ating bayan ay 'di kailanman dapat husgahan sa kung anong pinili niya. Isa siyang ehemplo sa ating lahi na dapat tingalain.

Tungkol naman sa One Billion Rising, isa itong bonggang event para sa mga kababaihan sa Araw ng mga Puso sa susunod na taon. Hinihikayat nito ang 'sangkatauhan na huminto panandalian sa kani-kanilang ginagawa upang tumayo, maki-isa at todong sumayaw para mahinto ang pang-aabuso sa kababaihan. Bukod kay Monique Wilson, suportado ito ng Gabriela, New Voice Council at ng Hollywood actors na sina Jane Fonda, Rosario Dawson at Rober Redford.


For more information, please visit their official website: www.onebillionrising.org
Follow them on Twitter: @OBRPhilippines
Like them on Facebook: www.facebook.com/OneBillionRisingPhilippines

Friday, November 23, 2012

'Di kalaliman

Busy as a bee ang ng lolah niyo mga ateng. Knowsline niyo na siguro na sumakabilang bansa na ang trabaho ko sa Makati kaya andaless ako ngayon. Pero 'wag ka, mas naging expensive pa yata ang lifestyle kez kung kelan nawalan ng work. Kaya naman after 5 days of pagpapatambok ng keps, sugod ako sa bonggang The Fort para mag-apply sa isang bangko. Hindi BDO, East West o BPI. Basta bangko sa isteyts.

Image from www.asiaexplorers.com
Pagkapasa ng resume, salang agad sa typing and aptitude test. Sisiw ang typing test pero sa aptitude exam, unang tanong pa lang, todong nahilo na ako. Fraction ba naman ang itanong eh huminto ang utak ko sa Math nung pagdating sa Division. AMP! After ilang minuto, tinawag ako ng exam coordinator para sabihing nakapasa ako. Akalain mo 'yun! After 1 hour daw eh may language assessment akiz. Owkay! Labas ako ng building. Wala akong makitang mapagtambayan. Parang ang lungkot pala sa The Fort. Sa 711 na lang ako kumain tapos bumalik na ako agad para ituloy ang application.

Wednesday, November 21, 2012

I couldn't agree more

Kaya hindi na kailangan ilipat ng lugar si Lolong. 'Dun na lang siya sa Agusan dahil sandamukal na ang buwaya dito sa lungsod. At least doon, mag-isa lang siya at solo ang kaharian. TOTOONG natutulungan pa niya ang mga kababayan niya. PAK!

Mabalik tayo sa larawan. Hindi mo sila mabilang sa kamay pero ang batas na nagawa nila, lagpas kaya sa bilang ng mga daliri natin? Maidagdag ko lang, hindi sight sa picture pero laging may family reunion diyan. Ang mga magulang, anak pati kamag-anakan nila, diyan nagpapalamig este nagtatrabaho.

Tuesday, November 20, 2012

Mr. World 2013 and Mister International 2012

Magsasama-sama ang iba't ibang lahi ng kasarapan sa dalawang male international pageant na magaganap ngayon buwan. Una diyan ang Mr. World 2013 ni madame Julia Morley.

Andrew Wolff in London for Mr. World 2013
Si Andrew Wolff ng Philippine Volcanoes ang napusuan ni forever young Cory Quirino na ipadala sa London. Tamang tama bilang half-English si fafah Andrew at athlete pa kaya yakang-yaka niya ang challenges ng kompetisyon.

Belgium, Spain & Colombia
Maliban sa kanya, may tatlo pang todong masarap sa mga kandidato. Si Alvaro Villanueva Santos ng Viva! España, si Francisco Javier Escobar Parra (whew!) ng Colombia at ang prince charming ko na si Gianni Sennesael ng Belgium. Like niyo ang official page nila sa FB para updated kayo.

Mister International 2012 - Philippines
Habang may kalayuan ang London sa atin, dito naman sa shupitbalur nating Thailand ay kasalukuyang nagaganap ang Mister International 2012. Pambato ng ating bansa si Mark John Gutoman na personal na kinoronahan ni reigning Mister International 2011 na si Cesar Curti.

Macedonia, Ireland & Slovenia
Tulad ng nasa taas, madami ding masasarap na imported goods sa kompetisyon itech. Andiyan si Mr. Ireland James Murphy, Mr. Macedonia Gjorgi Filipov at Mr. Slovenia Marko Sobot. Wetness galore akez sa sarap nila. Parang ang sharap pisil-pisilan at kagat-kagatin ng mga maskels nila sa borta. Ay! Punasan ko lang laway ko. CHOS!

Sa Sabado, November 24 malalaman kung sino ang magwawagi sa parehong kumpetisyon. Sino kaya kina Andrew at Mark John ang bonggang mag-uuwi ng karangalan? Abangaaan.

Sunday, November 18, 2012

Sayaw

Nitong Viernes ay nagkaroon ako ng tsansang mapanood sa 4th National Theater Festival ang star-studded na Sayaw ng mga Seniorita.

Binubuo ito ng ilan sa pinakasikat nating tiyahin sa showbusiness: Manny Castañeda, Joel Lamangan, Soxie Topacio, Arnell Ignacio at si kagandahang BB Gandanghari. Kwentong buhay ng limang bakla at kung paano sila tumanda bilang bakla. Ang simple de vaaahhh? Pero ang hindi simple ay ang bonggang pagganap ng mga artista at kung paano nila binigyang buhay ang kani-kanilang karakter.

Saturday, November 17, 2012

Kaparis

Gusto kong maiyak ng bongga sa restored version ng isa sa pinaka importanteng pelikula ng ating bansa. Ang ganda ng pagkakagawa ng makabagong trailer na dinagdagan ng dumadagundong na sound effects. Parang halos mahahalikan mo na si Ate Guy sa screen dahil ngayon, mas malinaw na talaga. Wala na ang subtitles sa ibaba at gilid nito. 

Mahal daw ang HD conversion ng isang lumang pelikula. Kung bilyonarya lang akez, hindi ako mangingiming todong waldasin ang kayamanan ko para lang ma-restore pa ang ilan sa La Aunor masterpieces tulad ng Bona, Minsa'y Isang Gamu-Gamo, Tatlong Taong Walang Diyos, Bakit Bughaw Ang Langit? atbp. Wish ko lang magpondo ang gobyerno sa ganitong klaseng proyekto dahil ang pelikulang atin ay walang kaparis sa mundo. Tunay na maipagmamalaki ng lahing Pilipino.

Friday, November 16, 2012

Huling sulyap

Todong malungkot kahapon kasi nawalan kami ng trabaho ng mga kasama ko. Ang walanghiyang Amerikanong kliyente namin ay bigla na lang umayaw nang walang pasabi. Basta ayaw na nila kaya lahat kami ay nagulat. Ang mas nakadagdag sa aming kalungkutan ay ang nalalapit na Kapaskuhan. Sino ba naman kasi ang matutuwang magkaroon ng Paskong tuyo?

Ilan sa mga katrabaho ko ay nakasama ko ng halos anim na taon kaya hindi biro ang pinagsamahan at pinagdaanan namin. Hindi namin matanggap na sa isang iglap, magkakawatak-watak kami. Pero ayos lang, ganun talaga ang life. May FB naman to keep in touch.

Personally, matagal na akong buro sa buhay call center. Kung hindi sa malaking kita, hindi ako magtatagal ng mahigit kalahating dekada kakakuda ng Ingles at intindihin ang hinaing ng mga Kano. I think it's high time for me to use my education. It's not too late pa naman so why not give it a try.

Share ko sa inyo ang huling sulyap sa aming samahan...

Wednesday, November 14, 2012

Iniluwal

Kung may extrang yaman na madurukot, panonoorin ko ito...

Bentang benta sa akin ang mash up songs ni Ate Gay kung saan ang dalawang magkaibang kanta ay pinagsasama niya. Gusto ko rin ang brand of comedy niya. Wit niya kailangan mang-okray ng pisikal na anyo para tayo ay mapahalakhak. Tulad ko at nang iba sa inyo, isa siyang certified Noranian kaya mas nadagdagan ang paghanga ko. Kahit gasgas na, todong nakakaaliw pa rin kapag ginagaya niya ang famous line ni La Aunor sa pelikulang Himala.

Bilang suporta sa nalalapit niyang konsiyerto ay iniluwal niya ang The Door, ang kalalabas lang at mainit-init niyang kanta. Bonggang guest dito si Blank Tape at ang Sexbomb Girls. Na-miss ko naman bigla ang kanilang paggiling kaya sabay-sabay nating panoorin...

Tuesday, November 13, 2012

Balakang

Uso yata sa Tate ang malalapad na balakur at matatambok na tapur and I'm not referring sa ating lahi kundi sa mga mujer. Aba! Tekaluk at Kim Kardashian, Nicki Minaj at Christina Aguilera. Kurbadang kurbada sa masisikip na tela!

Ditech sa Pinas, mga ateh nating kontesera ang madalas magpagawa niyan. Sa stage ng pagdadalaga, una munang gagamit ng patong patong na potholder ni inay sa loob ng shorts o pantalon. Keri lang kahit bukol-bukol at parang hindi akma sa katawan. Basta may balakang! Kung may pera ka, bili na ng panting may sponge sa gilid at pwetan. At kapag may ipon na, diyan na bonggang magpapaturok ng collagen o hydrogel.

Pero bakit nga ba mahalaga ang pwet o balakang sa isang bakla? According sa statistics at SWS survey... CHAREEENG! Wa-ing ganun! Nagtanong lang akez sa beki friends ko at sey nila, 'yan daw kasi ang mahirap i-achib para ang katawan ni Adan ay maging Eba. Kung ang suso nadadaan sa pillar, matagal daw ang epekto sa balakang. Ang sagwa kasing tingnan kung todong susuhan ka tapos derecho ang bewang pababa sa hita. Masarap din kumendeng at maglakad habang hinahampas left to right ang pwetan. Babaeng babae ang feel!

Mukhang maswerte ang byuti ko pagdating diyan dahil 36" ang sukat ng akin. Walang turok at all natural. Ngayon, 'wag niyo nang itanong ang sukat ng dibdib at bewang ko at magrarambol tayo. CHAR!

Monday, November 12, 2012

Siksik

Kagabi ay napanood ko ang Livin' La Vida Imelda, isa sa mga handog ng 4th National Theater Festival na kasalukuyang tumatakbo sa Cultural Center of the Philippines. Performed by Carlos Celdran, tinalakay niya ang bonggang buhay ni First Lady Imelda Marcos.

The actors of Livin' La Vida Imelda
Kahalintulad ito ng ginagawa niya sa Kwentong Kalye sa Aksyon TV kung saan naglalahad siya ng impormasyon habang nagpapakita ng mga larawan sa hawak niyang clear book. Para mas lalong makulay ang palabas, tinulungan siya ng pitong theater actors at isa dito ang Talentadong Pinoy grand winner na si Astroboy bilang Imelda.

Photo by Jav Velasco
Siksik sa kasaysayan na sinamahan na humurous na paglalahad ni Carlos kaya todo aliw ang halos dalawang oras ng palabas. Bukod diyan, ilan sa mga nanood ay forenjers. Kaharap ko pa ang crush ko sa Philippine Volcanoes na si Chris Everingham. Water water ako habang nanonood hihihihi! Binalak ko sanang magpa-pica kaya lang nadyahe akez. Parang 'di bagay dun sa event kaya sinikil ko muna ang pagiging hayok. CHOS!

Ang Livin' La Vida Imelda ay magkakaroon pa ng dalawang palabas sa November 13 at 15, 7 PM sa CCP Silangan Hall. Para sa tickets, tumawag sa CCP Box Office 832-3714 | 832-3706, TicketWorld 891-9999 o bumisita sa www.culturalcenter.gov.ph

Saturday, November 10, 2012

Winners of Manhunt International 2012

Agad nasundan ang matamis na tagumpay ni Kevin Balot sa Thailand sapagkat kagabi, si June Macasaet ang tinanghal na Manhunt International 2012. Kavogue ang mahigit limampung ohms sa tikas at tindig ng Pinoy. Bukod sa grand title, todong naiuwi din niya ang New Urban Male Award. GALING!

Second placer si Peter Jonsson ng Sweden na sinundan ni Martin Wang ng Macau. Third runner-up ang kandidato mula sa Puerto Rico na si Jimmy Rivera at fourth runner-up naman si Jason Chee ng Singapore.

Thursday, November 8, 2012

Simsiman

"Ikaw na bata ka, ang bata bata mo pa, ang kiri kiri mo na!
Hindi ka pa tinutubuan ng balahibo sa katawan napakalandi mo na!"

Kirot Sa Puso (1997)
MAQ Productions
Directed by F.C. Gargantilla
Screenplay by Anthony Taylor
Starring Roy Rodrigo, Ramona Rivilla, Aldrin Russo and Anna Capri

Sa murang edad na kinse, kaakit-akit na sa kalalakihan si Ada (Capri) kaya 'di nakapagtatakang ligawan siya ng kababatang si Temyong (Russo). Kinakapatid niya si Isabel (Rachel Lobangco)  na nakitira sa kanilang lupain kasama ang dalawang anak nito kay Ramon (Rodrigo). Unang kita pa lamang sa kanya ni Ramon, hindi na nito naiwasang pagpantasyahan siya. Ayun, napagsamantalahan tuloy ang kainosentehan niya. Ang masama pa nito, nagbunga ang nangyari sa kanila. Kalaboso tuloy si lalake.

Roy Rodrigo as Ramon
Pinagpiyestahan ng mga tsismoso't tsismosa ang nangyari kay Ada at upang makaiwas sa eskandalo, minabuti ng magulang niya na ipaampon siya kay Judge San Mateo (Gloria Diaz). Ang inakalang swerte ay malas pala dahil manyakis ang asawa't anak nito. Pinagmamalupitan pa siya ni Tiya Meding (Marita Zobel) kaya bumalik na lang siya sa poder ng mga magulang. Nakapuga sa bilangguan si Ramon at dumeretso agad sa kanya para makasimsim muli ng bubot na nektar. Eh nahuli ito ng tatay niya kaya hindi natuloy ang simsiman. Teggie agbayani sa taga ang manyak.

Pinatunayan ng pelikula na true love exists dahil tinanggap at pinakasalan siya ni Temyong sa huli. What a happy ending!

Parang sasakit ang ulo ko habang nanonood. Ang daming "HA?!" moments ng pelikula tulad ng paano pagsasamantalahan si Ada kung siya pa ang laging lumalapit kay Ramon. Nagpacheck-up sa doktor para malaman kung ano ang sakit pero pagkakita sa chikinini, nag-assume na walang sakit ang pasyente. KALOKA!

Mukhang baguhan pa lang sa showbiz si Anna Capri nang gawin ito pero mababakas na ang galing niya sa pag-arte. Bitin naman ako sa sexy scenes ni fafah Roy Rodrigo. Sayang! Ang hot pa naman niya dito. Tapos kamukha pala ni Marian Rivera si Ramona Rivilla.

Rating: 1.5/5 stars

Wednesday, November 7, 2012

Manhunt International 2012

Nasa Bangkok, Thailand si fafah June Macasaet to represent our country sa annual Manhunt International. Heto na yata ang pinakamalakas na taon ng patimpalak dahil mahigit limampung ohms ang magtutunggali para sa nasabing titulo. SARAP! 'Wag sanang bumaha sa Thailand sa pagwawater-water ng Thai shupatembas natin.

Todong nahirapan akong pumili ng mapupusuan dahil ang shasharap nila. AS IN! Ngunit tulad sa isang handaan, bawal ang gahaman. Baka maempatso akez kaya kahit labag sa kalooban, sampu lang ang pinili ko (wow parang nakontian pa ako). Hinga ng malalim mga 'teh, i-relaks ang sarili at baka kung anong mangyari sa inyo.

Monday, November 5, 2012

Sa Libertad, Muñoz at Cubao

Muli na namang naimbitahan ang byuti ko sa Philippine Fashion Week nitong October 28 courtesy of fashion designer June Pugat. Katulad ng dati, ginanap ito sa SMX Convention Center. Dahil na-trauma ako sa pagiging underdress last time, sinigurado kong hindi na mauulit 'yon kaya ilang linggo ko rin pinag-isipan kung ano ang bonggang susuotin ko. Bet ko sanang mag-Michael Cinco o Furne One kaya lang hindi ko alam kung paano gagawing katotohanan ang isang panaginip. Kaya dalawang araw bago ang event, napadpad ako sa kahabaan ng Libertad para todong maghagilap sa mga ukay-ukay doon. Hulas ang byuti ko dahil wa me matype-an. Ride ako ng LRT papuntang Muñoz at muling naghanap ng blusang babagay sa aking alindog. Wit din successful. Nawalan ako ng pag-asa. Para akong mababaliw. Isa lang ang solusyon sa problema ko, ang injanin ang mga kasama ko pero nakatunog kaagad sila. Isang araw bago ang big event, nagpropose hindi ng engagement kundi ng hair and muk-ap sponsorship ang officemate ko na may ari ng Salon 1310 na si Rollie Openiano. Siya na daw bahala sa overhauling ko. Mukhang ayaw i-adya ng kapalaran na 'di ako pumunta kaya pagkatapos ng trabaho, go ako sa The Platform sa Galleria para bumili ng shu-es. Tagumpay dahil ang dating 1299 ay nabili ko lamang ng 199. PAK!

Saturday, November 3, 2012

Miss International Queen 2012 winners

Isang magandang balita mga 'teh! Si Kevin Balot from the Philippines ang tinanghal na Miss International Queen 2012. Tama ang nabasa niyo, Kevin ang pangalan niya...

Talbog sa byuti niya ang dalawampung beklers na galing pa ng iba't ibang bansa. Si Jessika Simoes ng Brazil and first runner-up at si Panvilas Mongkol ng Thailand ang second runner-up. Ginanap ang kompetisyon sa Bangkok, Thailand na ipinalabas sa national TV doon. Siya din ang nakasungkit ng award for Miss Photogenic. PANALO! 

KUNGRACHULEYSHONS sa'yo ateng! Nawa'y iyan na ang simula ng magandang record natin sa international competition, mapa-straight man o hindi.

Friday, November 2, 2012

Derecho

Some of my DVD collection
Tuwing susweldo ako at may natitirang konti, derecho agad ako sa music and video stores para dagdagan ang CD at DVD collection ko. Hindi lingid sa inyong kaalaman na hilig ko ang gay indie films. Though may nagpo-produce pa din, hindi na ito kasing bongga gaya ng dati. Kaya naman 'yung mga nagustuhan ko, kinokolekta ko na ang mga orihinal na kopya. Investment ba para pag thunderific na akiz, may panonoorin ako habang naka-upo sa rocking chair at naggagantsilyo. CHAR! Buti na lang, from regular price of 275 - 350 peysos ay nagmuriah carey na ang presyo ng ilan sa mga 'to. Between 99 - 199 peysos, not bad de vaaahhh!?

Kung katulad ko kayo na hilig ay gay indie films, I recommend na bumili kayo ng original copies while supply lasts. Magandang koleksyon at todong makakatulong pa sa Filipino film industry.

Thursday, November 1, 2012

Gay Icon

Probably this is one of the best gay films na napanood ko. The story revolves around the young life of English writer and gay icon Quentin Crisp played by John Hurt. Search niyo siya sa Wikipedia kasi makulay ang buhay kabaklaan niya. Wit ko siya kilala bago ko 'to mapanood kaya I have no idea kung ano ba 'yung panonoorin ko. Akala ko nga hindi ko mae-enjoy kasi English movie pero todong maganda pala. Marami akong napulot na aral sa mga pinagdaanan niya especially nabuhay siya during the time na hindi pa talaga tanggap at ladlad ang pagiging bakla.

Eto naman ang sequel nung nasa taas at 34 years lang naman ang pagitan ng dalawa. KALOKA! Bida pa rin dito si lolah Quentin pero tungkol na ito sa bonggang buhay niya nang lumipat siya sa New York. Panahon kung saan unti-unti nang bumabandera ang ating lahi. Tinackle din ang sensitibong isyu tungkol sa HIV/AIDS kaya maraming lessons na matututunan.

Tigasin

Infernezzz kay Chairman Sixto Brillantes ng Comelec, todo higpit siya sa huling araw ng registration para sa mga boboto sa 2013 elections. Kahapon (October 31) ay umikot siya sa iba't ibang lungsod para personal na magmasid. Siya pa mismo ang nagsara ng pinto sa isang local Comelec office. Bongga! May question and answer portion pa sa mga nakapila kung bakit sa huling araw sila nagparehistro gayong dalawang taon daw ang palugit nila. May mga umalma pero tigasin ang lolo niyo. Mga Pinoy kasi, mahilig sa last-minute. Kung ginawa ba naman ng mas maaga eh di iwas abala de vaaahhh?!