Wednesday, December 31, 2014

Torotot

Ang daming bata sa labas ng balur. Panay ang ihip sa kanilang mga torotot habang 'yung isa, kumakanta ng Just Give Me A Reason. Isang taon na naman ang pinagsamahan natin mga ateng and I'm so happy that we survived it! Handa na ba ang media noche niyo? Nakasabit na ba ang ubas sa pinto? Puno ba ng barya ang inyong mga bulsa? Naka-polka dots ba si madir?

Bago niyo sindihan ang inyong mga paputok at lantakan ang fudang sa mesa, let's take a quick look back to some of the highlights that we shared this year...

UMAAPOY NA BALITA
Full force ang Pamilya Revilla kasama na si Ipe at ang dilaw na traktora sa privilege speech ni Sen. Bong Revilla. Kahit diagnosed with cancer, all smiles at witty pa rin si Sen. Miriam. Mula #1 ay bumagsak ang trust ratings ng mga Pinoy kay VP Binay dahil sa diumanoy tagong yaman nito. Good news naman ang hatid ni Jamie Herrell na tinanghal na Miss Earth 2014

BASA AT NOOD, NOOD AT BASA
Katotohanan at realisasyon ang hatid ng libro ni Noringai. Panalo ang 51st edition ng Binibining Pilipinas sa pagpunta ni Miss Universe 2013 Gabriela Isler. Matinding sakripisyo ang ginawa ni Elise Kang para sa kanyang minamahal. Mananatili sa aming puso ang mga nobela mo, Ms. Martha Cecilia.

TUGTOG
Dream come true ang makita nang personal ang teenage crush kong si Shane Filan. 'Di man masyadong kinagat, tuwang-tuwa pa rin ang die-hard Kylie fans sa kanyang new album. Sweet pa rin ang image ni Hilary Duff sa kanyang mga comeback singles. Xtina & Lady Gaga - who would have thought na ang minsang pinag-away ng fans ay magkakaroon ng perfect duet?

I WANNA BE A SUCCESS STORY
Long lasting ang dating ni Mister Slovenia 2013 candidate Blaž Zaplotnik. Wala na tayong hihilingin pa kung si Lucas Arantes ang pipitas sa ating aratiles. Tutok lahat nang manalong Manhunt Slovakia ang ex-military na si Adam Bardy. Na-love at first sight naman ako kay Mister Slovenia 2014 semifinalist Bojan Radusinović

SINE-SINE 'PAG MAY TIME
Tiba-tiba sa takilya ang unang dalawang pelikula ng Star Cinema for 2014, ang Bride for Rent at Starting Over Again. From book to movie, hit na hit ang Diary ng Panget na bumuo sa JaDine loveteam. Surprise win sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa perfectly made na English Only, Please.

EXTRA RICE PLEASE
Super sexy ni Dominic Roque sa promo pics ng The Naked Truth. Thanks to Chalk's Summer Boys 2014 at nakilala ko si Daniel Velasco. Nabiyak ang puso ko nang mag-resign si Glenn sa opisina. Lahat nahumaling sa taglay na kaseksihan ni Henrik Lagoni.

TRENDING
Ang pagkakapaslang na yata kay Jennifer Laude ang pinakamainit na isyu ng 2014. Dumarami na rin ang nagsasamantala sa kahinaan ng 'sangkabaklaan. Buti na lang at andiyan si Dyosa Pockoh upang maghasik ng good vibes sa lahat.

GULONG NG BUHAY
Masarap sa pakiramdam na maghatid ng kasiyahan sa ating mga lolo't lola. Kilig na kilig ako habang sinusuri ni doc ang balat ko. Halos ayaw ko nang bumaba sa taxi sa sobrang kapogian ni mamang driver. Flop man sa afam, at least napuntahan ko for the first time ang pamosong Boracay Island.

Ayan na! Malapit na mag-Year of the Wooden Sheep at according to Chinese horoscope, ang lucky color daw ay green. Perfect sa mga berde nating pag-iisip ahahahaha! I am so looking forward to share another 12 months, 52 weeks and 365 days with all of you. 

MASAGANANG BAGONG TAON!

Iglap

Ang daming nagtaka matapos tumabo sa takilya ng Praybeyt Benjamin at Feng Shui eh nangulelat ito sa katatapos lang na MMFF 2015 awards night. Hindi man lang na-nominate si Kris Aquino at ang kanyang signature tili (aaaaaahhhh... in a monotone pitch). Madami naman ang naintriga (isa na ako) after manalo ng 2nd Best Picture, Best Actor at Actress ang English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Tinagurian itong dark horse dahil less promo sila kumpara sa ibang kasabayan. Elsa, an FB friend, told me I should watch it dahil todong makaka-relate daw akez. Ayan! Mas tumaas ang curiosity level kaya 'di ko na pinalagpas at pinanood ko na kahapon.

English Only, Please (2014)
Quantum Films, MJM Production Inc., Tuko Film Productions & Buchi Boy Films
Directed by Dan Villegas
Screenplay by Antoinette Jadaone
Starring Derek Ramsay, Isabel Oli, Kean Cipriano and Jennylyn Mercado

Dalawang tanga pagdating sa pag-ibig sina Julian Parker (Ramsay) at Tere Madlansacay (Mercado).

Daig pa ni Tere ang bakla kung magmahal. Iniwan, nambabae pero isang sutsot at ng ex-jowa (Cipriano), bigay hilig siya sa kagustuhan nito. Umaasang babalikan pero wala. Ayaw na sa kanya.

'Di naman maka-move on sa Pinay ex-GF (Oli) niya si Julian Parker. Sa labis na sama ng loob, gumawa siya ng sulat na nagsasaad kung gaano siya ka-bitter. At para mas mapait ang dating, ginusto niyang sabihin ito in Tagalog. Dito nag-meet ang landas nila ni Tere as his translator.

This is supposed to be an Angeline Quinto-Sam Milby movie but eventually, napunta kina Jennylyn at Derek. Their team-up is actually refreshing on screen. Never pang na-test ang kanilang chemistry bilang nagta-trabaho sila sa magkaibang network. But this proves na walang imposible sa dalawang magagaling na artista.

I've never been a fan of Jen not until I saw how great she was in Rhodora X. Sakit sa bangs ng character/s niya dun. Mabait sa una then sa isang iglap kailangan maging luka-lukahan. I think this is the first time she tried rom-com at PAK! She delivered it well. Derek continues to improve on his craft. Nakita ko ang progress niya as an actor from I Love You, Goodbye to No Other Woman and this. 'Di nakapagtataka na nakuha nila ang bonggang acting awards.

Though eto pa lang ang napanood kong MMFF entry this year, I think the movie deserves their best picture award. Flawless ang pagkakasulat ng script. Swak na swak sa henerasyon ngayon ang mga ginamit na linya at detalye like "traffic sa EDSA", "beh", at ang social media app na Tinder. Malinis ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena at perfect sa anggulo sina Derek at Jennylyn. Kikiligin ka talaga!

Hands down din sa producers ng EOP. Sugal na maituturing ang ginawa nila but I guess they believed on the script, the actors and director. They were able to give freshness to Philippine Cinema.

Rating: 5/5 stars.

Tuesday, December 30, 2014

Paputok

Bukas na ang New Year's Eve at todong aktibo ang DOH sa pagpapaalala ng maaaring kahantungan sa maling paraan nang pagpapaputok. May komersyal pa nga. Muntik ko nang mailuwa 'yung tinatanghalian ko nung ipalabas sa TV. Kahit nakakarimarim sa mata, bongga naman ang intensyon nila so keri lang. Naalala ko tuloy, 'yan ang paboritong topic ni Kabayan sa MGB tuwing unang Sabado ng bagong taon. 

At last week lang, pagbaba ko ng LRT, eto ang tumambad sa akin...

JUICE COLORED! Laman kung laman! Dugo kung dugo! Pananakot talaga ang peg ng grupo ni Acting Sec. Ganette Loreto-Garin. Well, I find it very effective. Sino ba naman ang gustong mawalan ng daliri? ng braso? ng parte ng katawan? Worse, baka pati buhay mawala. Basta tanggalin na lang nila 'yan pagkatapos ng selebrasyon.

Para sa ilan, 'di kumpleto ang kasiyahan kung walang paputok. Tradisyon na namana pa natin sa mga Tsekwa. Pampaalis malas at masamang espiritu daw. Naniniwala din ako diyan kaya lang afreddie aguilar talaga magsindi ng 5 star at bawang. Pati nga lusis wit na rin! So what's the best alternative? I-todo ang volume ng radyo o 'di kaya, bembangin ang planggana ni inay. Ingat lang at baka mabutas, walang magamit sa paglalaba.

At kung 'di talaga mapipigilan, dito na kayo bumili ng paputok at mukhang garantisado ang ligaya niyo...

Saan mo gusto iputok beh? :p

Sunday, December 28, 2014

Pondo

Isang masamang pasabog ang hatid ng DOTC sa pagpasok ng 2015...

Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa bumbunan nang makita ko 'yan sa pader ng Ayala station. Joke ba itey? Pero wit! Kumpirmado. Pirmado. Selyado.

'Di lang sa MRT effective ang fare hike, pati na rin sa LRT1 at LRT2. NAKAKALOKA! Sana man lang pinaganda muna nila ang pasilidad at serbisyo bago nagtaas, hindi 'yung popondo muna sa mga sumasakay. Mabuti sana kung gumagana ang escalator at elevator sa bawat istasyon. Eh bago ka makasakay ng tren, lawit na dila mo sa pagod. Lalo na para sa mga kababayan nating senior citizens, may kapansanan at mga jontis. Sana din hindi kami parang daing na nakabilad sa araw sa sobrang haba ng pila. Pati usok ng EDSA, nasa baga na namin! May mga mandurukot pang nananamantala!

DOTC Sec. Joseph Abaya, wala naman pong problema kung itataas niyo ang pamasahe pero ba't naman ganyan kalaki? Halos doble sa dating pasahe. Alam naming long overdue na itey pero sana inunti-unti niyo at hindi isang bagsakan. Ano na lang ang matitira sa baon namin? Oh well, 'di mo na pala problema 'yan. Kami na ang bahalang mag-budget sa sahod na pautay-utay kung tumaas. Ang kumot na maiksi, lalo pang umikli!

Saturday, December 27, 2014

Immortal

Originally posted on Instagram
December 9, 2014 at 3:15 PM

Bago ako naging si Binibining Melanie, Cassie Filan muna ang pseudonym ko. I was crazy over Shane Filan nung high school then I fell inlove with the name of the protagonist of this book, one of the darkest novels written by Martha Cecilia.


Last night, bago matulog, I read a post on Martha's fan page that she passed away. Hindi ako makapaniwala kahit anak niya 'yung nag-post. Hellooow! She is THE Martha Cecilia of Philippine Literature. Hindi basta-bastang manunulat. For me, she was immortal. So I slept. Baka joke lang. Inaantok na ako eh.

When I checked FB this morning, nagpost na ang ibang writers at mismong Precious Hearts Romacnes tungkol sa pagkawala niya. I still refused to believe it. So binasa ko ang isa sa paborito kong nobela niya, Be Still, My Heart. Before the story ends, she said... 

"We can always dream, can't we? And we can build castle in the air."

And I cried. I'm still crying inside. Her novels inspired me. 

Thank you and so long, Ms. Martha Cecilia.

Thursday, December 25, 2014

Materyal

VESEL BOŽIČ!

Totoo pala ang sinasabi nila na kapag tumatanda ka, umiikli ang mga materyal na bagay sa wish list mo. Gone were the days na gusto ko ng bagong celphone, damit o sapatos. Ngayon, I just wish for a healthier body, happiness, contentment, stability, safety and pure love. Oh my! Sign of ageing. AY! Binabawi ko na. Gusto ko pala ng iPad, Louis Vuitton at Manolo Blahnik ahahahaha! I am also wishing the same to all of you mga ateng. Material things can easily be bought but not the ones I've mentioned. Kaya kailangan ipagdasal natin nang husto.

I hope before we end this day eh nakapagpasalamat na tayo sa Kanya. Afterall, He's the reason why we have this yearly celebration. At kapag may selebrasyon, 'di mawawala ang karaoke. Ako na ang mauunang maghulog ng limang piso. Sabayan niyo 'kong kumanta nasaan man kayong lupalop ngayon. Alam na alam niyo 'to. Ready?

Tuesday, December 23, 2014

Natira

Dear Santa,

Naging sobrang mabait ako ngayon taon kaya deserve ko na ma-grant mo ang wishes ko. Una diyan ang...


AY! Ambilis naman. 'Di ko pa nga nasasabi, granted na agad. Alam niya talaga kung sino ang magpapaligaya sa akin. 'Di lang one, 'di lang two, tatlo pa! Naka-boots pa ahahaha!

Hhhmmm... sino kaya ang uunahin ko sa inyo? Ang hirap mamili ah! Sige, itong nasa right na lang tutal parang nakikiusap ang dibdib niya na mahalin ko. CHAR!

At alam kong naging mabait din kayo mga 'teh. Sa inyo na 'yung dalawang natira.

Excited na ba kayo sa Christmas? Ako, nasasabik na sa Noche Buena. Time to make unli lamon. Sayang ang spaghetti at salad kung titikman lang. Laps kung laps talaga ito bukas! Basta 'wag kakalimutan kung bakit taon-taon may ganitong okasyon. Pray to Him and always be grateful :)

Saturday, December 20, 2014

S.H.O.B.I. 2014

Nasa ika-apat na taon na ang S.H.O.B.I. (Super Hunks of Beauty/Body and Intelligence) at habang tumatagal, lalong sumasarap ang kumpetisyon. 20 of the hottest faces and bodies in the bikini world ang maglalaban-laban. May mga baguhan at may datihan. Isa sa mga kasali ang kapanta-pantasyang si Allen Molina. Oh my! Isuot niya kaya dito ang kanyang famous string bikini? Baka mahimatay ako kapag nakita ko nang personal. 

Aside from him, may tatlo pa akong paborito - si Justin Cruz na super bortawan, si Melvin Carbungco at Henrick Rafael. Isa kaya sa kanila ang kakabog kay Allen?

Another pasabog ng pageant na 'to ang bonggang papremyo sa mananalo. Tumataginting na 15K ang cash prize at may round trip ticket for 2 sa Malaysia courtesy of SKD Academy. WOW! Level up talaga!

You can also vote for your favorite candidate at shobilicious.blogspot.com

Kaya 'wag palalagpasin ang S.H.O.B.I. 2014 na magaganap sa December 27, Saturday at The Music Hall, Metrowalk, Ortigas. 500 peysos lang ang ticket and for reservations, contact Shobi at 0917-3382222.

Friday, December 19, 2014

Tambak

Ilang araw o linggo na akong nakatulala sa isang blankong papel. Nag-iisip ng maisusulat pero tila ba wala ako sa huwisyo para simulan ang aking opinyon. Tambak na nga ang pending topics na nakatala sa aking post-it. By now dapat lagpas na ako sa kalahati ng aking blog quota (which is 14 each month). 'Wag niyong iisipin na iiwan ko na ang pagsusulat. I don't want to give it up! Siguro dala lang 'to ng malamig na panahon at walang kayakap.

♫ Ang Disyembre ko ay malungkot ♪ 
♪ Pagkat miss kitaaahhh... ♫ 

AY! Sa dami ng pantasya ko, wit ko noseline kung sino ang dapat ma-miss ahahaha! Sige siya na lang...

That's Sean O'Pry for H&M Holiday Collection campaign. Nabanggit lang din ang tindahan na 'yan, bet ko pumunta diyan dahil napaka-talk of the town ng mga shupitbalur nating fashion bloggers. Nga-nga ako pagdating sa ganyang usapin. Simpleng t-shirt at pantalon lang ang keri kong isuot. Kapag madami nang burloloy, init na init na akez.

Santa, pwede bang siya na lang regalo ko sa Pasko? Ahihihi!
May billboard din siya bandang Guadalupe na katatanggal lang. Sa tuwing dadaan ang bus o MRT diyan, 'di ko pwedeng 'di lingunin. Kung kasing sarap ba naman niya ang inspiration to perspiration ko, marami akong masusulat sa blank space. Oh! Taylor Swift lang ang peg. Sakto kasi siya ang kalandian ni ateng sa music video.


Katialis Taylor, gusto mo? Pati ba naman si Sean aagawin mo?

Tuesday, December 16, 2014

Miss World 2014 winners

Mukhang wet Christmas ang mararanasan natin mga ateng dahil ilang araw nang umuulan. Wit naman bagyo levels which I like para malamig sa pakiramdam. May makapal na hamog na rin sa umaga. Ang lamig at nakakatamad bumangon pero 'di pwede buong araw eh nakahilata. Work, work, work, kanta nga ni Iggy Azalea.

Megan Young
Megan Young had a wonder reign as Miss World 2013. I remember she promised to be the best Miss World ever at talagang pinatunayan niya. She spent most of her reign travelling to different countries like Haiti, Colombia, USA, India at marami pa. Punong aktibo din siya sa fund raising projects for Yolanda victims. Karamihan sa mga nakakilala sa kanya, whether Pinoy o foreigners eh nabighani 'di lang sa kanyang ganda kundi pati na rin sa busilak niyang hangarin. Beauty with a purpose talaga!

Friday, December 12, 2014

Dakip

Mga ateng, may bago akong crush! As in crush na crush! Parang pinitpit sa almires ang aratiles ko sa kasarapan ni...

Henrik Lagoni
Image courtesy of g3cafe.com
Una ko siyang nakita sa isang post sa Instagram while modelling for The Naked Truth. JUICE KO! Pagkasikip-sikip at pagkaliit-liit ng bripang niya. Naka-tatlong napkin yata ako. CHAR! Tapos nasundan ito ng pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash. He became one of the fastest rising models in town. Well, he totally deserves the attention. Aside from his god-like physique, he is ultra-mega-supermarket nice to his followers (@henriklagoni). He tries to reply to comments as much as he can. So appreciative to his fans. Aaaawww... 10 thawsan pogi points sa puso ko!

Photos from stylemnl.com
Bukod sa pagiging model, he is also a Business Development Engineer, champion swimmer and now, mapapanood natin siyang umakting via the MMFF entry The Amazing Praybeyt Benjamin. Ang role niya? Terorista. Tamang tama dahil madaming puson na ang pinasabog niya. Kung siya ang dadakip sa'yo, papalag ka pa ba? Arti ka pa? Ako, hindi na.

L-R: Henrik Lagoni, Sam Louie and Arthur Tselishchev
Before he leaves to have a bonggang vacay in Denmark, you can get a chance to meet him in person. Paano? Just follow these simple steps...

Join na at baka ikaw na ang maging lucky milyonaryo!

Wednesday, December 10, 2014

Karamihan

In four days ay malalaman na natin kung sino ang kokoronahan Miss World 2014. Our country is aiming its back to back and we can definitely contribute for that to happen. Since karamihan sa atin ay may Facebook account, please like the official Miss World - Philippines fan page.

More likes, more chances na magkaroon na mataas na score si Valerie Weigmann sa finals night via the Multimedia Award. Malakas ang laban niya pero mas totodo pa 'yan kung idadagdag ang suporta natin. Much better that after you liked the page eh bonggang i-share niyo na rin sa wall niyo. You'll love her posts because she's a sweetheart.

Tuesday, December 9, 2014

Mister Model International 2014 winners

Kumusta kayo mga ateng? Safe ba kayo habang umaalulong at nagdidilig itong si Ruby? Eto ako umiinom ng kape at katatapos lang mag-almusal. Ang haba ng tinulog ko salamat sa malamig na klima. So far eh payapa na sa labas. Walang ulan o hangin. Konti lang din ang naririnig kong sasakyan sa daan. Karamihan walang pasok o sadyang maaga pa lang talaga.

Mister Model International 2014 - Fernando de Noronha
1st runner-up - Puerto Rico
2nd runner-up - Soana Island
3rd runner-up - Philippines
4th runner-up - India
Pinatunayan ni Adam Rhys Davies na 'di lang mga merlat ang may sey sa pageantry dahil siya ang 3rd runner-up sa Mister Model International 2014 na ginanap nitong Linggo, December 7, sa Dominican Republic.

Matik na nakapasok siya sa semifinals dahil wagi siya sa sports competition during the pre-pageant activities. Ganyan ba naman kalaki ang abs mo, talbog talaga lahat sa'yo my loves. 

Mister India
Pratik Virk
Kahit medya-medya lang ang pageant na 'to, 'wag iismolin ang sumali. Lahat masarap. Walang tapon. Walang sayang lalo na itong si Mr. India. Pakain ko talaga sa kanya ang sarciadong tilapya ko ahahaha!

Mister Fernando de Noronha
Victor Zanatta
Derserve ni Mr. Fernando de Noronha ang title. Look at his face and body. At ang smile... JUICE KOH! Mas malakas pa ang impact kesa kay Ruby. Ayan, bumaha na dito.

Adam Rhys Davies
Mister Model International 2014 Philippines
KUNGRACHULEYSHONS my love Adam. I'm so proud of you! Please come home and I'll prepare you scrumptious dishes that will make you fall in love with me ahihihi! Mwah mwah chup chup!

*photos courtesy of Missosology.info and Events2Images

Saturday, December 6, 2014

Katumbas

Dalawang international beauty pageants ang magkasunod na ginanap this week sa Europa at muli, pinatunayan ng Pilipinas na iba talaga ang dating ng gandang Pinay.

Miss Intercontinental 2014 - Thailand
1st runner-up - Cuba
2nd runner-up - Philippines
Germany. Isa na yata si Kris Tiffany Janson sa pinakamagandang nanalo sa Binibining Pilipinas kaya no doubt na nasungkit niya ang ikatlong pwesto sa Miss Intercontinental. Siya din ang tinanghal na Queen of Asia and Oceania at Miss Photogenic

Kontrobersyal ang pagkakapanalo ni Miss Thailand dahil originally ay 'di naman siya pasok sa top 5 finalists. Bigla na lang siyang tinawag sa stage at sinabing nag-tie daw sila ng score ni Kris. I smell something specie! At kung Q&A lang ang pagbabasehan, milya-milya ang layo ng galing ng sariling atin. Basa and be the judge...

Question: How would you explain the color red to a blind?
Miss Thailand: Good Evening.. The red color.. If you have to see it.. Uhmm... I will... Oh sorry.. (pause). The red color is powerful of everything in the world and this is the mean of my culture. In Thailand, we have red in the flag this is mean my Buddha and you be proud of me.

Question: If you were would meet a famous person celebrity, no matter still alive or dead. Who would you like to meet and why?
Miss Philippines: If I were to meet a famous person, I would want to meet Malalai Yousafzai - She's a kid who fought for her right for education. I may not be able to jump into a bullet to fight for my right but I do have a voice. And If I would be lucky enough to bring home the crown, I would have a louder voice and be the voice of the voiceless, and use this to help more people and bring happiness and joy to other people. Daankishen!

Miss Supranational 2014 - India
I Vice - Thailand
II Vice - Gabon
3rd runner-up - USA
4th runner-up - Poland
Poland. Huling tinawag sa top 20 ng Miss Supranational ang Bicolana beauty ni Yvethe Santiago. Marami ang umasa ng back to back victory pero wit ito naganap dahil kay Miss India ipinasa ni Mutya Datul ang korona. Keri lang 'yan para may variation of winners. I Vice o katumbas ng first runner-up si Miss Thailand. From Miss International, Earth, Grand International, Intercontinental to this pageant, parating pasok sila ah! Magandang sorpresa naman ang pagiging II Vice ni Miss Gabon. Marami na siya ang bet! Ganders si atey eh.

Kris and Yvethe, thank you so much for making our country proud. 
WE LOVE YOU!!! ♥

Wednesday, December 3, 2014

Nalagpasan

Muling ginunita ang World AIDS Day nitong December 1 at muli, nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso. Hindi pa man tapos ang taon ngunit todong nalagpasan na natin ang bilang na naitala noong isang taon. Halikayo't panoorin natin ang balitang itey ni Joseph Morong ng GMA News na cuticles sa personal...


NAKAKALOKA! Kinse años pa lang aktibo na sa pakikipagchurvahan. Hindi ko 'to keri! Kaya ang pamangkin ko, ngayon pa lang eh minumulat ko na sa komplikasyon na maaaring idulot ng early age sex (teenage pregnancy, STD, HIV etc.). Yes mga ateng! Awkward man pero mas maigi nang sa kapamilya niya manggaling kesa sa ibang tao. Perfect timing kapag kumakain kami ng hapunan at binabalita ang ganito sa TV.

Pinaka-bonggang paraan upang makatulong tayo sa pagbawas ng bilang, get yourself tested. Nakakatakot sa una at nakakapraning ang pag-aantay ng resulta pero after that, malalaman mo kung paano mo mas aalagaan ang sarili mo. Value your life more than sex. Masarap naman talagang chumupa, magpa-uring at umuring kaya lang dapat isipin mo rin ang sarili mo, at ang mga taong nakapaligid sa'yo. 'Wag selfish much. Kung 'di mo talaga mapigilan, then practice safe sex. At ang safe sex ay 'di lang paggamit ng condom. Research more how to protect yourself.

Lastly, nunca kayong magpapa-member sa website na 'to...

Kapal naman ng mukha ng developer nito at talagang pino-promote pa ang pakikiapid. May tag line pa na "Ang buhay ay maikli. Mangaliwa." PUTSA! Dapat sa kanila talian ng sinturon ni hudas at sindihan sa bagong taon. Ayan, talagang iikli ang buhay nila.