English Only, Please (2014)
Quantum Films, MJM Production Inc., Tuko Film Productions & Buchi Boy Films
Directed by Dan Villegas
Screenplay by Antoinette Jadaone
Starring Derek Ramsay, Isabel Oli, Kean Cipriano and Jennylyn Mercado
Daig pa ni Tere ang bakla kung magmahal. Iniwan, nambabae pero isang sutsot at ng ex-jowa (Cipriano), bigay hilig siya sa kagustuhan nito. Umaasang babalikan pero wala. Ayaw na sa kanya.
'Di naman maka-move on sa Pinay ex-GF (Oli) niya si Julian Parker. Sa labis na sama ng loob, gumawa siya ng sulat na nagsasaad kung gaano siya ka-bitter. At para mas mapait ang dating, ginusto niyang sabihin ito in Tagalog. Dito nag-meet ang landas nila ni Tere as his translator.
This is supposed to be an Angeline Quinto-Sam Milby movie but eventually, napunta kina Jennylyn at Derek. Their team-up is actually refreshing on screen. Never pang na-test ang kanilang chemistry bilang nagta-trabaho sila sa magkaibang network. But this proves na walang imposible sa dalawang magagaling na artista.
I've never been a fan of Jen not until I saw how great she was in Rhodora X. Sakit sa bangs ng character/s niya dun. Mabait sa una then sa isang iglap kailangan maging luka-lukahan. I think this is the first time she tried rom-com at PAK! She delivered it well. Derek continues to improve on his craft. Nakita ko ang progress niya as an actor from I Love You, Goodbye to No Other Woman and this. 'Di nakapagtataka na nakuha nila ang bonggang acting awards.
Though eto pa lang ang napanood kong MMFF entry this year, I think the movie deserves their best picture award. Flawless ang pagkakasulat ng script. Swak na swak sa henerasyon ngayon ang mga ginamit na linya at detalye like "traffic sa EDSA", "beh", at ang social media app na Tinder. Malinis ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena at perfect sa anggulo sina Derek at Jennylyn. Kikiligin ka talaga!
Hands down din sa producers ng EOP. Sugal na maituturing ang ginawa nila but I guess they believed on the script, the actors and director. They were able to give freshness to Philippine Cinema.
Rating: 5/5 stars.
VERY GOOD MOVIE!Feel Good talaga to. Maganda rin ang chemistry ni Derek at Jennylyn!
ReplyDeleteAko 3/5 di nila napanindigan ang strict EOP sa buong movie pero nagenjoy ako. Masyado lang cguro ako mag critic
ReplyDeleteFeeling kalang siguro. Hehehe. Ganda kaya ng movie. Or baka yung kay vice ganda ang gusto mo. Lol
DeleteGanda ng scipt no? Co written by Anj and Direk Tonet sya yung writer ng "Relaks its just pagibig" at "That thing called tadhana" . Those movies are refreshing too, must watch!
ReplyDelete