Sunday, December 28, 2014

Pondo

Isang masamang pasabog ang hatid ng DOTC sa pagpasok ng 2015...

Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa bumbunan nang makita ko 'yan sa pader ng Ayala station. Joke ba itey? Pero wit! Kumpirmado. Pirmado. Selyado.

'Di lang sa MRT effective ang fare hike, pati na rin sa LRT1 at LRT2. NAKAKALOKA! Sana man lang pinaganda muna nila ang pasilidad at serbisyo bago nagtaas, hindi 'yung popondo muna sa mga sumasakay. Mabuti sana kung gumagana ang escalator at elevator sa bawat istasyon. Eh bago ka makasakay ng tren, lawit na dila mo sa pagod. Lalo na para sa mga kababayan nating senior citizens, may kapansanan at mga jontis. Sana din hindi kami parang daing na nakabilad sa araw sa sobrang haba ng pila. Pati usok ng EDSA, nasa baga na namin! May mga mandurukot pang nananamantala!

DOTC Sec. Joseph Abaya, wala naman pong problema kung itataas niyo ang pamasahe pero ba't naman ganyan kalaki? Halos doble sa dating pasahe. Alam naming long overdue na itey pero sana inunti-unti niyo at hindi isang bagsakan. Ano na lang ang matitira sa baon namin? Oh well, 'di mo na pala problema 'yan. Kami na ang bahalang mag-budget sa sahod na pautay-utay kung tumaas. Ang kumot na maiksi, lalo pang umikli!

4 comments:

  1. sana nga inunti unti. at sana naman para di masyado ramdam, ipauso na lang nila yung loadable value na ticket para di ramdam ang bigat ng pasahe.

    ReplyDelete
  2. Bb Mel, balita ko may hired daw na mga epek at bortang otoko na sasakay randomly kaya tinaasan ang pamasahe, keri na ba? :)

    Kidding aside, asaan ang hustisya?!

    ReplyDelete
  3. ang dapat inbestigahan dito ay kung gano kalalaki ang bonus at increase s sweldo ng mga hinayupak ng empleyado ng mrt at lrt. tiyak n sila lng ang magkakamal s pagtaas ng pamasahe na ito. karmahin sana sila.

    ReplyDelete
  4. kaloka iyan Mel .. ang sakit nyan sa bangs : )

    ReplyDelete