Tuesday, December 30, 2014

Paputok

Bukas na ang New Year's Eve at todong aktibo ang DOH sa pagpapaalala ng maaaring kahantungan sa maling paraan nang pagpapaputok. May komersyal pa nga. Muntik ko nang mailuwa 'yung tinatanghalian ko nung ipalabas sa TV. Kahit nakakarimarim sa mata, bongga naman ang intensyon nila so keri lang. Naalala ko tuloy, 'yan ang paboritong topic ni Kabayan sa MGB tuwing unang Sabado ng bagong taon. 

At last week lang, pagbaba ko ng LRT, eto ang tumambad sa akin...

JUICE COLORED! Laman kung laman! Dugo kung dugo! Pananakot talaga ang peg ng grupo ni Acting Sec. Ganette Loreto-Garin. Well, I find it very effective. Sino ba naman ang gustong mawalan ng daliri? ng braso? ng parte ng katawan? Worse, baka pati buhay mawala. Basta tanggalin na lang nila 'yan pagkatapos ng selebrasyon.

Para sa ilan, 'di kumpleto ang kasiyahan kung walang paputok. Tradisyon na namana pa natin sa mga Tsekwa. Pampaalis malas at masamang espiritu daw. Naniniwala din ako diyan kaya lang afreddie aguilar talaga magsindi ng 5 star at bawang. Pati nga lusis wit na rin! So what's the best alternative? I-todo ang volume ng radyo o 'di kaya, bembangin ang planggana ni inay. Ingat lang at baka mabutas, walang magamit sa paglalaba.

At kung 'di talaga mapipigilan, dito na kayo bumili ng paputok at mukhang garantisado ang ligaya niyo...

Saan mo gusto iputok beh? :p

3 comments:

  1. Hahahah. Jusko, iputok mo beh. kaloka! Ahahhaha

    ReplyDelete
  2. Bet ko yan Mel ... ingat tau lahat and sama sama pa rin tayo next year 2015 ... huwag na magpaputok ... ung ibang klaseng putok pwede siguro ha ha ha ha ... Happy New Year

    ReplyDelete