Tuesday, March 31, 2015

Pinoy Hairraisers

Kapag Semana Santa, madalas na palabas sa TV ang mga lumang pelikulang Pilipino. Kaya ang special menu natin this Holy Week ay mga lumang komiks strip mula sa antigo kong koleksyon. Wholesome muna tayo this time. Saka na muna ang naughty at funny. 

One of my favorite komiks ang Pinoy Klasiks. May aksyon, drama, comedy at horror. Isa sa inaabangan ko sa bawat labas ang tapusang kwento ng Pinoy Hairraisers. Ang ate ko kasi mahilig sa nakakatakot kaya nahilig na rin ako kahit bata pa. 

Eto ang isang istorya na inilathala at nabasa noong taong 1997...

Pinoy Hairraisers: Ang Bangkay
Pinoy Klasiks
Mayo 29, 1997
Taon 34 Blg. 1952
Graphic Arts Services Inc.

Monday, March 30, 2015

Sa Divisoria, Quiapo at Galleria

Last March 20th ay naimbitahan ang byuti ko to watch the second day of Manila Fashion Festival held in Green Sun Hotel in Makati. I was invited by Kylie Griego - a supporter of our blog, future fab designer at intern ng sikat na fashion designer na si Veejay Floresca. Nahiya akong hindi pumunta dahil inimbita niya rin ako sa graduation niya pero wit ako nakadalo. Sakto naman na waley pasok sa work kaya napa-oo na rin akez.

Dahil fashion show, kelangan kabogera ang #OOTN katulad noong umattend ako sa Philippine Fashion Week year 2012. 'Di kailangan gumastos ng mahal para magmukhang mamahalin, 'yan ang motto ng mga baklang wais. Browse ako sa internet ng design at pinakita kay mudra. Kaya niyang tahiin ang napili ko kaya gora agad sa Divisoria para mamili ng tela. Kung may formal event na pupuntahan, safe palagi ang kulay itim. Nakabili ako ng 2 1/2 yards na tela sa halagang 187.50php. Kailangan ng accesories kaya rampa sa Isetann Carriedo at bumili ng handbag for 249php. Ilang lakad lang at sa Villalobos Street naman ako nakakita ng perfect bangles for 50php at dangling earrings for 25php. Siyempre, dapat pak na pak din ang high heels. The Platform sa Robinsons Galleria ang perfect place to find the most affordable heels in the metro. Clearance outlet yata ito ng People are People. Maniwala man kayo o hindi, sa halagang isang daan ay may nabili ako. Bagong bago pa!

Isa na lang ang problema, ang hair and make up. Tumingin tingin ako sa mga parlor at kulang isang libo ang presyo. KALOKA! Hiyang hiya man ako eh nag-PM ako sa isa sa pinaka in demand na make up artist, si ateh Orlan Lopez of Emphasis Salon. To make the long story short, nagkawang gawa siya para ako'y pagandahin. Salamat talaga 'teh Orlan!

The stage, my legs and Ronnie

Ang pogi nilang dalawa!

Pagdating ko sa venue, nalula ako sa gara ng event. Daming sosyalera like Divine Lee, Tim Yap, Rajo Laurel, Charmaine Palermo, Ruffa and Raymond G. and many more. Parang gusto ko nang umuwi kaya bago pa magbago ang isip ko, nagpasundo na muna ako kay Kylie. Buti na lang at bumaba siya from the 4th floor para magyosi. That was the first time we met after a few years of being Facebook friends. Nakilala ko din ang friend niyang si Ronnie na isa ring designer.

Veejay Floresca Fall/Winter collection '15

Nakapalibot ang audience sa square na stage. Bongga ang effects sa background at na-highlight nang husto ang mga designs dahil sa perfect combination of lights. Wala pang isang oras ang itinagal ng show. May bukas pa daw. CHOS! Larga kami agad paalis ng event para mag-bonding sa bilyaran in Makati. Chika-chika nang konti bago ako nagpaalam. May josok kasi kinabukasan. 

with Kylie

At dahil feelingerang celebrity ako, I wanna say thank you to La Mudra for making the panalong cape dress na hindi namin halos malaman kung paano ikakabit ang kapa. To ateh Orlan for making me beautiful. Never kong na-imagine na madadantayan ng mamahaling mukap ang fes ko ahahaha! And to Kylie for inviting me. Next time, mga gawa mo na ang mapapanood kong irarampa on stage. I can't wait for that moment.

Saturday, March 28, 2015

Baguio (final part)

March 8: Tight na ulit ang pores pagkagising kinaumagahan. Wala na rin ang 20 kilos na eyebags. Parang galing sa frigider ang tubig nang maghilamos ako. Kung walang heater sa banyo, malamang walang maliligo sa amin pwera na lang kung kaya naming i-accept ang mala-ice bucket challenge na lamig ng tubig.

Last day na namin and we need to seize the moment. After our breakfast sa Session Road, nagsimba kami sa Our Lady of Atonement Church o mas kilala bilang Baguio Cathedral. Box-office sa dami ng tao. Maliit lang 'to compare sa Manila Cathedral pero ang gara sa loob.

Friday, March 27, 2015

Baguio (part 1)

Last month, during the birthday party of Ateh Paul and Chelie, my friends and I decided to visit Baguio. Tagal na rin since our last trip sa Cebu and Bohol at bilang summer naman, why not visit the Summer Capital of the Philippines. Before, pinagbawalan ako ng doktor na pumunta dito because of my lung condition but praise God nawala na 'yon, so Baguio... here we come!

Attendance muna tayo - present sina Gladys, Ateh Paul, Tracy & her BF and Lance & his better half. Absent sina Xheng, Chelie at Chari.

March 6: Victory Liner sa Cubao dapat ang sasakyan namin pero todong punuan kaya sa Solid North Transit kami sumakay pa Dagupan (350php). From there, sumakay kami ng ordinary bus pa-Baguio (100php). 11:30 kami nakasakay, mga 8 AM na kami nakarating. Ang lamig pala talaga pero hindi naman nginig levels. Ang sarap sa baga ng hangin. Agad-agad akong na-inlove sa place! Last weekend ng Panagbenga Festival kaya ang daming tao.

Monday, March 23, 2015

Tuwad

Ilang araw ko nang pinakikinggan sa Spotify 'tong My Neck, My Back (Lick It) ni Khia. Tuwad kung tuwad si ateh sa artwork oh! Siguro kasi "dry season" ako ngayon kaya gusto ko ng mga ganitong kanta. Nakaka-inspire ahahaha!

Nung college ko 'to unang narinig at siyempre nabastusan ako. Dalisay at malinis pa kasi ako nun. Well, ganyan pa rin naman ako hanggang ngayon. Sana maniwala kayo. CHAR! Mabalik tayo sa kasalukuyan. Sinearch ko sa YouTube ang music video at first time kong napanood. Watch niyo...


Medyo nadismaya ako kasi ang wholesome, 'di bagay sa kanta. I was expecting na mala-porn ang quality kaya lang house party ang tema. Maka-lumang We Can't Stop ni Miley Cyrus ang dating but I like the paggiling ni Khia. Habang sinusulat ko 'to eh ginagaya ko nga siya. Wala naman nakakakita kaya kebs lang ahahaha!

Utang

For the past few weeks, tinatalo ako ng katamaran. Dapat at the start of the month, nakagawa na ako ng at least 2 articles for the website where I am a contributing writer. Isang linggo na lang ang Marso pero waley pa akong nasa-submit. May utang din ako sa inyong Chika-Chika boys. Comment your request kung sino ang gusto niyong ma-feature at hahagilapin ko ang kanilang vintage pictorials. FB friend and regular reader Yujin suggested a topic, mga baklitang pangarap noong tayo'y bata pa. 'Di ko pa rin nakukwento sa inyo ang Baguio escapades namin ng college friends ko. Ang saya-saya kaya dapat lang na i-share ko sa inyo. Last Friday, March 20, naimbitahan akong manood ng Manila Fashion Festival. Nako! Nalula ang byuti kez sa sosyalang itey.

For the meantime, eto muna ang maibabahagi ko. I'm currently reading this book written by my all-time favorite romance author. FB friends kami at sobrang nakakaaliw mga posts niya. She even likes and comments on my posts. Feeling ko close na close na kami hehehe!

I'll make bawi soon mga ateng! Don't forget to comment your request and I'll make a top 10.  

Thursday, March 19, 2015

Angkla

That Awkward Moment:

Sa dami ng masasakyan, sa iisang jeep pa kami nagkasabay nung naka-date ko dati.

Boylet: Musta na?

Ako: Okay lang.

Automatic na napatingin ako sa naka-angkla sa kanya. Siguro jowa. Hhhmmm... tiningnan ko mula ulo hanggang paa. Blonde ang buhok, plakado ang kilay, mapupula ang labi, panay retouch using her San-San powder, may kumikinang na hikaw at ang pinaka sa lahat, nagmumura ang cleabangbang. Razor back at p*kp*k shorts ang suot. Makinis na, malaman pa. Sobrang kabaliktaran ko.

Gusto ko sanang tumingin sa salamin, ikumpara ang sarili, maawa at mag-walling. Ganun kasi 'yung lagi kong naririnig sa iba eh. Pero walang salamin at pader sa jeep tapos ang dilim pa. Kaya tiningnan ko na lang ulit si boylet. Mukhang pinagshopping siya. May naaninag akong t-shirt sa plastic na dala niya. Mayaman siguro si ateh.

'Di bale, 'pag nakahanap ako ng iba, ako ang ipagsha-shopping.

Ako: Mama, sa tabi lang po!

Baba ako. Lakad ng konti sabay atras. May bibilhin pala ako sa botika. 'Pag lingon ko, nasa likod sila at nakatingin si boylet sa akin. Hhhmmm... ako pa rin siguro ang gusto. Ahahahaha! Wish ko lang!

Monday, March 16, 2015

Binibining Pilipinas 2015 winners

History repeats itself. 'Yan ang nangyari kagabi nang koronahang Miss Universe-Philippines 2015 si Pia Wurtzbach. Halos pareho ang kapalaran nila ni MJ Lastimosa. Runner-up noong una, semifinalist sa pangalawa at sa wakas, nagetlak ang korona sa ikatlong pagsali. Third time is a charm 'ika nga nila.

Bb. Pilipinas-International: Janicel Lubina
Bb. Pilipinas-Intercontinental: Christi McGarry
Bb. Pilipinas-Supranational: Rogelie Catacutan
Bb. Pilipinas-Tourism: Ann Colis
1st Runner-up: Hannah Sison
2nd Runner-up: Kimverlyn Suiza
Napanood ko ang telecast sa TV at talaga namang palaban lahat ng contestant. Anyare sa inaasahan nating all-Pinoy designers sa evening gown portion? Madami pa rin ang maluwag at bitin na gowns. Siyempre 'di mawawala ang tatak recycle ni Madame Stella. At ang latest - gown ni Shamcey Supsup noong 2011...

Kung aware kayo sa pageant camps sa Pilipinas, dalawa ang madalas magsalpukan ng kanilang mga manok - Aces & Queens (Shamcey, Venus, Ara and Janine) at Kagandahang Flores (Bea Santiago and MJ Lastimosa). Balik A&Q ang MUP matapos maipasa ang korona sa KF camp last year.

Ang heavy favorite na si Janicel Lubina ang ating pambato sa Miss International 2015. Siya rin ang nagwagi ng Best in Swimsuit at Evening Gown. Hakutera parang si Teresita Marquez lang. Todong makakalaban niya ang dyosa mula sa Venezuela na si Edymar Martinez. Isang morena, isang mestisa. Parehong matangkad at may straight hair. AY! Todong nakaka-excite ang kanilang paghaharap!

Kontrobersyal din ang hosting stint ni Toni Gonzaga. Kakaiba mula sa formal na atake ng past hosts like Anne Curtis and KC Concepcion. Medyo bakya at ginawang comedy ni Toni. May irrelevant jokes na imbes magpa-relax eh mas nagpa-tense sa mga kandidata lalo na sa ginawa niyang komento sa earring ni candidate 28 Hannah Sison. Kinantahan pa ng Chandelier. Then nung si Rogelie Catacutan ang sumalang sa Q&A, kumuda pa ng "I like your last name". KALOKA! Eto ay opinyon lang naman mula sa isang pageant fan. May disclaimer talaga. Takot ma-bash ahahaha!

Before we end this, I just want to say my pure admiration to Miss Universe-Philippines 2014 MJ Lastimosa. She had a wonderful reign. Kahit 'di siya nakapasok sa top 5 ng Miss Universe, bongga ang isang taong pagrereyna niya. Hindi maiiwasan na may pumuna at manlait, pero mas marami ang nagmahal sa kanya. Thanks MJ for pursuing your dream and being an inspiration to all of us! We wish you all the best to your next journey. Mwah!

Saturday, March 14, 2015

Bentahe

Bukas na ang Binibining Pilipinas 2015. Honestly, 'di akez masyadong excited. Though may kanya-kanyang ganda at kaseksihan ang tatlumpu't apat na kandidata, parang nakukulangan ako sa impact nila. WOW HA! Ako na ang choosy at mapanuri. ECHOS! 

Mukhang magiging battle of the repeaters and newbies ang kompetisyon. Na-inspire yata ang past candidates na sumali ulit dahil sa naging kapalaran ni MJ Lastimosa last year. Nandiyan si Pia Wurtzbach, Patricia Lae Ejercitado, Toni Hipolito at Hannah Sison. May laban din ang mga bagong salta tulad nina Kylie Verzosa, Alaiza Malinao at Ann Colis.

Matunog at laman ng iba't ibang news website ang crossover from Miss World-Philippines, ang first princess noong 2013 na si Janicel Lubina. Bidang bida ang mala-Cinderella niyang istorya. Maging bentahe niya kaya ito para makasungkit ng isa sa limang korona?

Heto ang sampu sa naka-pukaw sa aking pihikang panlasa...

Level-up si Madame Stella sa mala-Fadil na photoshoot! Balita ko, pumayag din siya na Pinoy designers ang magdadamit sa mga binibini sa evening gown competition. Natakot yata siyang warlahin ng 'sangkabaklaan dahil sa shuttle cock gown ni MJ sa Miss Universe. I can't wait kung sinu-sino ang magpapasabog ng bonggang gowns bukas.

Sa mga todong nag-aabang ng luto ni Madame bukas, you can watch the grand coronation night live at the Araneta Coliseum and telecast will be on ABS-CBN Sunday's Best.

Tuesday, March 10, 2015

Mister Global 2015 winners

I'm back fresh from hugging the Pine Trees in Baguio! More kwento ako niyan sa susunod kong post. Mas importante na malaman natin na Vietnam ang nagwagi sa Mister Global 2015. Another Asian after the win of Neil Perez sa Mister International.

WOW na WOW sa kakisigan, katawan, kasarapan at kaumbukan itong si Nguyen Van Son. Water please! Nabilaukan me. Matangkad pa kaya wit nakapagtataka na siya ang winerva.

Mister Global 2015 winners
First runner-up ang representante ng Venezuela. Second runner-up ang country host Thailand, Third runner-up si baby Brazil and completing the top 5 is France. Pasok naman sa top 8 si bae Czech Republic at top 13 si Chile-mansi. Naka-penetrate din. Wait isa pa with sensual feelings at kendeng ng balakang. Naka-penetrate din aaahhh sa top 13 ang pambato nating ooohhh si Joseph Doruelo oohhh. Not bad at least finalist pa rin!

Brazil and Czech Republic

Chile and Philippines

Namudmod din ng special awards ang pageant na mukhang equally distributed sa mga kalahok, para nga naman walang uuwing luhaan.

Mister Global Fan Vote: Vietnam - Nguyen Van Son
Mister Photogenic: Czech Republic - Jakub Smirak
Mister Congeniality: France - Bryan Weber
Best Talent: Indonesia - Fajar Alamsyah Akbar
Best Physique: Puerto Rico - Jose Lopez
Best Model: Korea - Yun Teho
Best National Costume: Thailand - Apiwit Kunadireck

Muli, ako'y taos puson nagpapasalamat kay Kenhan ng Missosology at nakagetlak ulit tayo ng fansigns mula sa piñakamasasarap na kandidato. Nakaka-HPP talaga!

Brazil, Chile and Czech Republic
I think Mister Global is my new favorite international male pageant. Bukod sa bongga ang production ng final night eh may formal at bakatsi swimwear pa ahihihihi! TSALAP!

'Til next year!

Friday, March 6, 2015

Stella

Magba-Baguio kami ng friends ko this weekend para maka-ipon ng creative juices at maipahinga ang dyosang katawan. Sana may mahanap din akong "pampainit" sa malamig na klima. CHAR! At habang wala akez, heto ang kwento ni Stella. Nako! Marami sa atin ang makaka-relate sa kanya. Pwedeng model ng Katialis at Caladryl.

Stella
He & She Komiks
Circa 1980's
(unknown publishing company)

Thursday, March 5, 2015

Nagbabaga

Kakasimula pa lang ng Marso pero sunud-sunod na ang sunog everywhere. Papainit na nga ang panahon, todong sinabayan pa ng nagbabagang yero't plywood. Kadalasan, ang itinuturong dahilan ay napabayaang kandila o faulty electrical wiring. Kaya hindi lang dapat doble kundi triplehin na ang pag-iingat kung ayaw mong matusta ang pinaghirapang kagamitan. 'Wag hahayaang maglaro ng apoy ang mga kabataan. Palagi silang bantayan at masdan. Iwasan din ang octopus wiring at pagnanakaw ng kuryente. KALURQS!!!

Papainit na rin ang sexy male competitions and this time, fly tayo sa Thailand kung saan kasalukuyang ginaganap ang Mister Global 2015. Second year pa lang nito pero palong-palo sa sarap ng mga contestants. Malayo pa ang Mayo pero sisimulan ko na ang bonggang papiyesta. You know the drill mga ateng! Kuha na ng paper plates at plastic spoon and fork, heto na ang nagsasarapang putahe all over the world...

 Czech Republic 
(gagawin kong tsaa 'yang trunks mo)

Tuesday, March 3, 2015

Singsing

KUNGRACHULEYSHONS kina Adonis Santos at Jaja Noble dahil sila ang itinanghal na bagong hari at reyna ng Hataw Superbodies 2015. Second placer sina Darryl Del Mundo at Rose Ann De Jesus, third placer sina Nathan Bashan at Lyka Antonette Johnson, fourth placer sina Louis Madrigal at Rose Ann De Jesus, at fifth placer sina Kirby Nuestro at Kutch Koseo.

Bongga ang shoes ni ateh third from the right. Heels kung heels! Parang ayan yata ang nawawalang tiil ni Cinderella. KALOKA! Wala akez maipipintas sa top 5 boys at lahat sila masasarap. Bet ko ang winner ngayon. 'Di masyadong mamaskels at batu-bato ang wangkata. Look oh!

Parang ang lambot haplusin tapos pogi pa! I declare na siya ang bagong Adonis sa ating kaharian. Kaya lang may singsing na sa kamay niya? Sino kaya ang maswerting babaihan na nagpatibok ng puso ni fafah? I'm sure gabi-gabi masakit ang puson niya. CHAR!