Monday, March 16, 2015

Binibining Pilipinas 2015 winners

History repeats itself. 'Yan ang nangyari kagabi nang koronahang Miss Universe-Philippines 2015 si Pia Wurtzbach. Halos pareho ang kapalaran nila ni MJ Lastimosa. Runner-up noong una, semifinalist sa pangalawa at sa wakas, nagetlak ang korona sa ikatlong pagsali. Third time is a charm 'ika nga nila.

Bb. Pilipinas-International: Janicel Lubina
Bb. Pilipinas-Intercontinental: Christi McGarry
Bb. Pilipinas-Supranational: Rogelie Catacutan
Bb. Pilipinas-Tourism: Ann Colis
1st Runner-up: Hannah Sison
2nd Runner-up: Kimverlyn Suiza
Napanood ko ang telecast sa TV at talaga namang palaban lahat ng contestant. Anyare sa inaasahan nating all-Pinoy designers sa evening gown portion? Madami pa rin ang maluwag at bitin na gowns. Siyempre 'di mawawala ang tatak recycle ni Madame Stella. At ang latest - gown ni Shamcey Supsup noong 2011...

Kung aware kayo sa pageant camps sa Pilipinas, dalawa ang madalas magsalpukan ng kanilang mga manok - Aces & Queens (Shamcey, Venus, Ara and Janine) at Kagandahang Flores (Bea Santiago and MJ Lastimosa). Balik A&Q ang MUP matapos maipasa ang korona sa KF camp last year.

Ang heavy favorite na si Janicel Lubina ang ating pambato sa Miss International 2015. Siya rin ang nagwagi ng Best in Swimsuit at Evening Gown. Hakutera parang si Teresita Marquez lang. Todong makakalaban niya ang dyosa mula sa Venezuela na si Edymar Martinez. Isang morena, isang mestisa. Parehong matangkad at may straight hair. AY! Todong nakaka-excite ang kanilang paghaharap!

Kontrobersyal din ang hosting stint ni Toni Gonzaga. Kakaiba mula sa formal na atake ng past hosts like Anne Curtis and KC Concepcion. Medyo bakya at ginawang comedy ni Toni. May irrelevant jokes na imbes magpa-relax eh mas nagpa-tense sa mga kandidata lalo na sa ginawa niyang komento sa earring ni candidate 28 Hannah Sison. Kinantahan pa ng Chandelier. Then nung si Rogelie Catacutan ang sumalang sa Q&A, kumuda pa ng "I like your last name". KALOKA! Eto ay opinyon lang naman mula sa isang pageant fan. May disclaimer talaga. Takot ma-bash ahahaha!

Before we end this, I just want to say my pure admiration to Miss Universe-Philippines 2014 MJ Lastimosa. She had a wonderful reign. Kahit 'di siya nakapasok sa top 5 ng Miss Universe, bongga ang isang taong pagrereyna niya. Hindi maiiwasan na may pumuna at manlait, pero mas marami ang nagmahal sa kanya. Thanks MJ for pursuing your dream and being an inspiration to all of us! We wish you all the best to your next journey. Mwah!

4 comments:

  1. Kaloka nga mga side c omments ni Manang Toni , but coming from the caliber of her we should just take it lightly , hindi sineseryoso ha ha ha ....

    ReplyDelete
  2. hindi naman big deal yung ginawa ni toni. i fibd it funny though. not a fan pero it's okay for me. dami lang masyadong seryoso sa buhay na parang katiting lang na bagay, pinapalaki. mga pinoy nga naman.

    ReplyDelete
  3. Ako napaka distasteful na ginawa ni toni. Yes she was instructed to make it light and funny pero sana naman hindi condescending ang mga jokes. Naawa ako kay hannah sison kasi i know she deserve more than a first runner up placement. Kc concepcion para sakin ang the best sa hosting ng bbpn.. Parang ginawa ni toni na comedy bar ang bbpn, sa totoo lang you maraming joke na pwede ideliver na may class.

    ReplyDelete
  4. Mukhang matanda na ang pambato sa ms u gayon ng phil. as in gurang

    ReplyDelete