Thursday, April 30, 2015

Paunahin

Nakapila ako sa post office kanina. Nag-aantay matawag ang pangalan para sa parcel na dumating. Medyo mabagal ang usad kasi isa-isang kino-compute ng taga-Customs ang tax na babayaran. Buti na lang may poging tsinito sa unahan ko. 'Di ako maiinip mag-antay. Umupo ako para sa mas magandang view.

Kasunod ko sa pila si lola. Nakiusap kay pogi na kung pwede na paunahin siya.

"Ay 'di po pwede. Nagmamadali ako."

"Sige na iho, masama pakiramdam ko."

"May klase pa po ako."

Ay! Kaka-turnoff naman si fafah. Ano ba naman 'yung mag-spare siya ng ilang minuto para sa nakatatanda? Pinagtinginan tuloy sila ng utaw. Kahit 'yung taga-Customs walang nagawa. 'Di talaga pumayag si fafah.

Lumapit na ako sa counter since malapit na akong matawag. Naabutan kong tinatanong si fafah kung magkano ang value ng package niya.

"Wala pong value 'yan. Prize po 'yan sa na napanalunan ko sa isang international competition."

"Sige, declare na lang natin na $10 ang value kasi galing ibang bansa. Achoochoochoo customs eklat legal terms nosebleed."

"$10 po ba ang minimum value?"

"Wala tayong minimum value. Achoochoochoo customs eklat legal terms nosebleed."

In a mataas and demanding tone...

"Tax-free po dapat 'yan kasi I'm a student, premyo 'yan at estudyante po ako ng UP. Eto po ID ko."

Medyo natutulala na si ate dahil parang nanindak na si papa. Kita ko ang ID at ID lace. Oh well, totoo nga.

In a calm tone "Dahil estuyante kayo at napanalunan niyo ito, hindi na ito subject for tax". Parinig sa amin ni Customs girl. Oo nga naman, kasi lahat kami doon magbabayad tapos merong hindi. Unfair. Kaya siguro may I declare siya.

Inabot kay fafah ang package sabay talikod at lumayas.

"Ako po, magbabayad din ba?"


Wakas.

Monday, April 27, 2015

Panalangin 3.0

Ano man ang ating ginagawa sa mga oras na ito, panandalian muna tayong huminto at mag-alay ng panalangin sa mga naapektuhan ng lindol sa Nepal at sa kahihinatnan ng kapalaran ni Mary Jane Veloso sa Indonesia. Hindi ko ma-imagine kung gaano kabigat ang kanilang pinagdadaanan sa ngayon ngunit sa pamamagitan ng panalangin, alam kong makatutulong tayo. 

Nawa'y di na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa lindol at dumami pa sana ang mga bansang nais tumulong. At sa ating kababayan na nahatulan ng kamatayan sa ibang bansa, sana'y maghimala at mabago ang desisyon. Trenta años lang si Mary Jane at may dalawang anak. napakabata pa para bawian ng buhay at iwan ang mga supling.

Panginoon, tulungan niyo po sila...

Friday, April 24, 2015

Chika Chika Boys (part 3)


6. Anton Bernardo
Daring at walang kiyems kung bumukaka sa pictorial niya si Anton Bernardo. Nunca yatang nag-shave kaya palaging may nakalitaw na pansit sa bikini niya. Naghari din siya sa kaharian ng Seiko Films via the movies Patikim ng Pinya, Kesong Puti at Anakan Mo Ako. Todong pinag-wet niya ako sa pelikulang Sa Paraiso ni Efren kung saan gumanap siyang macho dancer. 'Di na mabubura sa isipan ko kung paano siya gumiling in his sexy fishnet costume. TSALAP!

5. Jestoni Alarcon
Action star, matinee idol at nagpaseksi rin si fafah Jestoni. Actually mas bet ko siya kesa kay Cesar Montano kung action movies lang ang pag-uusapan. Mas may sex appeal siya at plus pogi points ang bigote. Just like Ian Veneracion, pasarap siya nang pasarap habang tumatagal. Pinasok niya ang pulitik at 'di nabigo dahil naging konsehal at bise-gobernador siya ng Rizal. Sana pasukin niya rin ako. CHOS! Aktibo pa rin sa paggawa ng teleserye sa Kapuso at Kapamilya networks.

Monday, April 20, 2015

Mister Slovenia 2015

The best male pageant is back! This is the third year that I'm following Mister Slovenia and I must say it's hotter, sexier and better than ever! 'Di ko nga mapigilang magwater habang pinagmamasdan ang labing anim na kalalakihan vying for the coveted title. Nakakaloka ang tema ng pictorial this year... seksi-seksihan sa kusina ang labanan.

Sabi ni Ateh Paul, mga mukha daw bampira 'tong mga contestant. Bet na bet ko dati si Edward Cullen kaya siguro type ko ang look nila. Parang 'di naaarawan at ke-puputi! Kung totoo mang bampira sila, wala akong kebs na magpapasipsip ng sarap. Basta ba masisipsip ko rin sila ahahaha!

Kung mainit ang panahon, mas lalong mag-iinit ang pakiramdam niyo. Itodo na ang lakas ng mga bentilador dahil narito na sila...

Ałen Nuhanović & David Mlakar

Matija Plekaj & Nejko Peter Levak

Miha Ratajc & Axel Luxa

Matjaž Lesjak & Klemen Orter

Andraž Logar & Fran Firer

Žiga Štangar & Gregor Vuksinic

Oh de vaaahhh?!? Magiging choosy ka pa ba? Maya't maya siguro ako magugutom kung sila ang makikita ko sa kusina. Lahat ng lutuin nila, lafangin ko talaga especially kung susubuan ako nitong apat...

 Jan Luxa
(anong kinakain mo babe?)

 Jure Trupej
(ako na lang magpupunas sa'yo please...)

 Miha Repinc
(kaliligo mo lang?)

Matjaž Mavri Boncelj
(sige, kutsarain mo ko)

Nakakahinga pa ba kayo mga 'teh? Matindi pa sa heat wave 'tong mga lalaking 'to!

You can actually vote for your favorite para makapasok sa top 5. Search and like niyo lang ang misterslovenia.com Facebook fan page. Then go kayo sa Top 16 - Voting photo album and hit the Like button on their picas. Deadline is on April 24, 2015.

Friday, April 17, 2015

Iniluwa

Na-miss kong mag-dedicate ng kanta sa greatest love ko na si Mike Concepcion kaya let me take this opportunity. Ang kyooot niya diyan sa picture na parang pang-grade 1 photo ID. Bumilis bigla ang tibok ng puso puso puso ko! AAAWWW!!!

Infairness kay talanding Taylor Swift, ang gaganda ng songs sa 1989 album niya. From Shake It Off to Blank Space and now Style. 'Di lang 'yan, masharap din ang guy interest niya sa video. I did a little research and his name is Dominic Sherwood - actor, model and musician. What's more interesting is he has Heterochromia - magkaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Pero mas maganda itong iniluwa ng Google. Take a deep breath and hab a luk...

Two extra rice please! Tsaka pahingi na rin ng toyo at calamansi 'teh. Mapaparami ako ng kain eh hihihi! Going back to my original love, wit ko pa rin siya nasasightsina sa SM Aura kahit panay ang rampa ko sa harap ng tindahan niyang Ronnie & Joe. Well, destiny na lang ang bahala na magdala sa kanya papunta sa akin kesehodang nasa mall man ako o palengke. While we wait for that perfect moment, let's sing ateh Taylor's latest single...

♪ You got that James Dean daydream look in your eye
And I got that red lip classic thing that you like
And when we go crashing down, we come back every time
'Cause we never go out of style
We never go out of style

You got that long hair, slicked back, white t-shirt
And I got that good girl faith and a tight little skirt
And when we go crashing down, we come back every time
'Cause we never go out of style
We never go out of style ♫

Thursday, April 16, 2015

Chika Chika Boys (part 2)


8. Fernando Montenegro
Sa paghahalungkat ko sa Balikbayan Package 2.0, I can say na isa si Fernando Montenegro sa pinakamapangahas sa pictorial. Kung hindi wetlook, he's wearing tight string bikinis or t-back. He has this body na hindi mamasel at hindi payat. Sakto ang kaseksihan na proportioned sa kanyang height. Not to mention his brown skin na malakas talaga ang dating. And the way he stare at the camera, nakaaakit talaga! Una ko siyang nakita sa promotion ng pelikulang Kesong Puti starring Klaudia Koronel and Deborah Carpio.

7. Jon Romano
Jon Romano has this manly and machismo appeal. Signature look niya ang maninipis na bigote sa kanyang mga labi na parang nakakikiliti kung sa iyo'y madadampi. Hindi siya masyadong nagbida sa mga pelikula noon pero notable ang kanyang supporting roles na siyempre may kasamang hubaran. Recently ay nagbalik limelight siya via KalokaLike ng Showtime. Malaki ang pagkakahawig niya kay Christopher De Leon na pati boses ay ginaya kaya no wonder na tinanghal siyang ultimate winner noong season 1.

Monday, April 13, 2015

Pamilyar

Ayan! Dumating pala si Sean O'pry nang hindi ko namamalayan. Sayang ang chance to meet him in person. Sa mga hindi masyadong pamilyar, he is one of the highest paid male models in the world. YAMANIN! Pantasya ko na siya bago pa siya halik-halikan at artehan ni talanding Taylor Swift sa music video ng Blank Space.

Sean O'pry
Nagkaroon siya ng exclusive fashion show para sa mga suki ng Penshoppe. Bago 'yan ay inenjoy niya muna ang magagandang tanawin sa Palawan. I follow his Instagram account (@seanopry55) at hindi siya ma-caption o ma-hashtag sa picture. Luckily, he called Palawan a paradise. Nako, mas matitikman mo ang paraiso sa piling ko. Come here baby, have a bite ahahaha!

According to his interviews, he fell in love with the place and enjoyed tocino and mangoes. Babalik daw siya given the chance. Nako! Aabangan ka na namin sa susunod at rarampa sa harap mo in our sexy bikinis.

See ya, El Nido
Dahil 'di tayo naka-attend ng bonggang event ng Penshoppe, magkasya na lang tayo dito sa mga litratong nakulimbat ko mula sa Rappler...


We will wait for your return Sean. I LOOOOVE YAAAHHH!!! ♥♥♥

Saturday, April 11, 2015

Limang Salita

Sa buong tag-araw, Abril na yata ang pinaka-mainit na buwan. Zero chances of rain at kung meron man, sandaling sandali lang. 'Yung bago pa makababa ang ulan sa langit, natunaw na sa sobrang init ng paligid.

Umpisa na rin ng bakasyon ng mga estudyante kung saan umuuwi sila sa kani-kanilang probinsiya o magbabakasyon kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Boracay, Palawan at Puerto Galera ang madalas puntahan. Kung ayaw lumayo sa siyudad, nandiyan ang Loreland at Bosay resorts sa Antipolo

Be sure to be at your best kapag ganitong season dahil malay niyo, makatagpo kayo ng "summer fling". Kapag nasa beach, wear your most sexiest and skimpiest swimwear. Dedma kahit kita ang taba at obvious ang ube halaya sa katawan dahil ang mahalaga, may bitbit na kalandian. 

Kung sa mall at diyan-diyan lang pupunta, ilabas ang makikinis na legs at flawless shoulders. Wear bright colors. May karapatan kang mag-backless at ispageti ngayon. Uso pa rin ang high-waisted puki shorts. 'Wag kalilimutang iwasiwas ang balakang habang naglalakad. Ewan ko lang kung 'di matakam ang mga boys ahahaha!

Laging pakatandaan, daig ng malandi ang maganda. Isa-isip, isa-puso at isa-buhay ang limang salitang 'yan. 

And here's my official summer song, Nicole Scherzinger's Baby Love. Watch niyo kung paano niya hawak-hawakan at amuy-amoyin ang lalaki niya. Perfect da moves this summer!

Thursday, April 9, 2015

Chika Chika Boys (part 1)

Holiday ulit! Sarap humilata sa kama at magpabaling-baling habang nag-iinternet sa cellphone. I'm sure 'yung iba diyan busy sa kakahanap ng picture na pwedeng i-#ThrowbackThursday. Kakapressure din pala mag-maintain ng social media accounts. Minsan wala ka nang maisip i-post kaya naiintindihan ko 'yung iba na kahit pagpunta sa banyo eh nilalagay sa status ahahaha! 

Nangako ako ilang linggo na ang nakararaan sa magre-request ng mga lalaking na-feature Chika Chika magazine. Nagkaroon ako ng time para kalkalin ang Balikbayan Package 2.0 at swerte naman natagpuan ko ang vintage pictorial ng dalawa sa todong pinantasya natin noon. Unahin natin si Albert Martinez...

10. Albert Martinez
Unang sumikat sa loveteam nila ni Snooky Serna noong 80's. Naging character actor at madalas lumabas sa mga teleserye sa Kapamilya Network. Nagpaseksi noong late 90's to early 2000's. Scorpio Nights 2 with Joyce Jimenez at Laman with Lolita De Leon ang pinaka-daring sa lahat. Kahit pudra na, patuloy na pinapantasya ng ilan dahil sa angking kakisigan. Aminin, para siyang alak - sumasarap habang nagkaka-edad. Nakalulungkot lang dahil recently ay pumanaw ang kanyang misis na si Liezel Martinez.

9. Roy Rodrigo
Sunod sa listahan ang mabalahibong si Roy Rodrigo. Nakadadagdag pagkalalake talaga kapag balbonic ang isang guy especially sa bandang hita. Wit na ako magtataka kung bakit isa siya sa ni-request. In-demand siya noon sa mga pelikulang sexy like Kesong Puti, Alipin ng Aliw at Sa Iyo ang Itaas, Sa Akin ang Ibaba... ng Bahay. Napanood ko siya bilang Ramon sa pelikulang Kirot sa Puso kung saan nakasama niya si Ana Capri.

Dalawa pa lang 'yan at may natitira pang walo. Send in you request at malay niyo, baka mapasama sa ating bonggang top 10 Chika Chika Boys. 

Sunday, April 5, 2015

Kung Hindi Ko Siya Mahal

Back to work na bukas. Kung bitin pa sa bakasyon, 'wag mag-alala dahil sa Huwebes ay Araw ng Kagitingan. Tatlong araw lang at may ekstrang pahinga ulit. Kaya love na love ko ang kalendaryong Pinoy eh. Ang daming holiday! Kung sa BPO industry ka nagta-trabaho, it means extra pay at tiba-tiba sa araw ng sweldo. Libre naman diyan mga 'teh!

Last day na rin ng Holy Week special natin. Easter Sunday is also known as Pasko ng Muling Pagkabuhay kaya heto ang inspiring story ni Abel at kung paano niya binigyan kulay ang buhay ni Madel at anak nito...

Kung Hindi Ko Siya Mahal...
Universal Komiks
Disyembre 26, 1996
Blg. 2216
Pablo S. Gomez Publications

Saturday, April 4, 2015

Pambayad Utang

Nagsisimula nang magparamdam si bagyong Chedeng kaya mag-todo ingat lalo na sa mga shupatemba natin diyan sa Isabela. Kung pinayuhan ng lokal na pamahalaan na lumikas at manatili sa evacuation center, 'wag nang magdalawang isip na sumunod. Ayon sa balita ay humina na ang lakas nito pero 'wag maging kampante dahil alam naman nating moody si mudra nature.

Sa trulili lang, bet ko na umabot ang ulan dito sa NCR. 'Yung sapat lang para bonggang malamigan ang kapaligiran. Pan de pugon levels ang init sa labas lalo na kung tanghali! KALOKA!

A friendly reminder mga ateng, 'di dapat umalis ng balur na walang bitbit na payong. Umaraw man o umulan, may paggagamitan ka niyan.  

Pambayad Utang
Universal Komiks
Disyember 29, 1996
Blg. 2217
Pablo S. Gomez Publications