"Hindi naman ibig sabihin porke't nakatira tayo sa isang bubong, lahat na lang ng bagay dito paghahati-hatian natin." |
Sa Paraiso ni Efren ang isinalang ko nitong nakaraang day off ko. Saktong pampainit sa malamig na panahon. Well inakala kong straight movie ito nung una kasi si Ana Capri ang starring sa pabalat ng bala pero 'di pala. Sina Anton Bernardo at Alan Paule ang tunay na bida. Supporting lang ang lolah niyo together with ateng Ynez Veneracion.
Kwentong buhay ni Efren (Bernardo) na isang callboy slash macho dancer na dating asawa si Magda (Veneracion) na iniwan siya para sa ibang lalaki. Ang ex-puta na si Ana (Capri) ang siyang humalili sa pwestong nabakante.
Nagkakilala sila ni Melvin (Paule) sa waiting shed, isang gabi habang malakas ang ulan. Nagkapalagayan ng loob at eventually, tumira sa isang bubong kasama ang dalawang merlat.
Infenezzz sa lahat ng macho dancer movies na napanood ko, kakaiba ang istorya. Malinis at maayos ang takbo. Bet na bet ko ang bonggang akting ni Ana Capri na hindi nagpatalo kay Alan Paule. Kung mas maaga ko lang nalaman na maganda ang pelikulang 'to, sana nakabili ako dati ng orig VCD dagdag sa aking video collection. Wala na akong nakikitang kopya nito sa merkado eh.
Ms.M,
ReplyDeleteNapanood mo na ba ang "Secret of Pura"? na pinag-bidahan ni Ms. Alma Moreno. 12 years old ako noong napanood ko ito sa Betamax.Sobrang tagal ko nang naghahanap sa Quiapo, ng kopya nito. Gusto kong mapanood ulit.
-Mareng Lee.
Mareng Lee, wit ko pa napanood 'yan eh.
ReplyDeleteMareng Lee, Mag abang ka lang sa Cinema one minsan pinapalabas nila. Napanood ko lang yan 2 months ago nung na feature si ate alma! Diba sya si Pura Kikinang? Ang gaganda ng mga Movies ni Alma. Lalo na yung Nympha at Bomba star napakaganda rin! ang galing nina Marisa delgado at Celia rodriguez. Panoorin nyo yun. Napalabas din yung secrets of Virgini P sa CO recently.
ReplyDelete