"Ikaw na bata ka, ang bata bata mo pa, ang kiri kiri mo na! Hindi ka pa tinutubuan ng balahibo sa katawan napakalandi mo na!" |
Kirot Sa Puso (1997)
MAQ Productions
Directed by F.C. Gargantilla
Screenplay by Anthony Taylor
Starring Roy Rodrigo, Ramona Rivilla, Aldrin Russo and Anna Capri
Sa murang edad na kinse, kaakit-akit na sa kalalakihan si Ada (Capri) kaya 'di nakapagtatakang ligawan siya ng kababatang si Temyong (Russo). Kinakapatid niya si Isabel (Rachel Lobangco) na nakitira sa kanilang lupain kasama ang dalawang anak nito kay Ramon (Rodrigo). Unang kita pa lamang sa kanya ni Ramon, hindi na nito naiwasang pagpantasyahan siya. Ayun, napagsamantalahan tuloy ang kainosentehan niya. Ang masama pa nito, nagbunga ang nangyari sa kanila. Kalaboso tuloy si lalake.
Roy Rodrigo as Ramon |
Pinatunayan ng pelikula na true love exists dahil tinanggap at pinakasalan siya ni Temyong sa huli. What a happy ending!
Parang sasakit ang ulo ko habang nanonood. Ang daming "HA?!" moments ng pelikula tulad ng paano pagsasamantalahan si Ada kung siya pa ang laging lumalapit kay Ramon. Nagpacheck-up sa doktor para malaman kung ano ang sakit pero pagkakita sa chikinini, nag-assume na walang sakit ang pasyente. KALOKA!
Mukhang baguhan pa lang sa showbiz si Anna Capri nang gawin ito pero mababakas na ang galing niya sa pag-arte. Bitin naman ako sa sexy scenes ni fafah Roy Rodrigo. Sayang! Ang hot pa naman niya dito. Tapos kamukha pala ni Marian Rivera si Ramona Rivilla.
Rating: 1.5/5 stars
No comments:
Post a Comment