Friday, January 22, 2016

Bestida

Someone shared this on Facebook at todong na-touch ako sa kwento ng ating tatlong ancestors - Nanay Dory, Lucy and Lola Monching. Sa una ay maaawa ka at hihilingin na sana ay hindi matulad sa kanila pagtanda. Nang matapos ko ang palabas, hindi pala awa ang dapat kong maramdaman kundi paghanga. Tumanda man silang hindi mayaman, at least, hindi pahirap sa bansa na nauwi sa pagiging kriminal. Puno ng karanasan na para bang kay sarap mapakinggan.

Nanay Dory
I was into Nanay Dory's story. Siya ang pinakamatanda (98 years old) at pinaka-fabulous sa tatlo. Marunong gumupit, mangulot, magkulay ng buhok hanggang sa paggawa ng bonggang gowns ay kayang-kaya niya. I looove the ruffles sa kanyang bestida! Grabe din ang sakripisyo niya sa buhay pag-ibig. Pinag-asawa ng babae ang kanyang jowa dahil iyon daw ang tama. Kung 'yung iba sa atin ay halos bastusin na ang iba't ibang relihiyon maipaglaban lang ang gender identity o sexual orientation (sorry, I'm not the right person to discuss this dahil kailangan ko pang mag-SOGIE), heto ang isa nating kalahi na mas nanaig ang paniniwala sa Bibliya. Biglang pasok ang soundtrack mala-Noel Cabangon. Naiyak ako sa part na 'yan. SYET!

Ang dami kong natutunan sa istorya nila - the sacrifices, the dark experiences, the blossoming of their hearts and the struggles of being a beki. We can never tell the future but one thing is certain, we will remain who we are kahit tadtad na tayo ng fine lines at age spots. What matters is we gain in life so we can inspire others. 

Thanks, Lucy, Lola Monching and Nanay Dory.

Monday, January 18, 2016

Santuwaryo

I was browsing the books in National Bookstore when I saw Santuwaryo: Tatlong Kwento ng Pag-ibig. Sa bonggang cover pa lang, #alamnathis na beklers ang mga bida. Hindi ko muna agad binili kasi isang kopya na lang tapos open copy pa at may tupi sa cover. Umandar ang aking kaartihan. Good thing na maraming stocks sa Powerbooks at salamat sa butihing puso ni Ateh Paul dahil siya ang umisponsor. Iba na talaga ang yayamanin!

'Sing nipis lang ito ng isang regular Tagalog pocketbook. Ang unang dalawang kwento (Bahay-bahayan at Ang Lihim ni Rigor) ay parang magkatulad. Mga bata pa lang ay magkakilala na at lihim na nagkaroon ng pagtatangi sa isa't isa. I particularly like the second story kasi may twist sa dulo. Nagka-inlaban, naghiwalay, nawalan ng komunikasyon, nagkita ulit at happy ending na. Simple.

'Yung pangatlo (Santuwaryo ng Pag-ibig) ang pinakamahaba sa lahat. Mahigit kalahati ng libro ang sakop. Medyo 'di ko bet ang takbo kasi melodramatic masyado. May holdapan, todong barilan, patayan, hiwalayan, iyakan, iwanan, habulan atbp. Parang action movie, Lito Lapid ang peg. In the end, patay ang dalawang bida. Ano ba 'yan! Ayaw ko pa naman ng mga sad o tragic ending.

Santuwaryo: Tatlong Kwento ng Pag-ibig written by Michael Juha is available to all leading bookstores nationwide for 180 php. Order it online via Vibe Bookstore for much cheaper price of 100 php.

Friday, January 15, 2016

Nagbabago

All photos grabbed from Facebook
Credits to the owners
From Memories of Old Manila
Naabutan niyo ba ang mga billboard sa larawan? Kung batang 90's kayo, I'm sure na nostalgic ang feeling. Parang ibinalik kayo sa nakaraan, nakasakay sa jeep o bus, nakatingin sa bintana at nadaanan ang mga 'to. May ganito dati sa kanto ng Aurora Blvd. at EDSA, sa tapat ng SM North at bago mag-Quiapo underpass. Manual na ipinipinta ang movie posters para sa promotion ng pelikula. By square box kung ikabit 'yan. Minsan dalawa, apat, anim o walo - depende sa laki.

From Kami ang Batang 90s
From Philippines Shocking History
Madalas akong makakita nito tuwing magsisimba kami ni mudra sa Quiapo. I can say that it's very similar to Pinoy komiks drawing. Makulay, agaw-pansin at nakahahalinang pagmasdan. Kuhang-kuha ng dibuhista ang histura ng mga artista. Pero minsan hindi, kaya nakakatawa din. Sa pag-usbong ng tarpaulin printing, unti-unting nawala ang sining na 'to. May mangilan-ngilan pang makikita sa mga lumang sinehan sa Recto. Nakalulungkot man pero ganon talaga ang buhay... nagbabago.

Tuesday, January 12, 2016

Luwag

Sa tuwing may madadaanan akong Julie's Bakeshop, madalas na napapabili ako ng paborito kong tinapay - ang Violet Cream Loaf. Malambot na may matamis na mantikilya at keso sa ibabaw. But more than the taste, marami na kaming pinagdaanan nito. Ito kasi ang madalas kong baunin o kainin sa trabaho man o biyahe noong nagsisimula pa lang akong magtrabaho. Mura na, malaki pa. Alam niyo 'yan, mahilig tayo sa malaki. CHAR! Dati kasi, todo-tipid ako sa budget para mapagkasya sa pang araw-araw na gastos. As the breadwinner of the family, kailangan bilang lahat. Malaglagan lang ng piso, baka hindi na makauwi. Kahit na medyo nakaluwag-luwag na ngayon, I still prefer Julie's kesa sa Breadtalk o kahit anong mamahaling bakery. It reminds me to stay humble and look back to where I came from.

Saturday, January 9, 2016

Kaldero

Tuwang-tuwa talaga akez nang manalong Miss Universe si Pia Wurtzbach. Dami agad nag-follow sa social media accounts niya at todo active siya sa pag-post. Umpisa pa lang ng taon ay lagare na sa interviews at media tour, mapa-TV man, magazine o radyo. Recently ay nakapagluto siya for the first time sa New York apartment kung saan siya bonggang maninirahan during her reign. Naging usap-usapan pa nga ang post niyang ito...

NAKAKALOKA! Dami kong tawa nang makita 'yan. Inisip ko baka naman tagas ng niluto niya. Malay niyo naman kung dinuguan o adobo sauce pala. Pero nung zinoom-in ko, parang hindi naman. Kalawang yata? O baka naman ganyan talaga ang design ng kaldero sa Amerika. Judgmental naman tayo. CHAROT! Keri lang 'yan at bawing-bawi naman sa ganda ni Pia. Bilhan na lang natin siya ng bago. Eto oh, may tinitinda sa OLX...

Wednesday, January 6, 2016

Patunay

Totoo talaga ang kasabihang 'pag may tiyaga, may nilaga. Patunay diyan ang buhay ng isa nating shupatemba na si Gilbert OpeƱa. From being a basurero, he's now a CPA and works in one of the biggest auditing firms in the world... universe rather. CHAROT! Nabroadcast pa nga ang talambuhay niya sa TV5.

His face and name sounds familiar so I checked FB just to find out na friends pala kami! Though I don't know him personally, his life is truly inspiring. Naalala ko sa kanya ang meme na itez...

Saka na bumukaka, aral-aral muna. Kesa ubusin ang oras kakapabebe kay crush at kakatambay sa campus para lang makita siya (aray!), unahin muna ang studies. Gaganda na ang future mo, sigurado pang may mahuhumaling sa'yo. Yes, may mga utaw pa rin diyan na attracted sa brains kesa beauty.

Maisingit ko lang bilang natalakay na natin ang edukasyon. 'Yung mga pulitikong pinepeke ang credentials nila at pinapalabas na graduate sila ng ganitong school na hindi naman ay walang kasing kapal. PUCHA! Dugo't pawis ang puhunan ng karamihan sa matamis na diploma tapos sila, manloloko lang? Kung 'yun nga nadodoktor nila, paano pa kaya ang kaban ng bayan? Choose wisely mga ateng.

Sunday, January 3, 2016

Trato

Kumustasa ang unang dalawang araw ng 2016 ninyo? Mine was okay at kumayod agad. Alam niyo naman, ang baklang gipit, sa double pay kumakapit. CHAROT! Anyways, may nag-comment sa inyo sa recent post ko about this website na walang paalam na ginamit ang pic ni poging taxi driver. Remember him? Kung hindi, click niyo itez.

So eto ang nangyari, nilagyan niya ng watermark ang litrato pretending na siya ang kumuha. Tinakpan ang mata ng manipis na vertical line para siguro hindi makilala pero fail. Ginawan ng kwento na dinagdagan pa ng video scandal na 'di kita ang fes. Ang kabuuan ng istorya - may nangyari daw sa kanila. NAKAKALOKA! 

Agad-agad akong nabahala kasi kasiraan kay pogi ang post. Paano kung may makakilala dahil sa epic fail na vertical line? Concern talaga ako because he is one of the most polite guys na nakilala ko. Baka magbago ang trato niya sa lahi natin.

I did a little research sa Facebook at swerte, may account ang writer. He posted the same pic on his wall to tease his friends and readers. Nag-comment ako asking him if we can exchange messages in FB. No harm intended. Just want to clarify things since I was the one who captured the image. Afterall, malaki ang responsibilidad namin sa aming readers. Kayo ang rason kung bakit kami patuloy na nagsusulat. Humingi din ako ng tulong sa may-ari ng subdomain na ginagamit niya.

After a few hours, he sent a PM and I informed him about the photo. He said sorry at binura ang post. Again, I reiterated the responsibility in sharing thoughts and opinions to readers. He just sent a thumbs up emoji.

Isa sa mahahalagang aral na natutunan ko sa paggawa ng blog ay ang responsibilidad na i-validate ang impormasyon na aking gagamitin. Kaya much appreciated ko kayo kapag kino-correct niyo ang error ko. I am very much open with that. 'Wag kayong titigil. Sa panahon ngayon na naglipana ang false news at mapanirang posts, credibility is very important.

Now, if I'm going to create a story - 'yung talagang kathang-isip lang, for fun at nunca nangyari sa totoong buhay, malalaman niyo agad. Witchells tayo magke-claim ng kung anu-ano. Wala namang benefit sa atin 'yan. Gets kong maaari tayong makakuha ng papuri, paghanga at inggit pero saan ba nanggaling? Sa isang bagay na hindi naman sa atin nangyari. That I cannot take.

PS: Maraming salamat sa mga vigilant sisters ko. Dahil sa inyo, naprotektahan natin si pogi. PAK!

Friday, January 1, 2016

Samahan

2016 marks our 6th year anniversary. TAGAY TAYO, MGA 'TEH! Mula sa kailaliman ng aking pukersha, ako'y todo-todong nagpapasalamat at sinamahan niyo ako. We've come a long mula sa simpleng pagbahagi ng opinyon noong nakaraang presidential election hanggang ngayon na magpapalit na tayo ulit ng pangulo. Andiyan kayo para makipagbalitaktakan, makialam at makigulo. Kasama ko rin kayo sa pagiging mature sa paghandle ng isyu. Kung dati ay ang dami nating sinasawsawan, ngayon ay piling pili na.

***
Karamihan sa atin ay may New Year's Resolution tuwing magpapalit ang taon. Pero natutupad ba? Ako... HINDI! I attended a mass kanina with mudrakels and pamangkin. Sinabi ni Father na hindi enough ang resolution, dapat samahan ng aksyon. For example:

Mag-aaral na ako nang mabuti
VS. 
Babawasan ko ang pagfe-Facebook para makapag-aral nang mabuti

May tama si Father! 'Wag puro pangako. Binalak kong isulat ang dapat kong baguhin ngayong taon pero nawalan ako ng oras. Bakit? Kasi adik sa kaka-scroll ng Instagram at Facebook feed. Dinagdagan pa ng Snapchat. 'Yung sasabihin kong sandali lang at baka may update, NAKA! Isang oras mahigit na pala ang lumipas. Pansin ko nga, kumonti ang mga librong nabasa at pelikulang napanood ko dahil dito. I think I should limit myself in this or else, baka ma-rehab akez. CHAROT!