Sunday, August 28, 2016

Gwapulis

Dahil sinimulan ni Neil Perez at sinundan naman ni Don Mcgyver Cochico, sunud-sunod na ang mga naglalabasang gwapong pulis. Aminin mga ateng, minsan sa buhay natin ay talagang nagpantasya tayo ng pulis. Matangkad, gwapo, moreno, may matikas na pangangatawan, may baril at batuta pa. Plus, ang uniform na halos bumakat ang maskels nila sa katawan. Anong bakat 'yang nasa isip niyo? 'Wag kayong ano at ubod ng linis ang kaharian natin. CHAROT!

Neil Perez and Don Cochico
May segment every morning sa show na Umagang Kay Ganda kung saan pwedeng magpamalas ng talento at angking kakisigan ang mga PO1 natin. Waley nang mas sasarap pa sa ganitong almusal. And I can't! I just can't sapagkat sumali ang unang nagpatibok sa malantod kong puso(n), si Richard Pangilinan. Yes, mga ateng! 2010 pa natin siya minamahal at hirap na hirap ang puso(n) natin na maka-move on sa kanya. Sinubaybayan mula sa pagsali niya sa mga bikini contest hanggang mag-lie low para tuparin ang pangarap na maging magiting na pulis. AAAWWW!!! So happy for you, behbeh Chard.

Mahal pa rin kita, Richard Pangilinan ♥
Hindi ka na yata sanay sa limelight
Sige, igiling mo Papa Chard
Yes, ako ang tinuturo niya!
Nai-imagine ko hawak niya suselya ko. CHOS!
Ganyan din siya kapawis after naming mag-ano. CHERET!
Aba! Parang iba na tingin ni Winnie Cordero
Sana po manalo siya
YES! Siya nga ang nagwagi!
Ayan, nakahinga na siya ng maluwag
Tindig pa lang, winner na!

Saturday, August 27, 2016

Pananaw

I've been with the same set of friends since I was 18. Mga college students na ang daming pangarap. Magkakasama sa hirap ng project at ginhawa sa taas ng grado. Hanggang sa ngayon, kami-kami pa rin ang nagdadamayan kahit may kanya-kanya na kaming buhay. Some of them may mga junakis na, may sariling negosyo, may asawa o 'di kaya, todong busy sa trabaho. I'm glad na kahit ganoon, we find time to bond and enjoy life.

We call ourselves Bitches and Kikays
B&K invades Bohol
Kapag galaan outside NCR, sina Ateh Paul, Chelie, Xheng, Karen, Tracy, Chari at Gladys ang madalas kong kasama. Before Boracay last month, we went to Bohol in 2013. White beach din at mas maraming mother nature encounter. Wala masyadong establishments which is good if I may say. We normally like to have some fun in the sun. Mga hindi takot umitim kakaligo sa karagatan. Gladys is now based in Canada so she missed the escapade we had last month. We're looking forward na pagbisita niya eh gagala ulit kami.

JB, Chari and Delma
When it comes to more personal and serious issues, I go with Chari, JB and Delma. I call them my Super Friends. Mga magkukumare kami dahil ang mga anak nila ay inaanak ko. Work, relationship, family at iba pang malalalim na isyu ay sa kanila ko naibabahagi. Simple lang ang trip namin - gumala sa mall, maglakad nang maglakad hanggang sa mapagod at mag-kape.

Circa 2007
Ayan, malinaw na ang camera
Hindi din pwede na wala kang makakaibigan sa trabaho. 'Ika nga nila, no man is an island. Iba ang pressure kapag may demands at metrics na kailangan i-meet and I'm glad that in my 10 years in the BPO industry, I kept some real friends. There's Alistaire na miss na miss ko na. Ang daming isyu sa lovelife niyan. 'Di kasi nawawalan ng boys. CHOS! Then I have Julius Jaguio na ngayon ay unti-unti nang nakikilala sa fashion industry via Pegarro clothing line. Si MJ na in-attitude-an ko dati but now, close kami sa office and we have a very mature friendship. Ibang level ang kaseryosohan sa buhay pamilya. I have Aly na kahit minsan lang kami magkita, eh very close pa rin kami. Matet which is now based in the US. Kahit nagta-trabaho, may time pa rin chumika sa Viber.

Meet my bestfriend Kriselda
I should never forget my bestfriend for life, si Kriselda. Magkaklase kami sa Grade 6 at ang una naming napagakasunduan - Spice Girls. Faney na faney kami ng mga kanta at sayaw nila. Since then, inseparable na kami. Kahit sa ibang eskwelahan siya nakapag-high school, may constant communication talaga kami pre-cellphone era pa. More on punta sa bahay or tawagan sa landline. Kapag weekend, maglalaro kami ng arcade games sa SM at titingin-tingin ng latest cassette tape sa Odyssey or SM Record Bar. How I miss those times!

Aly, Hershel and Ellen
I now have a different perspective when it comes to friendship. Maybe because of age and experiences in life. Kung dati ay party-party, gimik at gastos, ngayon ay mas malalim na ang pananaw ko dito. I'm glad that I'm able to capture memories with them. Life is good with friends lalo na kapag may picture that will serve as remembrance.

Of course, last but not the least, kayo mga ateng ay mga kaibigan ko rin. Salamat sa walang sawang pagbisita sa ating kaharian upang tumikim ng iba't ibang putahe. Cheers para sa mas marami pang masasarap na ulam!

Sunday, August 21, 2016

Grande

Last month, nagbakasyon grande kami ng mga college friends ko sa Boracay. This is my second time to visit one of the most popular beaches of the world. I was with Ateh Paul, Karen, Chari, Chelie, Tracy, Xheng and her sister Ysai. As usual, budget diva ang byuti kez. Less than 5 kwit ang gastos. Siyempre, givesung ako tips para kayo din ay makatipid.

Muntik nang maiwan ng eroplano
We booked the ticket in advance. September last year at promo ng AirAsia. Around 1.2k lang ang round trip ticket. Pagdating sa Kalibo Airport, nag-van kami instead na bus. Mas mabilis at mas mura. 200php lang ang isa papuntang Caticlan port. Pay ng terminal and environmental fee plus bangka na hindi aabot sa 300php. Tryke na bente pesos at Boracay na!

On our way to Puka Beach
Pagdating sa accomodation, panalo ang Morning Star sa Station 3. Beach front na, mura pa sa halagang 1.5k per night. All-expense paid ni Madame Karen. Dalawang kwarto ang ginetching namin at nanatili ng 3 days and 3 nights. May TV, Wi-Fi at mainit na tubig sa umaga. Perfect pang-kape. PAK! Mahalya fuentes ang fudang sa harap ng karagatan kaya laps kami sa mga karinderya sa likod ng D*Mall. Sulit na sulit ang mga meal from 40-70php.

Puka Beach
Ang ganda ni Chari oh!
Una kong bisita sa Boracay ay witchells kami natuloy sa Puka Beach dahil sa lakas ng alondra. May alternate way pala para gumora doon - ang pagsakay ng tricycle powered by rechargeable battery. Eco-friendly! Bale 400php kaming lahat. Walang fee sa pagpasok sa beach pero required umorder ng kahit anez. Nakakalula ang presyo ng Coke 12oz sa halagang 150php. Bumayla din kami ng pansit at calamares na umabot din lagpas 1k. Sulit naman dahil less tao sa lugar at napakaganda ng tanawin. Ang buhangin daw dito ay gawa sa durug-durog na shells kaya pala ang sarap apakan at damhin sa kamay. Hindi pa ito kasing developed ng Boracay stations 1 to 4 kaya talagang ma-appreciate mo ang regalo ni Mother Nature.

Kaya niyo pa ba?
We spent our afternoon there then balik kami sa beach proper. Naaya mag-adventure ang mga bakla kaya no choice kundi sumama sa gitna ng karagatan. Mag-flying fish daw sila for 600php each. Hindi na masama. Dahil kyorkot ang byuti kez at wit marunong mag-swim ala-Goldeen, pinabayaan na namin sina Ateh Paul, Xheng, Ysai, Chelie at Chari. More picture kami nina Tracy at Karen sa ibabaw ng waiting area. Feeling nasa yacht kakaselfie.

Mga afam, bingwitin niyo na akez
I think the most breathtaking part when you go to Boracay is the dramatic sunset. Hindi kumpleto ang trip kung wala nito. Halos mapuno ng tao ang shore mapagmasdan lang itey. Iba ang saya na dulot ni Inang Kalikasan. And the fee to see this? NADA! Real happiness is priceless. PAK!

Sunset at Boracay
On our last night, bet naming lumaps sa medyo shaley at sa Sands kami napadpad. Hindi na masama ang halagang 250php nilang hapunan. Solb na solb sa inihaw na manok, baboy at mainit na kanin. Medyo matagal ang order sa ganitong kainan at tom jones na kami kaya ayun, kami na ang sumandok sa soup kahit dapat eh ihahain sa amin. KAKALOKA! Ambabait din ng staff nila at maasikaso. Love it!

Picture muna kahit gutom
Hindi na kaya ni Ateh Paul
Monday morning came quickly. We packed our bags and left the island at 7am. Baka mahuli pa kami sa check-in ng 11am. Bumili ng konting pasalubong sa pamangkin worth 150php, tryke for 20php, bangka for 25php and van for 150php. Same driver dahil kinontrata namin siya at pumayag naman sa mas mababang halaga. Oh di ba, ang murayta? Perks of traveling on an off-peak season!

Thursday, August 18, 2016

Destinasyon

Kung napansin niyo mga ateng, todo promote ako nitong Huawei P9. May sinalihan kasi akong contest online at ang mananalong blogger ay magkakamit ng isang unit nito. Nagpaparamdam na kasi ng retirement ang ketay ko. Bale lima ang ipamimigay nila at dalawa na ang nagwawagi. Mahigpit ang labanan at umi-English ang karamihan. Nosebleed akez! Sali lang nang sali at malay niyo, mapili ang exotic byuti ko.

Screencap of the blog post
January of this year nang ibahagi ko sa inyo ang isang blog kung saan walang havs na ginamit ang litrato ni poging taxi driver na nasakyan ko. Ginawan ng kwento na kesyo may nangyari daw sa kanila at may "video evidence" pa. Tumugma nga naman ang uniform ni kuya base sa screencap na makikita sa post na itech. Dahil nga nabahala ako sa false claim niya, agad ko siyang minessage sa FB at nag-sorry naman siya. Hindi nagtagal ay non-existent na ang post. Ayan, nakahinga ako nang maluwag. Binura na eh. Eto ang patunay ng aming usapan...

Matapos ang halos pitong buwan ay nakatanggap ako ng email about the same post. ABA! Hindi naman pala binura. Itinago lang at muling isinapubliko ang kanyang "kabaliwan". Sa trulili lang, wit ko noseline kung ano bang gusto niyang patunayan sa mga readers niya. Pwede naman niyang sabihin na ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Mag-disclaimer din siya na hindi niya kuha ang mga larawan pero hindi. May watermark pa niya. KAKALOKA!

Hindi ko na siya muling imemessage mga ateng. Hayaan na lang natin siyang magliwaliw sa kanyang sariling mundo. Knows natin kung ano ang totoo. Matatalino na ang mga mambabasa ngayon. Though some of the people on the Internet world is vulnerable with these kind of stories, lalabas at lalabas din ang katotohanan. At muli kong ka-klaruhin, ako ang kumuha ng litrato at walang naganap na "milagro". How I wish! Marangal siyang nagtrabaho nang ako'y kanyang ihatid sa aking destinasyon. 'Yun lang. Period.

Sunday, August 14, 2016

Barbell

Masaya talaga akez kapag umuulan. Iba ang dulot na high kapag naririnig kong bumabagsak ang patak ng ulan sa bubungan, payong o maging sa aking balat. Kesehodang basa ang outfit ko papuntang opisina, happy pa rin aketch. Siyempre, wit naman nakakaaliw kapag nababalitaan kong apaw na ang tubig sa La Mesa Dam o sa Marikina River. Stay safe, mga ateng! Kung pinapalikas na kayo ng mga barangay tanod, 'wag na umarti. Isalba ang life at baka lumangoy pa kayo kasama ng mga janitor fish. KALOKA!

Bigay pugay muna tayez kay Hidilyn Diaz for giving pride to our country. After Onyok Velasco noong 1996 Atlanta Olympics eh ngayon lang tayo ulit nagka-medal. 20 years in the making! 2nd place siya sa weightlifting event 53 kg category ng 2016 Rio Olympics. Lakas ng maskels mo 'day!


Tatlong beses pala siyang todong nagbuhat at all smile sa tuwing maibababa ang barbell. Nakakaiyak nang maisuot sa kanya ang silver medal. Ramdam mo na proud na proud siya para sa bansa at hindi nakalimutang mag-sign of the cross tanda ng pagiging relihiyosa. SALAMAT!

Siyempre, hindi mawawala ang eye candies ng Olympics. Dami ng afam eh! Pero angat sa lahat ang Brasileñong si Arthur Mariano. Nakakatunaw ang ngiti ng gymnast na itey. Nag-trending agad sa social media at ilang beses shinare ang images at videos niya tulad nito...


GRABE SIYA, OH! Pusuan mo ang puson namin, ang sherep! Eto, more pa...

Saturday, August 13, 2016

Patron

Mga ateng, I am OVERWHELMED with your comments from my last post! Busog na busog ang puso ko sa suporta at pagmamahal niyo. Salamat sa mga nagbahagi ng sarili nilang karanasan. Na-inspire akong lalo na ipagpatuloy ang laban namin ni La Mudra. Salamat din sa pagpapaalala na huwag bibitiw sa Kanya.

Manila Bay sunset
Dahil parang contestant ako sa Extra-Challenge these past few months, natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad-lakad sa Baywalk. Kapag halos hindi ko na kayanin ang mga pagsubok na dumarating, personal man o sa trabaho, dito ako napapadpad at pinanonood ang isa sa pinakamagandang sunset sa mundo. Narerelax ang isipan ko tuwing nakikita ko ang banayad na pag-alon ng tubig habang nag-iiba ang kulay ng langit sa paglubog ng araw. Dito ko rin nakikita ang iba't ibang tao na sa simpleng paraan ay nag-e-enjoy sa buhay - mga batang naglalaro habang binabantayan ng magulang, mag-jowang kumakain ng Moby habang nagse-selfie, mga afam na nagja-jogging, sina lolo't lola na namamasyal at going strong pa rin, mga estudyanteng naghaharutan at mga soloistang tulad ko na gusto ng "me time". Aaahhh... nothing beats simple joys.

Malate Catholic Church
After the sunset, isang tawid lang para makapagsimba sa Malate Church. Infairness sa simbahang ito, ang bongga nang pagkakaayos. Ni-restore ang Baroque style kaya pagpasok, feeling mo nasa Spanish era ka. Nasan na ba ang mga meztisong kawal? CHOS! A little bit of history mga ateng - this was built in 16th century by the Augustinians. Ang patron ng simbahan ay si Nuestra Señora de Los Remedios at ang santo ni Mama Mary na nasa altar ay dinala pa mula España noong 1624. Lakas maka-Hekasi ng kuda ko! 6 pm ang mass schedule na naaabutan ko at usually, mga foreign priests ang nagmimisa.

I hope to share more moments with you, mga ateng! Mapapadalas na ulit ang aking pagsusulat dahil sa walang sawa niyong pagmamahal.

Saturday, August 6, 2016

Suki

Two months of absence and I'm finally back. Na-miss ko kayo mga ateng!

For the past few months, sobra akong na-challenge sa buhay. I was fighting for my mom's life. Kwento ko na sa inyo dahil knowsline ko na ang dami kong utang sa inyo.

May of this year nang ma-ospital sa UST si La Mudra due to kidney failure. She has diabetes and blood pressure problems at naging komplikasyon nito ang pagkasira ng kanyang mga bato. According to the nephrologist, 5% na lang ang function ng kanyang kidney. This means tumataas ang creatinine level or waste product sa dugo niya. The best thing we need to do is to prepare her for dialysis or else, malalagay sa alanganin ang buhay niya. I know costly ang procedure na 'yan since I did my own research. Medyo nawala ako sa huwisyo for a moment and I asked myself, how can I sustain this medication nang mag-isa? I prayed hard and cried so many times but I know that's not enough. I need to act the soonest. Ang payo ni doc, ilagay sa singit ang dialysis access. Hindi daw kaya ng ugat niya sa braso ang fistula o AV graft. Ayaw ni La Mudra kaya nagpa-second opinion kami sa National Kidney and Transplant Institute.

Tiningnan siya ng surgeon at nephrologist at sinabing pwede naman daw sa braso ang access. Agad-agad na inadmit siya sa ospital to prepare her for the surgery. La Mudra is my dependent sa HMO but we already consumed the limit. Buti na lang at nakapag-SSS loan ako kaya kahit papaano ay may nabunot ako. Thankful din ako dahil lahat ng Senior Citizens ngayon ay covered na ng PhilHealth. At least, makakabawas sa expenses.

The day after the surgery, my mom felt dizzy and vomited a lot. Kailangan daw ng emergency dialysis so she needs to undergo another operation para malagyan ng immediate access sa leeg. Hindi pa kasi pwede 'yung AV graft sa braso because it takes weeks para magamit. Go lang nang go para sa ikagagaling ni La Mudra. After a few days, she was discharged and I need to look for a dialysis center para sa lifetime dialysis niya.

Kellie, my college friend sent me a PM on Facebook. She offered her help and expertise in nursing. She's a hemodialysis nurse in Middle East and she knows the feeling. She gave me tips on how to take care of a hemodialysis patient - the diet, fluid intake etc. She also referred me to St. John Biocare in Quezon Ave. May friend siya doon na nurse who can take care of my mom. I immediately went there to ask several questions. Infairness, ang babait ng staff and nurses. I know La Mudra will be in good hands.

I processed the PhilHealth forms, referral, treatment sheets, laboratory results etc. Sobrang daming documents. I got tired but I didn't stop all for the love of La Mudra. She's the most important woman in my life; the first person who took care of me, my first home and for her, I will never give up!

La Mudra while on dialysis
Every dialysis, she needs to be injected with Recormon or Epoetin-beta. This is to prevent her to have low count of hemoglobin. It was another challenge for me because ang range ng gamot ay between 1200 - 1700. Three times a week ang dialysis ni mama at 90 sessions a year ang sagot ng PhilHealth. I'm still broke from her previous hospitalizations. The good thing is madami kang makaka-chikahan sa ospital. They will refer you to goverment institutions na tumutulong sa mga nangangailangan. I went to Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa dami nang nangangailangan, kailangan early bird ka sa pagpila. Wala pang ala-sais ng umaga, sobrang daming tao na. Bago pa mag-office hours, nag-cutoff na sila. I understand that they cannot accomodate thousands and thousands of Filipinos who are in need of help. My opinion is that they are understaffed. I have high hopes that the new president will fix this.

As long as you have complete papers, matutulungan ka ng PCSO. Hassle kapag kulang kasi pababalikin ka at mag-aantay ulit ng forever. Sa mga hindi naniniwala sa forever, punta kayo sa PCSO. T'yak ang forever niyo. CHAROT! Sometimes, they will ask you for some documents na hindi naman nakapaskil sa tarpaulin o website nila. Maiging magdala ng kopya ng lab results, reseta, authorization letter, goverment IDs at lahat ng dokumentong ibibigay ng ospital. Magiging suki ka na rin ng mga pa-xerox na tindahan. Tip para makatipid, bago pa lumarga ay magpa-photocopy na sa Copytrade para 50 cents lang kada kopya. Dos kasi sa iba at sa dami ng kailangan, talagang lalaki ang gastusin mo.

I was accommodated middle of June. Pinabalik ako ng first week of July. Ininterview at pinabalik ulit. Sa wakas, nakuha ko ang guarantee letter na magsu-sustain sa Recormon ni La Mudra. Salamat sa Diyos!

I will never forget the 19th of July this year. While La Mudra is on dialysis, she had a stroke. Umakyat sa 400 ang dugo niya. I found myself crying with my older sister and nephew. She was disoriented and had difficulties in talking. We needed to rush her to the hospital since hindi kaya ng dialysis center ang ganoong condition. We went straight sa ER ng NKTI. The doctors checked on her. I told the staff that we are a "service patient". This means that hindi kami "pay patient". Here's the difference:

Pay patient - you have a consultant doctor who will check on you. You need to shoulder everything whether it's HMO, insurance or in cash. Private din dapat ang room mo.

Service patient - you need to speak with a social service worker so they can assess you. They will give you a white card and that will take care most of the expenses. You also have to wait na magkaroon ng slot sa service ward. We were in the ER for almost 3 days. Nasa gilid lang at nag-aantay ng turn para ma-check ng mga resident doctors.

Precious, my officemate na nagpursue ng nursing ay staff sa ospital. I PM'd her on FB at 'di siya nagdalawang isip na ako'y tulungan. Through her, na-dialysis agad si mama at nagkaroon ng slot sa service ward. She was like an angel sent from above. I cannot thank her enough for what she did. Marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo.

My mom was able to recover from stroke within 24 hours but it was critical according to the doctors. They needed to observe her within 7 days. Once na nakalagpas sa 7 days, that's the time they can declare na wala na siya sa critical stage. Through prayers and continuous observations, La Mudra was able to surpass the timeline. Immediately, na-rehab siya for physical therapy. Unti-unti ang kanyang improvement. After almost 2 weeks of being in the hospital, she was finally discharged.

Right now, continuous ang kanyang medication and dialysis. Next week, she will have her first blood transfusion. Bumaba ang kanyang hemoglobin which resulted to vomiting and muscle weakness.

This experience made me change the way I see love for my mom. I needed to be strong for her. I still want her to experience how beautiful life is and I'll do whatever it takes to extend her life for 10, 20 or 30 more years. With our prayers, I know La Mudra will surpass this.

Precious moments with La Mudra through the years
At kung buhay pa ang inyong mga magulang, 'wag mahihiyang iparamdam at ipakita sa kanila kung gaano sila kahalaga sa buhay niyo. Hug and kiss them everyday. Tell how much you love them. Be affectionate and show appreciation on whatever they do for you. And never ever take them for granted.

I'm glad to be back! I have lots of stories for you, mga ateng. Mwah mwah!