Pila Balde (1999)
Good Harvest Production
Directed by Jeffrey Jeturian
Written by Armando Lao
Starring Ana Capri, Harold Pineda and Marcus Madrigal
Si Gina (Capri) ay isang tindera ng maruya na nais makahanap ng lalaking mag-aahon sa kinasasadlakan niyang kahirapan. Hindi naman siya ambisyosa pero ayaw lang niya matulad sa kanyang ina na nakapangasawa ng isang kahig isang tuka. Namatay ito sa panganganak samantalang sa likod ng rehas nagpapalipas ng oras ang tatay niya dahil sa kasong pagnanakaw. Kasama niya sa buhay sina lola't dalawang shupatemba.
"Nung namatay ang lola, parang bigla akong naligaw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, 'di ko alam kung kanino ako sasandal." |
Hayag ang damdamin ni Nonoy (Madrigal) para sa kanya ngunit hindi niya ito magustuhan dahil sa purita mirasol din 'to. Si Jimboy (Pineda) na kabarkada nito ang type niya. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, nais lamang pala nitong tikman ang kanyang nektar. Na-delay siya ng dalawang buwan pero 'di siya pinanagutan. In the end, nakunan ang byuti niya at sila ni Nonoy ang nagkatuluyan.
Ang sarap panoorin ng pelikulang ito lalo na't ang mga Chika-Chika boys na sina Marcus Madrigal at Harold Pineda ang siyang nagsilbing love interest ng bida. May ibubuga naman pala sa aktingan si Marcus sayang at hindi nag-blossom ang career niya. Hindi rin nakapagtataka kung bakit nakasungkit ng best actress award si Ms. Capri dahil mahusay ang pagganap niya.
Siya ngayon ay napapanood bilang isang guro at ina ng babeng bida sa One True Love ng Kapuso Network.
saan ba tau mkaakapanood ng pila balde?
ReplyDelete