Ang inakala kong saglit na pag-ulan kagabi ay nagtagal ng ilang oras na nagpasaya ng aking puso. Ewan ko ba mga ateng pero iba talaga ang happiness ko kapag naririnig ang mga patak ng ulan. Unexpected din ito dahil buwan ng Abril, kalagitnaan ng tag-araw. Medyo lumamig ang panahon kaya napasarap ang ating mga borlogs.
May nakita akong video sa Twitter kung saan tambak ang tao sa daan habang naghihintay ng masasakyan. Balik-opisina na kasi ang karamihan sa atin lalo na ang mga dating naka-work from home na BPO employees. Dahil hindi pa ibinabalik ang dating ruta ng mga bus sa EDSA at ang ibang jeepney ay hindi pa rin nakakabyahe tulad ng dati, putul-putol tuloy ang byahe ng mga komyuter. Imbes na isang sakay lang, nadodoble pa. Bababa, maglalakad papuntang terminal, at pipila ulit na kakain ng panibagong oras. Ano na lang ang matitira sa atin niyan? Kahit umalis tayo ng maaga, kung hindi epektibo ang sistema ng transportasyon, wala rin. Palibhasa itong mga nakaupo sa pamahalaan eh hindi nararanasan ang sumakay araw-araw. Mga nakatsikot, kumportable sa malamig at hindi siksikang sasakyan.
Kung nasa byahe man kayo ngayon, tara't pakialaman natin ang buhay ng isang virgin wife. Bakit kaya siya birhen kung may asawa na? Dalawang issue lang ang meron ako pero nakakaintriga ang kwento huh! At nasa cover pa sina Shintaro Valdes at Matthew Mendoza. SYET! Nag-wet ang tilapya ko! Hanggang ngayon talaga crush ko si Sir Matt. Sir Matt daw, oooohhhh???
Bedtime Stories April 25, 1996 Taon 1 Blg. 14 Sonic Triangle Publishing, Inc. |
No comments:
Post a Comment