Sunday, April 3, 2022

Sumuko

Shakira ako habang nasa kahera noong isang araw dahil daks ang minahal ng ibang produkto na madalas kong bilhin. For example, 'yung Maya hotcake na 34 pesos lang dati ay halos mag-47 na. At ang malala, itong Dove Dermacare Shampoo na 240 plus lang noon, naging 307 na. Kwento nga ng kahera, pati gatas na pang-baby ay ang laki ng itinaas. KALOKA! Sa tanang buhay ko bilang isang mamimili, sa panahon lang ni PDutz ko naranasan ang price increase na sampu hanggang singkwenta pesos. Ni hindi man lang dos o tres ang dagdag. 

Napadaan naman ako sa mall kahapon at parang back to pre-pandemic days na sa dami ng utaw. Buti na lang at naka-facemask lahat. Hopefully hindi mangyari sa atin ang kasalukuyang nangyayari sa China, Hong Kong at Korea na biglang taas ng mga kaso ng COVID-19. Observe health protocols pa rin, mga ateng.

And while we are having a relaxing Sunday, basahin natin ang istorya ng pag-iibigan nina Fidel at Rose na lumabas sa mga pahina ng Kiss Komiks. Nawa'y maging inspirasyon natin sila upang hindi sumuko sa true love...

Kiss Komiks
Mayo 9, 1996
Taon 1 Blg. 37
Sonic Triangle Publishing, Inc.
Tulad Nati'y Isang Ibon
Nobela ni Isagani M. Mateo
Guhit ni Jose Martin Jr.

No comments:

Post a Comment