Thursday, April 14, 2022

Pinarusahan

Wala palang MRT kahapon kaya kawawa ang mga komyuter dahil walang masakyan. Huling araw bago gunitain ang Semana Santa pero tila ba pinarusahan pa tayo ng gobyerno. As far as I can remember, walang biyahe ang mga tren mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday. So bakit maaga ng one day this year? Mabuti sana kung katulad ng dati ang bus system sa EDSA. Eh limitado lang ang number of buses na pwedeng bumiyahe sa EDSA Carousel bilang isang lane lang 'yan. Ang hirap pa sumakay dahil kailangan mong umakyat ng MRT station o overpass para makarating sa bus stop. Not friendly sa mga senior citizens at PWDs. Hay, sana manalo si Leni para maayos 'yan. Sure ako diyan!

Sana ay nakauwi na ang karamihan sa inyo at nagpapahinga na ngayon. Deserve niyo ang holiday break na 'to. Basahin na rin natin ang mahiwagang love story nina Ruel at Martika na sinulat ni Mars Alvir at ginuhit ni Rodman...

Paniniwala't Pag-ibig
Aliwan Komiks
Hulyo 6, 1997
Taon 35 Blg. 2269
Graphic Arts Services, Inc.

No comments:

Post a Comment