Saturday, April 2, 2022

Tumatak

Summer na talaga! Ramdam na ramdam ang paghahari ng araw at alingasaw ng kalsada. Although umulan kahapon which is rare kapag Abril na. Sana mas dumalas pa ang pagpatak para naman makadagdag sa tubig sa mga dam. Ang hirap mawalan ng tubig kapag tag-init. KALOKA!

Painit nang painit na rin ang campaign season. Pabonggahan ng drone shots ang dalawang malapit na magkatunggali pero 'di ko maalis sa isip ko bakit ang baba ng resolution ng mga uploads ng isang partido. Ni hindi mo mai-zoom kasi magiging pixelated na. Halata din ang pagkakapareho ng ibang anggulo pero hindi ang hirap patunayan dahil sa resolution ng litrato. Sa panahon ng FHD, parang kuha sa Nokia 7650 ang picture nila. CHAR!

Bukod sa sorties, mag-house to house na rin ang mga volunteers ni VP Leni Robredo para todong makapag-convert ng mga botante. Effective ito lalo na hindi lahat ay may access sa social media. Nagbabalik din ang komiks which makes me very happy. Naalala ko pa noong 1992, ang daming ganito na pinamimigay at tumatak sa isipan ko ang komiks ni Ramon Mitra Jr.

Nitong nakaraang weekend, nakapag-scan ako ng komiks at nakapag-restore ng ilang cover at nobela. Let me share this special restoration I made dahil heavily damaged na ang kopya ko. I never thought na maayos ko pa ang cover but I'm so proud na nadiscover ko ang Curves sa Photoshop na nagpadali ng aking editing life. Heto ang unang labas Narito Ako, Hatulan Mo, nobela ni Gilda Olvidado at guhit ni Joey D. Celerio...

Narito Ako, Hatulan Mo
Tagalog Klasiks
Setyembre 4, 1997
Taon 48 Blg. 2315
Atlas Publishing Co., Inc.

No comments:

Post a Comment