Saturday, April 9, 2022

Balak

Finally, weekend na! KONGRACHULEYSHONS mga ateng at na-survive muli natin ang isang linggo ng pagkayod. We deserve a good weekend! May balak ba kayo? Dagsa daw ang tao sa Cebu at Boracay dahil Holy Week na rin. Mga na-deprive sa travel gawa ng lockdown kaya all-out sa pag-book kung saan-saan. Bet ko din sana mag-beach pero 'yung murriah carey lang at hindi matatagtag sa biyahe ang byuti natin. Batangas kaya, La Union o Batanes?

SKL, two weeks ago ay nagkaroon ako ng UTI o urinary track infection. Unang beses kong makaranas ng sobrang sakit na pag-ihi. Tapos ang labo ng weewee ko. Agad akong nagpabili ng buko juice at rumampa sa ospital para matingnan ng doktora. Isang oras matapos maghintay ng resulta ng urinalysis, certified UTI ang sakit ko. Tinanong nga ako kung active daw ba ang aking sexual life. Hindi naman ako nahiyang sabihin na 'sing tagal na ng lockdown ang dry season ko. STD levels na yata sa sobrang taas ng impeksyon. Agad akong niresetahan ng antibiotic na salamat na lang at may generic version. Hindi masyadong nabutas ang butas ko ng bulsa. CHOS! So far, maayos na ang lagay ko pero bawas muna sa maanghang at maalat na foods. More water at less concentrated drinks.

Silahis Komiks
Enero 26, 1997
Taon 1 Blg. 10
Graphic Arts Services, Inc.
Madami-dami pa itong mga restored komiks na nagawa ko at next itong Silahis Komiks with Yorme Isko on the cover. Isa sa pinaka-challenging ay kapag litrato ng artista ang nasa cover at hindi glossy paper ang ginamit. Mas mabilis mag-degrade ang image at iba ang atake para ma-adjust ang color at vibrance.

Halikayo't basahin natin ang masalimuot na love life ni Larry. Magsilbi sanang aral at 'wag sanang mangyari sa atin...

Bahay na Bato
Story by Arman Francisco
Art by Mar P. Servicio

No comments:

Post a Comment