Wednesday, April 20, 2022

Pahapyaw

Hindi ko naman masisisi kung bakit matitigas ang bungo ng millennials pagdating sa mga Marcos. Malandi man ako noong nag-aaral pa ako, natatandaan ko na pahapyaw lang ang diskusyon sa mga ginawang kabalbalan nila. Although mas maraming silang pages sa libro ng HeKaSi (Sibika at Kultura noong elementary tapos naging HeKaSi na naging Social Studies noong high school) kumpara sa ibang presidente, wala masyadong depth at hindi nakapag-focus sa mga biktima ng martial law, mga utang, at pagnanakaw na hanggang ngayon ay binabayaran natin. Walang intensity ganooon! I'm not claiming na ganito sa lahat ng paaralan huh!

Kung tatanungin mo ako 10 years ago kung ano opinyon ko tungkol sa kanila, malayong-malayo sa sasabihin ko ngayon. Salamat na lang at maraming tumitindig ngayon at may mga credible sources na available online para imulat ang nakapikit kong mga mata dati. Actually hindi nakapikit, nakatingin sa corridor hinihintay dumaan si crush. CHAR!

Sisisihin ko ba ang titser ko, ang libro, DECS (yes, hindi pa DepEd ang tawag noon) o ang gobyerno? Hindi na siguro mahalaga 'yan. Ang dapat pagtuunan ng pansin ay kung paano maitatama ang mga butas ng nakaraan. Paano 'yan? Iboto ang nararapat, 'yung may malinis na record, hindi magnanakaw at hindi ginagawang negosyo ang pulitika. Sino yan? Let me introduce...


SA GOBYERNONG TAPAT,
ANGAT BUHAY LAHAT!

3 comments:

  1. Nakakaba Bb. Melanie. Grabe yung anxiety habang papalapit ang eleksyon. Di alam ng iba ang kamalasang naghihintay sa bansa natin pag yang jr ang nanalo. Sana challenge lang to ni Lord at ang Madam Leni at mga kakampi niya manalo.

    ReplyDelete
  2. Talo si Leni sa Sumilao. Si Bongbong Marcos ang nanalo roon. Malaki ang lamang. Sana magkaroon tao ng revolution of values at masala na ng maya's ang information sa social media.

    ReplyDelete
  3. talo si Leni sa Sumilao. huhu. anong nangyari? baka hindi nagresonate yung mga nagawa niye para sa mga sumilao farmers? Ewan ko na.

    ReplyDelete