Friday, September 16, 2022

Restoration Project #12: Takot ay Nasa Isip Lamang

Takot ay Nasa Isip Lamang
Sinulat ni Jerry D. Jarapa
Guhit ni Bert Lopez
Tagalog Klasiks
Setyembre 4, 1997
Taon 48 Blg. 2315
Atlas Publishing Co., Inc.

Monday, September 12, 2022

Pwesto 3.0

Narito ang third installment ng ating Pwesto series. Lakas maka-Lord of the Rings, de vaahhh? Gumora akiz kahapon sa Fisher Mall para mamili sa PolyEast Records kiosk.

Unang kong napansin ang papag ng CDs worth tweni to fifty peysos. OMG! It's back! Bigla kong na-miss ang yearly sale sa Universal Records building noong early to mid-2010s (Adik, Agawan).

Selected foreign and OPM albums are available for an affordable price. Merong Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Christian Bautista, Jessa Zaragoza, Parokya ni Edgar, Pops Fernandez, Karylle, Jonalyn Viray, Martin Nievera, Gary Valenciano at kumpleto yata ang discography dito ni Jose Mari Chan.

Aside from CDs, makakabili din dito ng vinyl records worth ₱1,900. Very nostalgic itong cover ng Retro album ni Regine at Maligayang Pasko ni Joey Albert. Sana magkaroon pa ng CD version.

At dahil BER months na, maraming Christmas albums na pagpipilian, mapa-Tagalog man o English 'yan. Personal fave ko ang Pamasko ng mga Bituin, Salubungin ang Pasko at My First Christmas Album ni Kuh Ledesma. Very nostalgic kapag pinatutugtog!

PolyEast Records kiosk is located at the ground floor of Fisher Mall, QC, in front of McDonald's. Kung nasa malayo kang lugar, don't worry dahil may Lazada store sila.

Patuloy nating suportahan ang mga nalalabing record stores sa Pinas para patuloy silang gumawa at magbenta ng makokolekta natin.

Thursday, September 8, 2022

Macho Dancer 4.0: Burlesk King

Isa sa pinaka-iconic na '90s movies para sa akin ang Burlesk King nina Rodel Velayo, Nini Jacinto at Leonardo Litton. Katorse pa lang akiz nang ipalabas 'yan sa mga sinehan. Dahil may gatas pa sa labi, hanggang showbiz talk shows at diyaryo lang pwedeng ma-update tungkol sa pelikula. May rasyon kami ng Abante tuwing umaga noon at doon ko binabasa ang mga nakakakiliting artikulo ng mga bida. Pare-parehong introducing ang tatlo although aktriz na si Nini noon sa ngalang Apples Zuñiga.

Clasikong Collection ni LL
Unang kita ko pa lang kay Leonardo Litton, alam ko nang siya ang mamahalin ko forever. Tumibok-tibok ang sariwa kong tilapya sa mga seksi photos niya lalo na ang mga magasin kung saan siya ang cover. Madalas na nakasipit 'yan sa itaas ng newsstands. Tila ba ika'y hinahalina, inaakit, tinutuksong bilhin. Pero hanggang tingin lang ang kaya ko noon dahil hindi kasya ang bente pesos kong baon kada araw. Kapresyo na ng Chika-Chika, walang extra-extra pambili. 

College na ako nang ilabas ng Video Flick Productions, Inc. ang VCD copy ng pelikula. Sa kahabaan ng Hidalgo Street sa Quiapo ko nabili ang pekeng kopya. Nasa dilaw na plastic case sa halagang 35 pesosesoses! Nang makapagtrabaho, saka na ako bumili ng original copy. Matapos ang ilang taon, umangkat ako ng DVD copy mula France para mas malinaw kong makita ang kakisigan ni LL. CHAR!

Halikayo't balikan natin ang kanilang kwento...

DVD copy from France
Burlesk King (1999)
Seiko Films
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Rodel Velayo, Leonardo Litton, Nini Jacinto, Elizabeth Oropesa, Joel Lamangan, Raymond Bagatsing, and Cherry Pie Picache

Laking 'Gapo sina Harry (Velayo) at James (Litton). Bantay sila sa isang pasugalan nang masangkot sa isang gulo. Lumuwas sila ng Maynila at pumasok sa bar ni Mama Odette (Lamangan). 'Di tulad ni James, hindi nagpapa-take home si Harry at ayaw niya sa mga Amerikanong customer dahil naaalala niya ang pagmamalupit ng tatay niya sa kanila ng kanyang nanay. Nakilala niya sa bar si Mario (Bagatsing) na isang pocketbook writer. Bagong hiwalay sa jowa at nangangailangan ng kausap. Mula noon, naging magkaibigan na sila.

Gustung-gustong magkaanak ni Brenda
Pauwi na si Brenda (Jacinto) nang madaanan niya si Harry. Inaya ng 'short time' pero waley anda ang otoko at yosi na lang ang ini-offer. Na-love at first sight ang otoko sa alindog niya kaya may I dalaw sa bar na pinagtatrabahuhan with matching flowers. Konting eme-eme lang at naging sila.

Mula sa pagiging GRO, nahikayat maging macho dancer si Harry. Naging instant hit, mapa-matrona man o bading na customer. Nagsimula na rin mag-live in ang dalawa at naging mag-partner sa kaputahan. Samantala, binalikan ng mga nakaaway nila sa 'Gapo si James at napuruhan. Sobrang naapektuhan si Harry dahil wala siyang nagawa para sa kaibigan.

The shocking threesome live show
Sa tulong ni Mario, natagpuan ni Harry ang tatay niya at binalak patayin para ipaghiganti ang ina. Nalaman niya na malubha na ang sakit nitong AIDS at buhay pa pala ang kanyang ina (Oropesa). Hinanap niya ito at nakitang nagtatrabaho bilang isang puta. Akala pa nga noong una ay customer siya. Kaloka that part! Isinaman niya ito sa tinitirhan nila ni Brenda. Napagdesisyonan niyang sumali sa annual Burlesk King contest at nanalo. Kinuha nila ang tatay niya sa squatters area and they lived happily ever after.

Sa lahat ng macho dancer-themed Pinoy movie, eto talaga ang todong paborito ko. May tamang timpla ng drama, action at kaseksihan. Mas mapangahas pa nga daw ang uncut version nito pero na-chop-chop ni Manay Armida ng MTRCB. Sana buhay pa ang negatives nang ma-restore, 'di ba?

VCD copy from Video Flick
Kung aktingan ang pag-uusapan, parehong bubot pa sina Rodel at Leonardo although mas angat ang huli. Pero kung ikukumpara mo sa mga baguhan ngayon, aba, pwede na silang pang-best actor 'noh! Aliw naman panoorin si Nini and her iconic wigangga. Bet na bet ko ang bangs! Aside from their characters, tumatak din ang role ni Cherry Pie Picache bilang isang lesbiyana.

Dahil nauuso ang mga restoration ng mga lumang pelikulang Pilipino, sana magkaroon ng tsansa ang bagong henerasyon ng LGBTQIA+ community na ma-appreciate ang Burlesk King. Isa ito sa pinaka-importanteng pelikula na humubog sa kamalayan ng Pinoy LGBTQIA+.

Rating: 5/5 stars

Monday, September 5, 2022

Malayuan

Patulog na ako and while scrolling Instagram, nag-play ang August ni ateng Taylor Swift. Hindi ako masyadong familiar sa Folklore album. I think the only time I heard the album was during the release day. Hindi ko na binalikan. Anyways, nagandahan ako sa tunog kaya pinakinggan ko sa YouTube ang kabuuan at binasa ang mga comments. SHUTA! Para akong sinasaksak habang nakikinig at nagbabasa. Pero dito talaga ako nakarelate...
       "August is for those who love too hard and get their heart broken easily; those who love people from afar; those that are hopeless but also hopeful; those that love to read books and fantasize about romance..."

Naalala ko ang mga otokong secretly ay minahal pero hindi nagkalakas ng loob aminin. Na tingnan sila sa malayuan habang nakikipag-usap sa iba. Na sana ako 'yon. Na kiligin kapag kasabay sila sa elevator. Na mangarap nang gising na bet rin nila ako pero alam kong hindi naman. Na hanggang sa pangarap lang sila dahil sino ba ako para pag-interesan nila. Na makita silang masaya sa piling ng iba.

For the hope of it all
For the hope of it all...


Sunday, September 4, 2022

Pwesto 2.0

Bilang physical media collector, ang hirap na makahanap ng tindahan na nagbebenta ng CDs at DVDs sa Pilipinas. Matagal nang wala ang OG Astroplus, Odyssey, Astrovision, Radio City, Video City at SM Record Bar. Although maraming online seller, mas masarap pa rin makita ng personal ang item bago bilhin. Makakapamili at makikilatis nang maigi lalo na sa maaarte tulad ko. Ganda ko kasi eh. CHAR!

Sa ngayon, tatlong shop ang madalas kong puntahan kapag kinakati akong mamili - ang PolyEast Records kiosk sa Fishermall, ang stall ni Mang Greg sa Cartimar, Recto na nai-blog na natin dito, at ang CDs Atbp. na nakapwesto sa may Libertad, Pasay. 

Taong 2017 nang una akong bumili dito ng live album ni Faith Cuneta sa halagang 150 pesos. Simula noon, nagsunud-sunod na ang pamimili ko. Bukod sa CDs at DVDs, meron din ditong Blu-ray discs, vinyl at cassette tape. From foreign to local, wide range ang pagpipilian. Kung suswertihin, makakatsamba ka ng rare item. May mga merch din at magazines na pwedeng mabili. Isa pang maganda dito ay hindi ka mamumulubi sa presyo. May iba kasing seller na akala yata eh ginto ang tinda nila. KALOKA!

Si Drake Gonzales ang may-ari ng shop na dating nakapag-trabaho sa record bars kaya pamilyar siya sa mga hilig ng customers. Super bait at approachable pa! Hindi rin problema ang malalayong customers dahil pwede niyang i-ship ang orders. 


CDs Atbp.
is located at 2F Welcome Plaza Mall in Libertad, Pasay. It's between Paddock's and Healing Galing. You can check the items available through their official Facebook page.

Thursday, September 1, 2022

Ginisa

MERRY CHRISTMAS, MGA ATENG! September 1 will always be one of my favourite days of the year dahil eto na ang simula ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Pilipinas. Naka-ready na ang mga Christmas CDs para patugtugin habang nagtatrabaho.


I hope this year is extra special and extravagant compare to last year bilang mas maluwag na (hindi ang kipay ko) kundi ang COVID-19 restrictions. Just make sure that we follow the basic protocols and of course, dagdagan ang laban sa pamamagitan ng bakuna. I'm thankful na boosted akiz nang tamaan ako ni covida for the second time around nitong Hulyo. The symptoms were similar pero hindi kasing lala 'di tulad noong una akong tinamaan. I'm planning to get my 2nd booster shot this month. Sana kayo rin. Sayang ang bakuna kung mapapanis lang.

Dalawang buwan din akong walang entry bilang kailangan kong ipahinga ang puso kong nadurog nang hindi manalo si VP Leni. I was kinda lost and uninspired but I'm glad we're on the path to recovery. Not fully healed but we'll get there.

Namalengke ako kanina at talaga namang mapapailing ka sa mahal ng mga bilihin. Hindi lang piso o limang piso ang dagdag, sampung piso pataas pa. Palengke price pa 'yan huh! Paano pa sa mga de-aircon na pamilihan? Tapos may shortage pa ng asukal, asin, sibuyas, at bawang. 'Yung pinaka kailangan pagdating sa ginisa eh nagsisipagwalaan. Ano, Ginisa Mix na ba ang gagamitin natin? CHAR! Binalita din na magtatas ng presyo ang bigas. Unli increase ba ito? Samantalang ang mga sahod eh pareho pa rin. Saan pupulutin ang mga byuti natin?

We don't know what's gonna happen next but I hope we don't forget to smile and think this too shall pass... after 6 years. CHOS!