Ang PINAKAMALAKING icon ng 'sangkabaklaan ay nagbabalik sa music scene. Hindi man ako ang biggest fan ni Madonna, love ko naman ang kanyang music na palaging bago sa pandinig. Winerva kaagad siya sa kanyang comeback dahil isang Golden Globe award lang naman ang napanalunan niya last month. Ito ay para sa kantang ginawa niya sa pelikulang W.E. na siya rin ang sumulat at nagdirek.
She's now under a new record label at MDNA ang title ng kanyang album. Next month pa 'yan mare-release pero zoom in agad sa number 1 spot ng iTunes chart ang pre-order sa kopya nito. Bongga talaga si Queen of Pop.
Kalalabas lang kanina ng music video ng kanyang first single Give Me All Your Luvin' at whooooping 1.6 million agad ang YouTube views (habang ginagawa ko ang entry na 'to). Kahit na mahigit singkwenta aƱos na, looking fresh pa din si madir. Tek a luk ma mon luk...
Saturday, February 4, 2012
Not One, Not Two
Bumawi ang Mega Magazine sa kanilang cover for this month's edition. Marami yatang na-chakahan sa January 2012 cover nila (including me) kaya tinodo na nila this time. This is also their 20th anniversary issue. Not one, not two but three different cover girls ang meron sila this month. SHALA!
Una diyan ang idol ko na si Judy Ann Santos. Halos wala pang dalawang taon simula nang iluwal niya sa mundo si Lucho pero look naman at her figure, sexy na agad. Nagre-reflect oustide kung gaano siya kasaya sa kanyang married life with Papa Ryan. I think all the mothers should be like her.
Sweet tigress ang concept ng cover shoot ni Kim Chiu. Girl na girl in fenk colors and tiger prints. As usual, fayatolla ever ang kanyang wankata na perfekta sa mga ganitong fashion mags.
Hindi nagpakabog si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang bonggang hindi-ko-alam-na-prints on cover. Refreshing din tingnan na ibang kulay ang suot niya at hindi itim. And look at her eyes, parang sinasabing 'mayaman ako'. Kailangan ma-achib ko ang ganyang stare. Pag-aaralan ko 'yan. CHOS!
Friday, February 3, 2012
Rason
Dalawa na ang rason ko para manood ng Glee every week...
![]() |
| Grant Gustin (Sebastian) and Darren Criss (Blaine) |
Etsapwera na si Kurt. CHAREEENG!
Emotional
![]() |
| Me and my office friends |
Sa kahit anong kumpanya naman, survival of the fittest yata especially sa line of work ko. Traumatic lang kasi this is like the second or third time na na-feel ko 'to. Walang stability. Any moment pwedeng mawala. You don't know kung may trabaho ka pa tomorrow or sa mga susunod na araw. Then paranoia eats you.
Lilipas din ang sadness na 'to... soon.
Thursday, February 2, 2012
Papak
Pebrero na. Kapag naririnig 'yan ng ilan nating shupatemba, todong pressure ang nararamdaman nila sa darating na V Day. Naaalala ko tuloy noong elementary days ko, gumugupit kami ng mga classmates ko ng puso sa pulang art paper tapos ididikit namin sa ibabaw ng itinuping oslo paper. Patalbugan ng bonggang designs tsaka maglalagay ng dedication sa parents. Pagdating ng high school, kay crush na pinapadala ang self-made card with matching isang stem ng rose na nabibili sa labas ng school gate. May kasamang tsokolate kapag may extrang anju. ANG TAMIS!
Pero ngayong may mga bolivia na tayo, iba na ang dating ng araw na 'yan. Kapag may jowa, masaya siyempre. Pero kapag waley, parang All Souls Day ang Feb. 14. ARAAAYYY!!! Buti pa si PNoy, handa sa darating na araw ng mga puso. Naka-jackpot kay Grace Lee na saksakan ng ganda.
May ilang araw pa naman before the Vig DAY at bago sana dumating 'yan, wish ko lang may mahagilap akong putahe na ubod ng sarap at willing magpapapak. Kahit man lang isa sa kanila pwede na...
![]() |
| Cris Lomotan and June Macasaet |
Uma-Anne Curtis ako sa pagka-AMBISYOSA!
*Last image courtesy of Paul Cortes Photography
Monday, January 30, 2012
Unang libro
Currently re-reading my first-ever book about gay life...
...at malapit ko nang matapos basahin. ☹
Nasaan na kaya siya?
...at malapit ko nang matapos basahin. ☹
Nasaan na kaya siya?
Sunday, January 29, 2012
Dakdakan
Dalawang linggo nang dinidinig sa senado ang impeachment case in Chief Justice Renato Corona. Hindi ko sinubaybayan ang unang linggo dahil ang boring ng bangayan nina Tupas at Cuevas. Nagkaroon lang ng kulay nang magbalik si Sen. Miriam Defensor-Santiago at dakdakan ang dalawang panig.
Ang kupad naman kasi ng usad ng trial. Magsasalita ang prosekusyon, magpe-presinta ng ebidensya, aalmahan ng depensa at dadaanin sa technicality. Sa totoo lang, chill lang ang defense team samantalang parang atat to the highest level ang prosecution. Nakakaubos ng energy ang ginagawa ni Atty. Arthur Lim sa kaka-"please your honor, let me achoo choo choo ekla boo".
Sa tuwing matatapos ang araw sa senado, laging tinatanong ng mga reporters kung sino ang nakalamang sa prosekusyon at depensa. Siyempre, kanya kanyang claim 'yan pero kung ako ang tatanungin, lamang yata ang depensa. 'Yan ay base lang naman sa aking obserbasyon at baka ma-technical din ako dito. Hehehe...
Mahaba pa ang lalakbayin ng trial na itech at habang tayo ay naiinip sa kung ano ang kahihinatnan nito, let's look at the brighter side. Kilig keps ako sa tuwing nakikita ko siyang iniinterview sa TV...
Kahit medyo may edad na eh mukhang masarap pa rin de vaaahhh?!
*Images courtesy of sunstar.com.ph and miroquimbo.com

| Rep. Miro Quimbo |
*Images courtesy of sunstar.com.ph and miroquimbo.com
Subscribe to:
Posts (Atom)