Long overdue na itong review ko sa pelikulang
Ibilanggo Si Neneng Magtanggol ni
Superstar Nora Aunor. Orig ang nabayla kong VCD sa
Astroplus worth seventy payb peysos kaya I'm so proud of this. Wala din akong nakitang pirated nito. Malamang 'di pa nadidiskubre ng mga pirata.
Ibilanggo Si Neneng Magtanggol (1977)
Margarita Film Productions
Directed by Tito C. Sanchez
Screenplay by Mauro Gia Samonte
Starring Nora Aunor, Nick Romano, Brenda Del Rio and Charlie Davao
Kwentong mayaman laban sa purita. Lumuwas si
Neneng (Aunor) sa Maynila para makipagsapalaran nang matulungan ang pamilya sa probinsya. Napunta siya sa ahensya ni
Matchay kung saan madami silang waiting list sa mga among naghahanap ng kasambahay. Natagalan man eh nakakuha rin siya ng trabaho bilang bonggang yaya ng anak ni
Mr. Palanca (Davao).
 |
| La Aunor as Neneng Magtanggol |
Lider ng unyon si
Magtanggol (Romano) at siya'y walang havs na sinesante ni Mr. Palanca sa trabaho. Sa pagnanais na maresolba ang isyu, pinuntahan niya sa bahay ang amo at dito nakilala si Neneng. Love at first sight sa kalsada ang drama. Nadamay sila sa pangingidnap sa anak ng amo nila at sila ang itinurong kidnapers. Nakulong si Neneng at nakatakas si Magtanggol. Pero dahil sa nagmamahalan sila, ginawa ni lalake ang lahat para maitakas ang minamahal. Ayun, nabaril tuloy siya sa ending. 'Di naman masyadong tragic ang ending kasi napawalang sala si babae.
Unlike sa iba niyang pelikula, dalawa sila ni
Nick Romano na bida dito. Parehas ang laban pagdating sa aktingan isama mo pa ang kontrabidang si
Charlie Davao. Pinakamabigat na eksena dito eh nung narinig ni Neneng sa radyo na namatay ang kanyang ina.
"INAAAYYY!!!" hiyaw ni Ate Guy. Ramdam mo agad ang todong hinagpis niya bilang si Neneng.
PANALO!
Rating: 3/5 stars