Thursday, September 17, 2020

Resistensya

Simula nang ma-lockdown tayo, madami ang nag-panic buying ng alcohol at vitamins para iwas virus at palakasin ang resistensya. Ending, nagkaroon ng shortage sa supply sa taas ng demand. Apektado kasi ang produksyon dahil konti lang ang pwedeng pumasok sa kani-kanilang mga trabaho. Mga bandang June or July na lang yata unti-unting nareplenish ang stocks at nagkaroon ng inflation. 'Yung dating Ascorbic Acid ng Watsons na 100+ pesos lang ang isang box ay naging lagpas 200 na. KALOKA!

Luckily, Puritan's Pride gave us two of their best-selling products to try - Hydrolyzed Collagen and C-500mg with Bioflavonoids and Wild Rose Hips. Na-try ko na dati 'yung Hair, Skin & Nails collagen formula nila at naging maganda naman ang epekto. Infairness sa kanila, hindi kamahalan compare sa ibang over-the-counter products. They also have a wide selection of food supplements na pwedeng pagpilian depende sa pangangailangan ng ating katawan. I recently purchased Melatonin to help me get a better sleep bilang iba ang body clock ko due to work. 

Ingat lang tayo at madaming nagkalat na nagbebenta ng fake products. Imbes na mapabuti ang lagay natin, baka mapasama pa. Always look for that LazMall or ShopeeMall brand on their logo para sure na authentic ang mabili.

Wednesday, September 16, 2020

Andar

Simula noong Marso, ngayong buwan lang ulit ako nakasakay ng MRT para pumunta sa tindahan ng CDs atbp. na nasa Libertad, Pasay. Wala pa rin pinagbago dahil kahit kokonti lang kaming sakay eh makupad pa kay Pong Pagong ang andar. Kailan ba ito maa-upgrade? KALOKA! Anyways, nagpunta ako sa Libertad para mamili ng DVDs na mapapanood. Nangongolekta pa rin kasi ang byuti ko kahit umaariba na ngayon ang Netflix, HBO Go, iFlix at iba pang streaming services. Heto ang isa sa mga nabili ko...

Tutok (2009)
CBC Productions
Story and Directed by Joven Tan
Starring Emilio Garcia, Allen Dizon, Ian De Leon and introducing Raymond Cabral

Si Roman (Garcia) ay nangangarap maging sikat na reporter at para makamit ang ambisyon, kailangan niyang makakuha ang exclusive interview kay Ka Rolan (De Leon) na isang lider ng mga rebelde. Kasama si Zaldy (Dizon) na kumpare at cameraman niya, pinuntahin nila ang kuta ng mga rebelde. Marami silang natuklasan at isa na rito ang bookingera pala si Ka Rolan. May taste naman siya dahil yummy si Lito (Cabral).

Nalaman ni Ka Rolan kay Mr. Delgado (Lloyd Samartino) na hindi pala padala ng network si Roman. Naimbey si mamshie at dito na pinarusahan ang dalawa. Inuring niya si Roman habang vini-videohan ni Zaldy. Ang exclusive interview ay naging sex scandal. CHAR! In the end, namatay si Roman at nakaligtas si Zaldy pero nagkaroon ng mental health issues dahil sa trauma.

Raymond Cabral

Actually, mas keri pa ang production ng Magpakailanman kaysa sa pelikulang ito. Feel na feel mong tinipid lalo na parang kartolina lang 'yung ginamit sa lapida. Ang cringey din ng linyahan at hindi natural. Paulit-ulit ang "putang ina" para masabing intense ang eksena. Saving grace ng pelikula ang mga artista lalo na si Boots Anson-Roa kaya 1 star sa kanya. The other star came from Raymond Cabral. Inaabangan ko talaga siyang lumabas. May pasabog pa siya bago mag-ending. Ayun, sumabog din ang pantog ko. CHOS!

Rating: 2/5 stars

Tuesday, September 15, 2020

Las Opiniónes 2.0

6th monthsary na natin under quarantine, buhay pa ba kayo? JUICE KOH! Hindi na yata mapupuksa ng gobyerno ang COVID-19 at parang si Juan Tamad lang na nag-aantay mabiyayaan ng bakuna. Samantalang ang karatig-bansa natin eh buma-back to normal na. May puma-party na nga sa Thailand. Dito sa atin, kyorkot pa rin lumabas lalo na ang bumooking. Mamaya mabuking sa contact tracing na dahil sa kalandian kaya nahawa. CHAR!

Kudaan muna natin ang ilan sa mahahalagang isyu ng bayan...

Photo from CNN Philippines
1. Sa panahon talaga ng pandemya naisip ng DENR na maglagay ng white sand o dolomite sa Manila Bay. Pwede na bang mamasyal ngayon para i-enjoy 'yan? I'm sure na katakot-takot na pera ang nawaldas at nabulsa para lang dalhin 'yan mula Cebu pa-Maynila. Mga ma'am at ser, paalala ko lang na maraming nagugutom at nawalan ng trabaho. Baka pwede niyo kaming unahin.

Eto pa, pinagmamalaki nila na malinis na daw ang Manila Bay. Mga gagang 'to! Kahit anong hakot mo ng basura diyan, mabaho at marumi pa rin 'yan. Malilinis lang 'yan kung 'yung pinanggagalingan ay malinis na din.

Photo from Inquirer
2. May bagong pakulo ang DOTr simula kahapon. Every 2 weeks daw ay liliit ang physical distancing rule. From one meter ay magiging 0.75 meters then 0.5 meters hanggang sa maging 0.3 meters sa October 12. Request daw 'yan ng madlang pipol dahil sa pagbubukas ng ekonomiya. Ang payo ng mga eksperto, I mean medical practioners, ay sundin pa rin ang isang metrong layo kasi hindi pa naman nafa-flatten ang curve ni Manay Rona. Nandiyan pa rin siya at kailan lang ay halos limang libo ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw. Kaya mga ateng, ang payo ko eh the farther, the better. Mahirap itaya ang buhay kaya maigi na mag-ingat.

Photo from One News
3. Isang dagok sa transgender community at mga Pilipino ang pagbibigay ng absolute pardon sa mamamatay tao na si Joseph Scott Pemberton. Matapos ipaglaban ng pamilya ni Jennifer Laude ang kaso at hindi nagpasilaw sa pera, basta na lang itong pinalaya. 'Wag daw kwestiyonin dahil may kapangyarihan ang pangulo na gawin ito. Ang nakapagtataka lang, walang kaalam-alam dito ang mga abogado niya. Wala rin daw kinalaman ang US dito. Itinaon din ang pagpapalaya sa gitna ng init ng PhilHealth scam. WOW! Kung susuwertihin ka nga naman. 

Ayon kay Julita Laude, nanay ni Jennifer, sampung taon na nga lang daw sana ang hinihingi nilang kapalit sa ginawa ni Pemberton pero napaikli pa. Maliit na kabayaran sa pagkawala ng buhay ng kanyang anak. May tarak sa puso ang mga linya ni mother. Syet!

Maliwanag pa sa tubig ng Maynilad na isa itong injustice sa loob mismo ng ating bansa. Tila ba pinatikim sa iyo ang hustisya pero babawiin din pala. Napakasakit. Tayo mismong kapwa Pilipino ang tinalikuran at pinagkaitan ng patas na laban.

Thursday, June 25, 2020

Kanselado

Kumusta ang lockdown sa area niyo, mga ateng? Tatlong buwan na tayong nakakulong at ang dami na nangyari. Marami sa atin ay nawalan ng kabuhayan. Maswerte ang mga nakapag-ipon dahil may nahugot sa panahon ng pandemya. Hanggang ngayon, patuloy na dumadami ang bilang ng kaso. Malabo pa sa tubig kanal na ma-achieve ang sinasabi nilang flattening of the curve na Abril ko pa yata narinig. Anong petsa na???

Pride month ngayon at kanselado ang taunang martsa dahil bawal pa ang gatherings and events. But that doesn't mean we shouldn't celebrate. I've been watching several transgender-themed movies and documentaries to educate myself. I recommend Transamerica, Something Must Break and the Netflix original Disclosure. Siyempre, hindi mawawala ang pakikinig ng mga kanta nina Kylie Minogue, Christina Aguilera, Britney Spears, Celine Dion, Katy Perry, Madonna at iba pang gay icons. No pandemic will stop us celebrating our colorful lives.

Dahil bawal lumabas by Kim Chiu, dumagsa ang mga YouTube videos from different content creators. Kaaliw din manood ng mga buhay-buhay ng mga taong sikat sa social media world. Pero isa sa mga umusbong ang Zoom interviews with beauty queens. Todong na-enjoy ko ang interview ng Missosology kay Pia Wurtzbach lalo na sa part kung paano niya nakumbinsi si Madame Stella na Pinoy gown ang isuout sa Miss Universe. Isa pa ang Korona interview ni MJ Lastimosa. Totoo talagang she's very down to Earth and very kumare ang peg kaya isa siya sa well-loved Pinay queens.

Recently, umani ng batikos ang pag-guest ni Kevin Balot sa Queentuhan hosted by Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti and Carla Lizardo. Malinaw na sinabi niyang hindi niya bet sumali ang transgender women sa Miss Universe because she feels that it's not equality anymore. It's asking too much na daw. JUICE KOH! Sumakit ang ulo ko, sumakit ang bewang ko. KALOKA! And while listening to it, ang taray pa ng tono ni madame habang sinasambit ang mga salitang 'yan. YAY! It was also obvious that the host didn't expect that coming from her. Coming from a Miss International Queen. Sad. Bilang damage-control, heto ang kanyang statement via Twitter:


I'm not buying this because of some points. Una, hindi straight English ang usapan nila. They were talking in Taglish. Kung hindi niya kayang magsalita ng English, daanin sa deretsong Tagalog. I'm sure hindi aarte si Pia kahit Miss Universe pa 'yan! The choices of words used by Kevin during the interview was a little bit harsh sa transgender community na patuloy na nakikipaglaban sa pantay na karapatan. Transgender women wanting to join traditional beauty pageants is not a sign of disrespect or asking for too much right. Lastly, I feel that the point came from a privileged person given that she can pass as a straight woman. Iba siguro ang karanasan niya vs. those who can't pass kahit 'sangkaterbang pillar na ang nilaklak. At kahit hindi ka physically nag-transition, you can't deny to yourself that you're a woman.

Honeslty, I'm still educating myself until now. If I don't have enough information about a certain topic, I'd rather park it and will give you my point once I'm fully informed. Natutunan ko sa pagsusulat na mahirap magbitaw ng hilaw na opinyon.

Kevin was given a strong platform at sana nagamit niya sa mas nakakabuti. I don't believe in the "cancel culture" that we have in social media pero kapag nagkamali ang isang tao, I hope they learn how to be responsible and be accountable for that. Don't twist the situation and tell more lies because darling, we hear lies when we hear one. But I believe on her last statement, that she'll take this as a step to improve herself.

It's not too late, Kevin. Hope you become a better person after this issue.

Monday, April 13, 2020

Tandem

Exactly a month ago, an unthinkable happened to me. I wrote this the day after it happened to me. Hayaan niyong ibahagi ko...

***
Friday, the 13th of March 2020
Between 3:05 and 3:07 a.m.

Photo courtesy of Rappler
Galing sa trabaho at naglalakad sa aming lugar pauwi ng bahay nang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo na may suot na surgical mask ang huminto sa gilid ng daan. Bumaba 'yung nasa likod...

"Magtatanong lang po. Saan ba ang Caloocan?"

I was suspicious already that they were riding in tandem when suddenly he declared holdup. Napatili ako sa takot. I wanted to run on the other side pero nakarinig ako ng putok ng baril. Natumba ako sa daan.

"Eto na po, sa inyo na ang bag ko." sabay hubad ng backpack.

"Cellphone mo?" habang kinakapkap ang bulsa ko.

"Nandiyan na po lahat sa bag."

Tumayo ako at nagtatakbo sa pinakamalapit na guard house sa kanto.

"Na-holdup po ako."

"Kuya, 'wag ka dito." sabi ni ate guard.

Nakita kong umalis ang motorsiklo at tumingin pa sa gawi namin. Pagtapos ng ilang saglit, nagtatakbo na ako pauwi ng bahay. May tatlo o apat na nakakita and they said kanina pa nakaparada sa tapat nila ang motor. While running, I was constantly checking if tinamaan ako. God saved me.

After calling the banks to block my cards, changed my password to several online profile, and removing the device to my social media and email acount, I reported the case to the police. It's now under investigation. We tried to check the CCTV but it was too pixelated for us recognize their identity dahil madilim sa lugar nang pinangyarihan. Sira pa dahil patalon-talon ang recorded video.

I've been living around the area and walking that same street for 7 years now. I thought it will never happen but as they say, nakamamatay ang akala. As much as I want to remember their faces, how can I do that if they took advantage of our current situation?

I think God and La Mudra saved me. I'm grateful that I was given a chance to survive that crime. I hope the police will be able to arrest the suspects as soon as possible so that no one would experience what I've gone through.

I'm traumatized and can't sleep well. But I know, this too, shall pass.

***

Sa ngayon, nakakatulog na ako at minsan na lang naiisip ang nangyari. Hindi na rin ako nanghihinayang sa mga nakuha sa akin dahil mas importante na buhay ako. Kayang palitan ang materyal na bagay pero kung sa akin inasinta ang baril, maaaring hindi ko na naisulat ito. Marami pa akong gustong maabot at tuparin, hindi lang para sa sarili ko kundi sa mga umaasa sa akin. This is experience thought me to prioritize safety all the time and be alert especially when it's late at night. I just learned it the hard way but that's fine. Life's like that. 

Ingat palagi, mga ateng!

Sunday, April 12, 2020

Las Opiniónes 1.0

Kagulo talaga simula nang mag-lockdown noong nakaraang buwan. Pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Dumarami na rin ang namamatay samantalang mabagal ang usad ng number of recoveries. Kung umaksyon siguro ang gobyerno kaagad, hindi tayo aabot sa ganito. Sa may Pasay-MOA area lang, parang ikaw na ang dayuhan sa dami ng tsekwang makakasalubong mo. Infairness, ang lagkit nilang tumingin, parang pinagnanasaan akiz. Doon na lang ako rarampage after nitong quarantine. Baka sakaling mas malaki ang kita. CHOS!

Sa dami ng ganap, heto ang maikli pero makatas na opiniónes ko sa mga nagbabagang balita:

1. Itinatanggi na ngayon ni Ethel Booba na sa kanya ang Twitter account na kung ako ang tatanungin ay siyang naging daan upang sumikat siyang muli. Nakilala ang account sa maaanghang pero makabuluhang tweets tungkol sa iba't ibang issue. According to Ethel's Instagram account, peke daw ito at ginamit lang siya. After so many years, ngayon niya lang sinabi??? Hhmmm... feeling ko, may gumipit sa kanya. Nakapag-publish pa nga ng libro dahil sa witty charot tweets niya na nagkaroon pa ng book signing tapos hindi pala siya??? I wonder how, I wonder why...

2. While browsing YouTube, sunud-sunod ang recommendation vlogs mula sa members ng Pacquiao family. Na-curious aketch kaya nang i-click ko, wiz naman nakapagtataka na thousands ang followers at milyon-milyon ang views. Isa sila sa prominenteng pamilya sa larangan ng sports at ngayon, sa pulitika. Very active sila mag-shoot at edit kahit naka-quarantine huh! Mukhang taking advantage of the situation bilang karamihan ay nasa bahay at isa sa mga past time ng mga utaw ay mag-internet. Naaliw ba kayo sa pakulo nila? Ako, I smell something being cooked. Parang matitikman natin 'yan sa 2022. ABANGAN.

3. Nakita niyo na ba ang TikTok videos nina Cabinet secretary Karlo Nograles at ex-Presidential spokesperson Harry Roque? NAKAKALOKA!

4. Maraming residente ng Quezon City ang dismayado kay Mayora Joy Belmonte. Medyo hindi kasi ramdam ang presence niya sa panahon ng sakuna tapos nagkalat pa sa social media. To be fair naman, mukhang overwhelmed ang lola natin dahil sino ba ang mag-aakala na aabot tayo sa ganitong sitwayson. Humingi na siya ng paumanhin sa kanyang inasal at nagpapadala na ng bonggang relief goods. Magkakaroon na rin ng swabbing booth sa ilang ospital para makaiwas sa COVID-19 exposure ang ibang health workers at makatipid na rin sa PPEs o Personal Protective Equipment.

5. Ramdam niyo ba ang 275 billion peysosesoses na budget ng gobyerno para sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19? Ako hindi pa pero sana, maambunan na. Mga ateng, pakisindi nga ang kandila sa altar at ulit-ulit nating sambitin "pera ni Tatay, magparamdam ka... pera ni Tatay, magparamdam ka..."

6. Isa ba kayo sa mga bonggang nag-react kay Alma Aquino na isang beneficiary ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagsabing pang-isang linggo lang ang 8 kiaw sa pamilee niya? Honestly, na-shock din akiz pero wit muna ako nag-post ng reaksyon. Gusto ko sanang mapanood muna ang buong balita bago kumuda pero hindi ko makita. Sa akin lang, hindi kami pareho ng buhay ni Ate Alma. Maaaring mas marami siyang kapamilya na may iba't ibang pangangailangan. Who am I to judge?

'Yan na muna. BABU!

Monday, April 6, 2020

Macho Dancer 3.0: Sibak

Ang dami na nating pinagdaanan sa taong ito! Wala pa tayo sa kalahati pero pang-isang dekadang hamon na yata ang ibinabato sa atin. Kumusta naman kayo, mga ateng? Sana ay okay kayo at nasu-survive ang araw-araw. Tengga ang karamihan ngayon sa bahay maliban sa ating magigiting na frontliners. Salamat sa ibang kumpanya na pumayag sa work-from-home setup at patuloy tayong kumikita. Ang ilan sa atin ay todong nag-aantay sa pa-relief goods ni mayor mula sa barangay at kung papalarin, nawa'y qualified sa ayuda ng DSWD. Iisa lang naman yata ang hiling nating lahat, ang matapos na ang delubyo ng COVID-19. Madiskubre na sana ang gamot at bakuna laban dito.

Bilang pamatay-bagot, binalikan ko ang ating koleksyon ng mga pelikula. Isa sa mga isinalang ko ang Sibak, Midnight Dancers. Una ito sa trilogy ng macho dancer trilogy na directed by Mel Chionglo. The other two are Burlesk King and Twilight Dancers na irereview din natin because why not?

Sibak, Midnight Dancers (1994)
Tangent Films International
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Alex Del Rosario, Gandong Cervantes, Nonie Buencamino, Maureen Mauricio, RS Francisco, Soxie Topacio, Perla Bautista and Lawrence David 

Tungkol ito ng tatlong magkakapatid na macho dancer - sina Joel (Del Rosario), Dennis (Cervantes) at Sonny (David). Sa Club Exotica sila bonggang sumasayaw at tume-table sa mga customers. Kapag bet sila i-booking, may mga kwartong avail sa second floor. Manager nila dito si Dominic (Topacio) na pinatalsik si Dennis dahil palaging late. Ayun, napabarkada sa mga magnanakaw. Si Joel ay may asawa (Mauricio) at anak na, may jowang sisteret pa (Buencamino). Open naman ang dalawa sa setup nila. Mahal nila si guy eh. Bunso ng pamilya si Sonny na naging ka-MU si Michelle (Francisco), isang transgender woman na nagtatrabaho din sa parehong club.

"Titigil na ako sa pagko-callboy. Sabi nila walang mawawala sa atin dahil mga lalaki tayo.
Hindi totoo 'yon. Gabi-gabi, kung sinu-sino kasiping nating mga lalaki. Ni hindi man lang natin kilala.
Ni hindi man natin gusto. Binabayaran lang tayo para sa katawan natin."
Diyan muna uminog ang istorya bago nagkandaleche-leche nang kupkupin nila si Bogart na isa palang kawatan at itinakas ang pera ng mga kasamahan. Nambabae din ang tatay ng magkakapatid, na-raid ang Club Exotica at sinalvage si Dennis ng mga parak. Last na pagsubok ang pagsugod ng mga kasamahan ni Bogart sa bahay ng magkakapatid. Nagkataong nanay (Bautista) lang nila ang nandoon at sinaktan. In the end, nahabol at napatay sila nina Joel at Sonny.

Taong 1994 ipinalabas ang Sibak, mga panahong patok pa ang macho dancers at gay bars. Meron pa rin naman niyan hanggang ngayon pero karamihan kasi, online na ang palitan ng transaksyon - massage (with or without extra service), escort, o direktang sex for hire. According to Wikipedia, na-ban daw ito sa Pilipinas. I think the working title was Sibak then Midnight Dancers was the international title. Paki-correct nga ako, mga ateng, if ever mas may alam kayo sa nangyari. 9 years old pa lang naman kasi ako noon so busy pa sa Sailor Moon. CHAR!

Kahirapan ang sentro ng pelikula. Easy money ang makukuha sa pagsasayaw at pagbebenta ng laman. Kahit may option ang magkakapatid na magkaroon ng ibang trabaho, nasanay sila sa madaling kitaan. Pero sabi nga sa ingles, "easy come, easy go". Nagustuhan ko rin na ang daming ganap sa pelikula but not to the extent na dragging na. Hands down pa rin kay Ricky Lee sa paggawa ng makabuluhan at matinong script. Hindi pilit ang mga salitang ginamit.

Mabigat sa damdamin ang istorya kasi kung minsan ka nang nakaranas ng kahirapan, mararamdaman mo ang pinagdaanan ng mga karakter. Hindi mo sila masisisi kung bakit kinailangan nilang kumapit sa patalim. I may not agree na makipagrelasyon sa iba habang may asawa't anak ngunit nangyayari 'yan sa totoong buhay eh. I particularly liked the relationship between Sonny and Michelle. Minsan lang kasi talakayin sa mga pelikula noon ang relasyong man to transgender woman. Iba pa ang pananaw noong 90s eh. Hindi rin nauwi ang relasyon nila sa awayan, hiwalayan at patayan. Mapapa-#SanaAll ka talaga!

If you want to watch the movie, it is available online via YouTube. Sana lang legit itong na-upload. CHOS!

Rating: 4/5 stars