Saturday, November 20, 2010

Sad

Hindi dapat ako malungkot sa pagsisimula ng araw pero hindi ko mapigilan.

Ms. Melanie and Jiggy
Nag-resign na kasi ang officemate / friend ko na si Jiggy. Nakakalungkot kasi mahigit dalawang taon din kaming nagkasama sa work. Well, plano na talaga niyang mag-resign pero hindi ko ine-expect na mapapaaga.

Marami ng napagdaanan ang aming friendship, may mga ups and downs at hindi napagkasunduan. Gayunpaman, nanaig ang aming pagpapahalaga sa aming pinagsamahan. Siya na yata ang maituturing kong greatest partner sa kapokpokan. Pero ganun talaga, kailangang mag move-on for a better future. Anyways, hangga't may gay indie films na pinoprodyus, sabay pa rin kaming manonood nito.

At ang pinaka depressing sa lahat... ang aking sahod. Again, let me tell to myself...

Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot. ☹

Thursday, November 18, 2010

Manhunt International 2010

Nagkaisa yata ang mga bathala sa kalangitan na tayo'y bigyan ng maagang pamasko. Bukod kasi sa Mister International 2010, magaganap ngayong ika-20 ng Nobyembre ang Manhunt International sa Taiwan.

Juice koh!
Bumalik yata ang pagkahilig ko sa mga foreigners sapagkat ang sasarap ng mga kandidato sa patimpalak na ito. Masdan niyo...



Ang NAKAKALOKANG National Costumes...



Maghanda ng malamig na tubig sa susunod na mga litrato at baka todong ma-dehydrate kayo...


Nakita ko na rin siya sa wakas! Ang taong tutupad sa bonggang pangarap ko... ang lalaking magpaparamdan sa akin na ako'y isang babae... ang makakasama ko sa habang buhay...



Ay!
Teka lang! Teka lang mga shupatid. Tama ba itong nakikita ko? Siya ba talaga ang kandidato ang magre-representa ng Perlas ng Silanganan?



At eto ang pinaka-shocking... ang kagimbal-gimbal... kayo na ang humusga...


Sino ba siya?

Saan siya nagmula?

Sino ang pumili sa kanya?


Sino ang nagpadala sa kanya?


Sino ang may sala?

Threat

Eto namang si William, hindi makapag-antay na makarating ako sa bansa nila para makita niya ang pagkakaiba namin ng jowa niya. Sus! Mahihiya yang si Kate na yan once na masilayan ang fez ko. Anlaki kong threat sa kanya! Lahi kaya ako ng dugong bughaw na pinanganak na may kutsarang ginto sa nguso.

At kapag natikman naman ni William ang sarap na ibubudbod ko sa kanyang wangkata, hindi na siya mag-aantay pa ng 2011... dahil agad-agad niya akong pakakasalan at hindi na pakakawalan pa.

Pero bago ang lahat ng iyan...

Mag-iipon muna ako...

...ng pamasahe papuntang Inglatera. ☺

Wednesday, November 17, 2010

Backpay

On leave sa trabaho ang byuti ko today sapagkat may kaso akong kinaharap kaninang morning dew. Hindi naman krimen ang kaso ko mga 'teh. Nireklamo ko kasi ang previous employer ko dahil ten thousand years na ang nakararaan, wa-i pa rin akong backpay. At sa aming bonggang paghaharap kanina sa National Labor Relations Commission, pinangako niyang makukuha ko na ang andalusha ko sa Biyernes. Sana lang totoo 'yan dahil kung hindi, pasasabugin ko ang pozo negro ng kanilang building hanggang maligo sila ng etchas. Charuzzz Pempengco!!!

Kahit sandamakmak ang tao sa labas ng opisina ng artbiter ko at absent ang kanyang dalawang assistant, todo assist pa rin siya sa amin. At infairness, hindi siya masungit kahit sobrang dami ng folder sa harap niya at patung-patong. Smiling face na, friendly pa ng aura niya. Perfek di ba!?! Wish ko lang katulad ng ugali niya ang ibang government employees.

At habang ako'y nag-aantay sa labas ng opisina, namataan ko ang isang karespe-respetong lalaki na may matipunong katawan at oh la lang hitsu. Yung tipong hindi makabasag pinggan dahil may reputasyong inaalagaan. Pero wala akong pake doon. Hindi ang estado niya sa buhay ang mahalaga... kundi ang pagmamahalang aming pagsasaluhan at pagyayamanin. Echos!

Tuesday, November 16, 2010

Mister International 2010

Tatlong beaucon na ang nagdaan mga 'teh... Miss Universe, Miss World at Miss International. Sa December 4 naman ang finals ng Miss Earth at kasalukuyan silang nagtitipon-tipon sa Vietnam.

Pero witchy cola muna akong pake sa mga babaita sa Miss Earth sapagkat may nadiskure ako. Daig pa nito ang yamang hatid ni Yamashita. Itong natuklasan ko ay ligaya at linamnam ang hatid na walang kaparis kahit bumili ka pa ng pares sa mami house. Kaya hihiramin ko muna ang linya ni ateh Korina... Handa na ba kayo?

Kung handa na, eto at namnamin niyo ang saya at sarap na dulot ng mga kandidato para sa Mister International 2010.


Ang ating pambato... Raphael Carlos.


Ang bet na bet ko... Jordan Haag from France.

Sana, marating ko ang rurok ng Eiffel Tower... niya. ☺

Click mo dito para sa sandamukal na pictures at updates.

Tambalan

Naaaliw talaga ako ng bongga sa Tambalang Balasubas at Balahura ng Love Radio. Kahit nasa opisina ako, nakikinig ako sa kanila. Patago lang at baka mahuli ako ng mga BIG bosses ko. Mukha nga lang akong tanga sa kakangiti mag-isa sa mga pinag-uusapan nila. Hindi pwedeng humalakhak ng todo at baka mahalata ako ng mga kaopisina ko.

Birthday na pala ni Nicole Hyala sa November 28 at December 7 naman si Chris Tsuper kaya naman... HEYPI BIRTHDAY sa kanilang dalawa. Magtagal pa sana ang tandem nila na nagbibigay ngiti at saya sa mga tao tuwing umaga. Yung tipong uugod-ugod na sila pero ganun pa rin ang energy.

So kung todong nalulungkot kayo, makinig lamang sa kanila at siguradong sasaya kayo ng bongga.

Nationwide ang kanilang tandem na mapakikinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM at 9AM sa 90.7 Love Radio sa Metro Manila at sa inyong local Love Radio frequency.

Saturday, November 13, 2010

Strip Me

Natasha Bedingfield never fail to amaze me with her inspirational slash feel good kind of sound. I'm getting tired na rin kasi of music about hate, break-up, lies, whores, money, clubbing and sex. Juice koh! There's more to life aside from being bitter and sexually active noh!

If you feel down or unhappy, listen to her and definitely you'll feel better. I have a morning playlist on my iTunes and most of the songs there are hers.
Kaya if you like to start your day right, open up your player and play her music. Leave Lady GaGa, Ke$ha and Flo Rida on the clubs and gimik nights muna.

Here's her latest single, Strip Me.

La La La La La La
La La La La La La

Everyday I fight for all my future somethings
A thousand little awards I have to choose between
I could spend a lifetime earning things I don’t need
That’s like chasing rainbows and coming home empty

And if you strip me, strip it all away
If you strip me, what would you find
If you strip me, strip it all away
I'll be alright

Chorus:
Take what you want steal my pride
Build me up or cut me down to size
Shut me out but I’ll just scream
I'm only one voice in a million
But you aint taking that from me (oh ooh)
You aint taking that from me (oh oh)
You aint taking that from me (oh oh)
You aint taking that from me (oh oh)
You aint taking that!

I don't need a microphone yeah
To say what I've been thinking
My heart is like a loudspeaker
Thats always on eleven

And if you strip me, strip it all away
If you strip me, what would you find
If you strip me, strip it all away
I’m still the same

(repeat chorus)

Cause when it all boils down at the end of the day
It's what you do and say that makes you who you are
Makes you think about, think about it doesn’t it
Sometimes all it takes is one voice

(repeat chorus)

Watch the music video here.




Strip Me is taken from her upcoming 4th album with the same title out this December.