Sunday, January 2, 2011

1-1-11

May paniniwala ang mga Pilipino na kung ano daw ang mga ginawa mo sa unang araw ng taon at siyang gagawin mo sa kabuuan nito. So kung bonggang nanlalake ka kahapon 'teh, malamang na 365 days kang manlalalake. Dapat pala yun ang ginawa ko yesterday. CHARUZZZ PEMPENGCO!!! Ang iba naman, inantay na mag 1:11AM, 11:11AM, 1:11PM at 11:11PM para todong mag-wish. Wish ko lang na matupad ang wishes nila.

Wala namang masama kung maniniwala tayo sa mga ganyang kaek-ekan. Ang mahalaga ay sinimulan natin ang 2011 ng pasasalamat sa Poong Maykapal at may positivity sa buhay.

At dahil holiday cheesedog kahapon, lumabas muna ako ng kabahayan para mainitan ng sikat ng araw ang aking porselanang kutis. ECHOS!

Happy childhood memories flows in everytime I see these flowers
The street where I grew up
Beautiful sky of January 1, 2011
Ang 2010 ay isang napaka-challenging na taon sa aking buhay. Marami akong napagdaanang pagsubok pero siyempre, hindi ko hinayaang magapi nito ang sarap na aking taglay. At dahil diyan, mas naging wiser and stronger ako.

Nawa'y ang 2011 ay maging maganda, puno ng saya at maayos na taon hindi lang para sa akin kundi para sa 'ting lahat.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...