Nitong Miyerkules, matapos kong kumayod sa apat na sulok ng opisina namin sa Makati eh napagpasyahan kong mamalengke. Gutom na kasi ang frigider sa balur. Wai ng laman. Imbes na mag-MRT na everyday kong ginagawa eh napagpasyahan kong LRT na lang ang sakyan para diretsong Muñoz Market na.
Paakyat na ako sa istasyon ng Libertad mga bandang ala-singko ng hapon nang may parang sumundot sa tapur ko. Lumingon atashi sa pag-aakalang matinggero ang nasa likod ko. Nagkamali ang byuti ko. Isang ohms na medyo cutie pie ang ngumiti sa akin. Deds. Nagpatuloy sa pag-akyat. Pero lumingon ulit ako bago ma-inspect ng sekyu ang aking bagelya. Nasa likod ko pa rin siya at nakangiti. Itinaas niya ang hawak na ketay. Parang sinasabing sandali lang at gusto niyang makipag-usap. Bakla lang ako't marupok sa mga ganoong pagkakataon kaya naman umatras ako, nilapitan siya at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. In my big baritone voice (dahil may ubo ako)...
Melanie: Callboy ka ba?
Walang reaksyon. Hindi niya yata narinig sa lakas ng ingay sa paligid so inulit ko.
Melanie: Callboy ka ba?
Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Nag-type siya sa kanyang cellphone na isang puting Nokia 3530 sabay abot sa akin.
Ohms: (nakalagay sa write message) "I'm deaf!"
Pahiya ang byuti ko. Kung bakit naman kasi ang dumi ng isip ko.
Itutuloy...
ngek... bitinin ba kami... hehe
ReplyDeletethis happened to met at Malate before. same deal, the guy told me he's deaf using his phone, then ended up asking me if i would like to get a massage. I said no in the end 'cause one, I don't like getting massages from anybody i dont know, and two, there was this rumour running around then that some guys were doing this just to rob you in the end.
ReplyDeleteTeh! Kembot na, naging bato pa! :)
ReplyDeletehhahahahahha at isa pang ha!parang ako ang napahiya sa tinuran mo mel.
ReplyDelete-tagamasid pampurok-
omg!
ReplyDeleteHAHAHAHAHA iba din teh ang nasaisip q...hahahahaha
ReplyDeletewhere's the part 2?
ReplyDeletepart 2 please
ReplyDelete