Friday, May 18, 2012

Birit

Ilang araw na akong LSS sa mga kanta ni Sheryn Regis. Kung hindi niyo siya tanda mga 'teh, she's the runner-up to Erik Santos sa first season ng Star In A Million. Nakilala siya sa flawless at mataas niyang tinig. Madalas niyang kantahin ang mga paboritong birit songs ng mga beki like Through The Fire, Run To You, On The Wings of Love to name a few. Tandang tanda ko pa na nilimas niya ang top spot ng kompetisyon maliban sa grand finals. Bakas sa fes ni ateng ang todong pagkadismaya nang maluz valdes siya. Ang sama talaga ng loob ko 'nun dahil siya ang bet ko sa kompetisyon.

Nagkaroon naman siya ng bonggang career after that. Naging mainstay sa ASAP at nagkaroon ng apat na albums. Bayla talaga ako ng debut album niya. Nakipagbiritan din siya sa mga concerts here and abroad. Halos kantahin niya lahat ng teleserye theme songs ng Dos. Isa sa mga notable ang kanta ni Marina na Kailan Kaya. 'Yung puro aaaahhhhh sa simula. Wholesome na aaaahhhhh at baka pareho tayo nang iniisip. CHAR!

Tulad ng ibang artista, lumamlam ang kanyang career at kumonti ang exposure. Ang huling balita ko'y sa Tate na siya naninirahan together with her family. 

Balikan natin ang isa sa mga sumikat niyang kanta na kanya rin finale song sa SIAM. A Wendy Moten original, here's Come In Out of the Rain.

2 comments:

Anonymous said...

ate, yung pelikulang Siam ba na tinutukoy mo dito eh yung kay mario maurer?

Melanie said...

Hindi 'teh. SIAM is Star In A Million.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...