Thursday, October 18, 2012

Silip 2.0

Click here for Silip 1.0


Silip (2007)
Seiko Films
Directed by Joel Lamangan
Screenplay by Raquel Villavicencio
Starring Diana Zubiri, Francine Prieto and Polo Ravales

Si Tess (Zubiri) ay trabahador sa karinderia at jowa niya si Rico (Ravales) na tindero ng native products. Najontis siya kaya sila'y nagpakasal. Witchells naman niya pinilit si Rico, patunay lamang na mahal talaga siya nito. Lumipat sila ng probinsiya para siya'y makapagpahinga habang buntis. May kalayuan nga lang ang lugar. Wala pang kuryente at malapit na shupitbalur.

Iniwan muna siya pansamantala ni Rico para maghanap-buhay. Habang namamalengke sa bayan, nakilala niya si Celia (Prieto). May hinahanap daw na kamag-anak. Nagmagandang loob siya na patirahin muna ito sa bahay niya tutal eh mag-isa lang siya. Nakatagpo siya ng kaibigan sa katauhan nito.

Pag-uwi ni Rico ay nagsimula na ang kapraningan niya. Pinagbintangan niyang magkalaguyo ang dalawa. Kinain siya ng todong panibugho na humantong sa pagpatay niya kay Celia... na hindi naman pala totoo. Lahat kasi 'yon ay bahagi lamang ng kabaliwan niya.

"Alam mo ba na gustong gusto ng mga lalaki 'yung parang nakamaskara ka.
Kasi may misteryo ka."
Kung hindi ako nagkakamali, ito ang huling pelikulang ginawa ng Seiko Films. Naghigpit kasi noon ang SM Cinemas sa mga pelikulang may temang sekswal. Naapektuhan tuloy ang aking peyborit film production company huhuhuhu :'(

No doubt na magaling umarte si Diana Zubiri. Pansin ko lang na kulang siya sa eye expression pero the rest, okay na okay. Effective na tagapraning si Francine Prieto. Katakam-takam naman ang tapur exposure ni fafah Polo sa may paliguan. Ang sarap-sarap! Bet ko din ang mystery factor ng istorya na pag-iisipin ka habang kinakabahan sa susunod na mangyayari.

Rating: 3/5 stars

1 comment:

  1. Ate Mel, Na watch ko to sa Cinema one pero hindi buo. Yun pala yun. Wala palang relasyon si Polo and prieto, kathang isip lang pla ni Diana yun..

    Gelo.

    ReplyDelete