Friday, October 12, 2012

Pataw

Habang nakapila ako sa paradahan ng dyip noong isang araw, nasight ko 'to...


Tanong lang:

...bakit kontra manggagawa?
...bakit kontra magsasaka?
...bakit kontra mahihirap?

Sin Tax - pagpataw ng mas malaking buwis sa mga bisyo ng Pinoy tulad ng alak at sigarilyo. Ang malilikom na pondo ay gagamitin daw ng pamahalaan para sa proyektong pangkalusugan.

Kahapon ay shakira at speakless ang lolah Miriam natin dahil ang proposed sin tax niya kada taon ay aabot ng bonggang 60 billion peysos. Ang kasamahan niyang si Ralph Recto ay 15-20 billion lang. One-third lang ng sa kanya kaya hinihikayat niya ang mga tao na i-protesta ang proposal ni Mr. Vilma Santos.

Obviously, ang mga negosyante, tomador at sunog baga ay todong kakampi kay Recto at ang mga pro-life, anti-smoking at alcohol-free supporters naman ang kay Santiago. So sino ang makakalamang sa dami ng supporters? Witchells naman ako nagyoyosi at once in a blue moon lang akong lumaklak kaya alam na kung kaninong side ako.

Basahin ang proposed amendment dito>>

7 comments:

  1. Nakita ko rin yang mga posters na yan at napailing na lang. Malamang propaganda yan ng mga tobacco company.

    Miss Melanie, try mong hanapin yung feature na ginawa ni Che-che Lazaro about sa sin tax. I'm sure magugustuhan mo yun.

    ReplyDelete
  2. Ay! Mapanood nga 'yan para mas maliwanagan ako sa Sin Tax na 'yan.

    ReplyDelete
  3. Natatakot ako sa panukalang ito. Baka pati gay bar at massage parlor patawan ng tax.

    Sabi ng Simbahan, mas maraming sinners dun. Palagay mo, ita-tax din sila?

    Ruben Sebastian





    ReplyDelete
  4. dapat taasan tlga sin tax na yan para yung may kaya nlng ang pwede magbisyo!

    ReplyDelete
  5. Malakas at maraming pera ang mga tobacco at liquor lobby....kaya ganyan.

    ReplyDelete
  6. -'Wag naman sana teh Ruben. Wawa naman byuti natin. Purita Mirasol tayo pag nagkataon.

    -Teh KULAPITOT, may punto ka. Sila naman ang kayang mag-sustain ng ganyang bisyo eh.

    -Teh Anonymous, TREW! Kahit hindi sila mag-advertise at gumamit ng sikat na artista, talagang patok ang negosyo nila.

    ReplyDelete
  7. takte and saming galaw ng gov. natin ngayon yung aso sa pagpatay ni ampatuan sa mga reporters hindi pa nasosolusyunan...takte

    ReplyDelete