Saturday, October 20, 2012

Patuloy

Kagabi ay live na ininterview sa Iba Balita si Dr. Eric Tayag, ang asec ng DOH. Tungkol ito sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nabibiktima ng HIV/AIDS. Todong nakakabahala sapagkat siyam na Pilipino araw-araw ang nabibiktima. Ang pinakamataas na bilang ay nanggagaling sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki (MSM) between the age of 20-29.

Sa datos na kanilang nakalap, 51% ng positive cases ay nasa NCR sunod ang Cebu, Davao at iba pang parte ng bansa. Isa sa tinuturong dahilan ang madalas na pag-online at pangingisda ng makakasex sa mga social networking sites. Bukod sa sexual partner ay nariyan ang orgy o group sex. Imagine, kung lima kayo at isa sa inyo ang may HIV/AIDS, maaring apat agad ang mahahawaan. KALOKA!

Ayon pa kay Dr. Tayag, ang mga MSM ay mahirap hagilapin. Hindi na rin daw excuse ang pagiging mangmang sa sex education. Nasa behavior at practice na daw ng tao 'yan. It's either walang nakatabing condom, ayaw mag-condom o 'di naniniwala sa condom. Kaya hinihikayat niya na bonggang gumamit ng condom para protektado.

Oh! Alam niyo na ang dapat gawin mga 'teh. Kung kati perry at 'di sure kung malinis ang ohms (kahit super gwapo at mukhang malinis), mag-condom. Kung ayaw niya pwes 'wag nang ituloy. Kamutin na lang at magtiis kesa magkasakit.

5 comments:

  1. agree ako best dapat mag-ingat talaga tayo... miss you best...

    ReplyDelete
  2. katakot tlga mga teh,mula ng may matigok d2 s lugar nmin na bading na AIDS ang dahilan eh ntakot nako kumems ng ombre ditey,cguro mag 2 years nako hndi nkkapang ombre,ok lang nman sakin,mahirap na mamya eh maka jackpot pako ng meron dva.

    ReplyDelete
  3. teh bakla ba toh? tska teh, magpost ka ng p.o.v. regarding sa same-sex marriage.

    ReplyDelete
  4. Nakakalungkot dito Pilipinas, sa lahat ng bagay napag-iiwanan na tayo.

    Galit ako sa simbahang katoliko na laging pumipigil sa mga magagandang layunin ng pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa sakit na HIV/AIDS.

    Kaya hindi na ako nagsisimba. Personal nalang akong nagdadasal.

    Plus, mga pulitikong mangmang. Walang haggad kundi gawing status symbol ang pulitika. Imbes na maghanap ng solusyon sa mga problema bayan.


    Hindi naman laging naghuhulaan na lang kung sino makakasiping natin.

    Harapin natin problema, Bigyan yan ng tamang solusyon.

    Kung may batas sana na nagtatakdaang lahat ay required magpa- HIV test every six month. Para manonitor at merong contact tracing kung sino man mga infected para hindi na lumala problema ng lipunan.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  5. sa isang bakla din kagaya ko... mahirap din tukuyin sino ang may sakin na ganyan.. kung mamahalin lan sana tayo ng mga kalalakihan tiyak hindi na tayo maghahanap p ng iba at hindi n lalaganap p ang HIV. kasi sya na lang ang magiging mahal ko hangang kamatayan.

    ReplyDelete