Tuesday, October 30, 2012

Julalers

Last October 22 ay nakiusyoso akiz sa press launch ng Camp Rock The Musical ng Repertory Philippines. Pag-apak ko pa lang sa venue eh nilapitan na ako agad nung producer. From what publication daw akiz. Sabi ko julalers ako nung kasama kong writer. Naaliw pa ang lola niyo sa sagot ko. Pwesto me sa may gilid habang nagkikipag kiskisang-siko ang press people kay Direk Audie Gemora at sa iba pang staff. May isang merlat na nagtanong ng same question. Inulit ko lang 'yung sagot ko. Ahahaha! Walang kwenta noh?! Tapos kinalabit ako nung photog. Kelangan daw may pica sa background nung play. Pumosing naman akez.
Nag-sample ng kanta mula sa musical ang mga theater actors para sa press. Nag-duet muna ang mga bidang sina Markki Stroem at Morissette Amon. Bawal maglagay ng malisya kay Markki bilang wholesome play itez kaya nagpasanib muna ako kay Kim Chiu. Walang malay, inosente at sweet. Malayong malayo sa image ko. CHOS! Pagkatapos nun eh kinuyog na ng kumpletong cast ang stage at todong nagsasasayaw at kumanta. Ang gagaling! Walang hingal factor. May tumblingan pa! PAK!

Matapos ang tatlong number ay open for Q&A ang cast at staff ng nasabing musical. More questions from press people. May taga PEP.ph, Business Mirror, TV5 at Cinema One. Sa batuhan ng tanong at sagot, dito ko nalaman na eto ang biggest at last musical play ng Repertory for the year. Bale isang buwan magtatagal na magsisimula na sa November 16 sa OnStage, Greenbelt 1 sa Ayala, Makati.

Siyempre hindi ko kayo kinalimutan mga 'teh. Eto ang para sa inyo...


Visit Ticketworld or Repertory.ph for ticket inquiries.

1 comment: