Kahapon ang unang beses kong mapanood ng live si
Prima Ballerina Lisa Macuja and the experience was overwhelming! Wala kasi sa aking hinagap na makakapanood ako ng ballet at mismong siya pa ang napanood ko. Dati ay sa textbooks ko lang siya nababasa kahanay sina
Lea Salonga,
Cecile Licad at
Eugene Torre.
Swan Song is a series of her farewell performances sa ballet acts kung saan nakilala siya hindi lang dito kundi pati na rin ng sa ibang bansa. Tatlong taon ito tatagal na sinimulan niya last year with
Swan Lake and
Romeo and Juliet. This year naman ay
Don Quixote,
Giselle at
Carmen ang sasayawin niya.
Sa
Aliw Theater ang ganap at ang napanood ko ay ang last performance niya bilang
Kitri sa Don Quixote. Ito daw ang pinakapaborito niyang karakter sa lahat ng isinayaw niya. Nga-nga ang byuti ko sa ganda ng palabas. Bitin ang halos dalawa't kalahating oras na itinakbo nito. I want more!
At dahil last performance nga, hindi naiwasang maging emosyonal at the end of the show. Naiyak nga rin akiz kahit first time kong manood. Tayuan ang audience at masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanya.
BRAVO!
'Wag niyong palalampasin ang farewell performances nang isa sa nagbigay karangalan sa ating bansa. I'm sure ma-eenjoy niyo din ito tulad ko. Tsaka 'yung notion na pang-rica peralejo lang ang ganitong palabas, wit trulili 'yan.
For schedule and ticket inquiries, visit
TicketWorld for more details.
Maraming maraming salamat sa inyong suporta! Thank you for your belief in the Filipino artist!
ReplyDeleteThank you for your belief and support! Maraming salamat sa tiwala!
ReplyDeleteFrend ano ang ibig sabihin ng pang rica peralejo na notion?
ReplyDelete-Oh my! Thanks for dropping by and leaving a comment Ms. Lisa :)
ReplyDelete-Teh Anonymous, may notion kasi na ang ballet ay para lang daw sa mapepera (rica peralejo) pero hindi naman.
Lisa is indeed a treasure.
ReplyDelete