Wala bang re-electionist na may katulad ng track record ni Senator Juan Flavier?
Courtesy of Portraits by Lopez |
Nanalo siyang senador noong 1995 at muling nanalo noong 2001. Ni-isang intriga yata ay wala akong narinig laban sa kanya habang siya'y nakaluklok. Matapos ang dalawang termino ay hindi na siya muling tumakbo pa. Wala rin siyang kapamilya na binalak okupahin ang binakanteng pwesto niya. May delicadeza at hindi gahaman. PAK!
Oh mabalik tayo dun sa tanong ko. Nakita niyo na ba ang senatorial slate ng dalawang partido? Puros pamilyar ang apelyido de vaaahhh?! Kung hindi re-electionist eh kamag-anak ng dating senador o 'di kaya'y congressman na umaambisyon nang mas mataas na posisyon (o pork barrel). HALLER!? May iba pa ba? Well, malalaman natin 'yang pagsapit ng ala-singko ng hapon sa Viernes.
So true. After three terms na wala silang nagawa o napatunayan, hindi sila effective as legislators.
ReplyDeleteI admire the old man too. Sana tumakbo na lang s'ya ulit as senator. Sobrang humble na tao. Piniling mag stay sa old barrios.
ReplyDelete