Tuesday, August 5, 2014

Asul

Deborah Menicucci
Miss Venezuela Mundo 2014
Kinoronahan na ang bagong Miss Venezuela Mundo na lalaban sa Miss World 2014. Ang maswerting dilag ay si Deborah Menicucci, 23 aƱos, modelo at fashion designer. Tinalbugan niya ang labing-isang kandidata para sa asul na korona. Last year ay sumali siya sa Miss Venezuela 2013 subalit 'di pinalad. Never give up on your dreams at eto siya, sasali sa pinakamalaking kumpetisyon ng pagandahan. Tinanghal na 1st runner-up ang tisay na si Adriana Marval while third placer ang exotic beauty ni Erika Pinto.

Adriana, Deborah and Erika during swimsuit competition
Isa sa paborito itong si Erika. Angat sa lahat ang kulay ng kanyang balat at ang mala-Janet Jackson na maskels. Active kasi sa sports si ateng. Darkhorse ang aura nitong si Adriana na todong nagpasiklab ng kagandahan noong coronation night.

Evening gowns designed by Alejandro Fajardo
Photos courtesy of Belleza Venezolana and Miss Venezuela Organization
Tsika ng mga latino eh cooking show daw ang nangyari dahil umpisa pa lang eh alam na kung sino ang mananalo. Parang Binibining Pilipinas lang oh! 'Di talaga maiiwasan ang ganyang usap-usapan lalo na kapag pageant season na. Speaking of that, lahat ng major major beauty pageants ay magaganap sa last quarter ng taon. Excited na ako kung ano ang magiging performance natin. Ma-sustain kaya natin ang winning streak katulad noong 2013? Are we finally going to see a Pinay beauty wearing that elusive Miss Universe crown? I can't wait!

3 comments:

Anonymous said...

Bakit ganun lahat ng venezuelan beauties na nanalo magkakamukha na, well kasi venezuelan sila lol i mean ok sana kung ung erika ang nanalo para bago naman sa paningin ang miss venezuela hindi yung puro na lang magkakaface each year pati hair and make up at pati sizes ng boobs magkakapareho.

Melanie said...

Kurak ka diyan ateng! Si Erika nga ang betchikels ko para maiba naman kaya lang wit bet ni lolah Osmel sa majijitim. Like niya mga blandina o European descent.

dalyguy69 said...

Siguro na try na magpadala ng black Miss Venezuela noong 1999 iyong nakalaban ni Miriam pero hindi umubra di ba although nakasama siya sa top 10.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...