Mahigit 'sang dekada na pala tayong pinapaluha at pinapatawa ng mga Koreanovelas o KDramas sa TV. Isa ako sa mga nahuhumaling diyan. Sa tuwing may ilalabas na teaser ang Kapamilya, Kapuso o Kapatid eh 'di ko mapigilang ma-excite.
Coffee Prince |
May kakaibang lasa ang mga drama mula sa Korea na walang sawang tinitikman ng mga Pinoy. 'Di kasi nalalayo ang mga istorya nila mula sa sariling atin. Andiyan ang tunay na pagpapahalaga sa pamilya, kung paano maging tapat sa minamahal pati ang sense of humor halos magkatulad. Ilan sa todong nagmarka sa akin ang Memories of Bali, Coffee Prince, My Girl, Full House, Foxy Lady, Lie To Me, To The Beautiful You at Wish Upon A Star.
My Girl |
Kung napapansin niyo, halos iisa lang ang pattern nila sa paggawa ng drama - apat ang main characters, dalawang bida at dalawang kontrabida. May mayaman, may mahirap. May inaapi at may nang-aapi.
Secret Love |
Noong isang buwan lang nang simulan ang Secret Love na mapapanood sa primetime ng GMA 7. Kakaiba 'to sa lahat ng napanood ko. Isang babae ang umako ng kasalanan ng jowa niya para ipagpatuloy nito ang ambisyon na umangat. Nakakabaliw ang plot kaya gabi-gabi ay sinusundan ko. Pero 'di na ako makapag-antay kaya inunahan ko na at bumayla ng dibidi.
Ang verdict: Ang sakit sa damdamin nito. Laging pinapahirapan at humahagulgol si Elise Kang (Hwang Jung-Eum). Madadala ka sa galing niyang umarte. Nakakabilib din ang transition ng damdamin ni Dominic Jo (Ji Sung) mula sa paghihiganti na nauwi sa pagmamahal.
teh ung green rose di mo bet? ganda kaya nun pati yang memories of bali.. tragic lang ending pero mejo funny kasi ung girly na bida mejo kikay siya...
ReplyDeleteAteng sino nakatuluyan nya? si dominic ba??? What i dont like lang sa iba o mostly o 95% ng korean shows eh yung ending nila super bitin o chaka like yung mga ending ng my love from the star, wish upon the star, two wives, the heir etc. my gosh kundi bitin, kulang. kaya ang ending chakaness. Dun sumasablay ang mga korean shows. Right now sinusubaybayan ko ang the return of the wife. Minsan napapanood ko din yang secret love kaso conflict sa PBB kaya mas pinipili ko ang pbb. Hehehe
ReplyDelete-Teh RoVee™, 'di ko nasubaybayan 'yung Green Rose.
ReplyDelete-Teh Anonymous 2, ayaw kong maging spoiler pero ang sagot sa katanungan mo ay ang huling piktyuraka. 'YUN NA!
Nakakaloka!!!! si dominic talaga nakatuluyan nya ateng!?? anyare dun sa una (na laging bida at leading man sa mga korean shows)? cant wait na teh at walang panahong manghalukay ng pirated dvd hahaha bakit si dominic at di yung isa????? nakakaloka!!!!
ReplyDelete