Sunday, August 3, 2014

Pangkamot

Opisyal na nagsimula ang Cinemalaya X noong August 1. Thanks to Ayala Cinemas, hindi na kailangang dumayo sa CCP para makapanood nito. Before the start of this festival, nakilala ko si Vener sa FB and we became instant friends. He is a certified Noranian at dahil sa kanya ay bonggang nakapanood ako ng first screening ng Hustiya. Magsama daw ako ng iba pang blogger kaya isinama ko ang pinakamadaling ayain, si Shy (shysayyestravel101.tumblr.com) na isa ko rin ka-officemate.

Hustisya (2014)
Likhang Silangan Production and Cinemalaya Foundation
Directed by Joel C. Lamangan
Story and Screenplay by Ricardo Lee
Starring Nora Aunor, Rosanna Roces, Sunshine Dizon, Rocco Nacino, Gardo Versoza and Romnick Sarmenta

1:30 PM. Sold-out ang tickets. Punung-puno ang cinema 4 ng Greenbelt 3. Ramdam ang todong excitement ng lahat. Nakasabay pa naming manood si direk Archie Del Mundo (Taksikab, Misis ni Meyor) na tuwang tuwa dahil siya ang nakakuha ng last ticket. PAK!

Sa Maynila ang setting ng pelikula at very familiar ako sa pinagshootingan dahil madalas akong rumampa dito - Quiapo, Sta. Cruz, Recto, LRT, Manila City Hall etc. Siksik at nag-uumapaw ang istorya na tumakbo sa loob ng mahigit dalawang oras. Seryoso ang tema na tumalakay sa illegal na transaksiyones na halos araw-araw nating napapanood sa balita. 

Mala-#throwback din ang unang eksena kung saan naglalandian sina Rosanna Roces at Gardo Versoza sa loob ng van. Kung wala sa tabi nila si Ate Guy, iisipin kong remake 'to ng Machete. CHAR! Dito ko napatunayan ang galing sa pag-arte ni Sunshine Dizon. Abangan niyo ang breakdown scene niya. Mapapabilib kayo. Surprising din ang karakter nina Chynna Ortaleza at Miles Kanapi. Naumay ako sa kakakanta niya ng Pusong Bato.

Maraming akong paboritong eksena dito pero todong nangibabaw ang kakatihan ni Osang... sa lalaki at sa likod niya. Lagi nga niyang dala 'yung kawayang pangkamot. Dapat yata nag-Canesten muna siya ahahaha! Aliw na aliw din ako sa brokenhearted scene niya kung saan pinapatahan siya. Ang seryoso ng eksena nang biglang bumanat si Ate Guy. JUICE KOH! Ang dami kong tawa!

Kung na-miss niyo ang Superstar sa paggawa ng pelikula, dito ay tiyak na mabubusog kayo dahil 90% yata ng pelikula kasama siya. Walang preno ang mga linya. Talak kung talak na may kasamang kabalbalan. I like! Tumatak sa akin 'yung bugbugan at sampalan sa selda. Tumilapon pa siya sa lamesa. Napa-igtad nga ako sa upuan sa tindi ng pagpapahirap. Madadala ka sa galing niyang umarte. Kelan ba naman hindi de vaahhh!?

Isa pang dapat niyong abangan ang tatlong ending ng pelikula. Naguluhan ako kung bakit pero baka ganun talaga ang atake. Choose your own ending. Gusto ko man ikwento eh ayaw ko namang maging panira ng mood. Kaya para malaman niyo, watch it while it's showing sa mga sumusunod na sinehan...

August 3 / Sun: 
12:45 PM -- CCP MKP Hall
6:30 PM – Fairview Terraces Cinema 5
6:30 PM -- Trinoma Cinema 1

August 4 / Mon: 
1:30PM -- Trinoma Cinema 4

August 5 / Tue: 
6:30 PM -- Greenbelt 3 Cinema 4
6:30 PM – Alabang Town Center Cinema 4
9:00 PM – CCP Studio Theater

August 6 / Wed: 
12:45 PM-- CCP Main Theater
1:30 PM – Greenbelt 3 Cinema 5

August 7 / Thur: 
12:45 PM -- CCP Studio Theater
4:00 PM -- Trinoma Cinema 1
9:00 PM – Fairview Terraces Cinema 5

August 8 / Fri: 
6:15 PM – CCP Little Theater
9:00 PM – Greenbelt 3 Cinema 5

August 9 / Sat: 
6:30 PM -- Trinoma Cinema 4
9:00 PM -- CCP MKP Hall

Rating: 4/5 stars

3 comments:

  1. 3 shows na ang sold out ang Hustisiya! pinaka successful for this year Cinemalaya. for sure!

    I hope to ang send natin sa oscars for foreign category!

    ReplyDelete
  2. sana makapa nood ako nyan.. wish a wish wish wish.. sa review mo pa lang tingin ko mahohook ako ..

    ReplyDelete
  3. Watch 'The Janitor'. It's the best cinemalaya entry. Plus lots of hot guys like Derek plus the super sexy shirtless workout scenes of Dennis Trillo.

    ReplyDelete