May tatlo akong binabasa ngayon - ang 'di ko matapos-tapos na Essential X-Men na 'sing kapal ng directory. Nasa Dark Phoenix Saga na ako. Exciting! Napadaan ako sa Booksale nang makita ko ang Exorcist ni Rachel Storm. Nasimulan ko na at hindi ko pa alam kung kelan ko babasahin ulit. AMP! Para 'di lang puro text at drawing eh view naman tayo ng beautiful places printed in View Magazine. Sana 'wag bagyuhin ang rampa ko sa Boracay at baka 'dun ko na ma-meet ang afam of my life. Lastly, wit akey mapapagod ulit-ulitin ang mga nakakatawang love story ni Rose Tan. Buti na lang at nag-imbak ako ng sandamakmak niyang libro. Hindi 'to kasama 'dun sa tatlo since tapos ko nang basahin.
Kayo mga ateng, do you read via your gadgets or you're just like me?
Kahit ano pa ang sagot niyo, ang mahalaga eh nagbabasa kayo. Maraming benepisyo 'yan sa kautakan kaya 'wag mapapagod at magbasa lang nang magbasa.
Im reading through my gadget. Im currently reading the last part of the trilogy fifty shades which is fifty shades freed. Im also fond of reading stories sa wattpad especially pinoy love stories. But relate ako yung pag physical book, inaamoy ko rin teh tapoa yung parang binubuklat buklat mo yung libro then aamuyin mo tapos iba yung amoy.
ReplyDeletehindi ako mahilig magbasa pero pagnatripan ko. pinipilit kong tapusin. ang huling libro na nabasa ko ay ang buong series ng twilight. sa ngayon mas gusto ko magbasa through pdf sa tab ko. too bad nalalaos na ang paggamit ng mismong totoong libro.
ReplyDeletemas type ko mag read ng mga hard copy.. mas ok kasi ung nahahawakan mo physically.. tapos namimiss ko ung dadaan ng National Bookstore sasalampak sa lapag tapoz magbabasa ng mga kung anik anik.. kakamiss naman college days, pagenius effect - char pero ung book ni danton remoto ang binabasa ^_^
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, nako ang dami ngang na-hook diyan sa Fifty Shades. Panay kangkingan daw ahahaha!
ReplyDelete-Teh Anonymous 2, ayan nabasa ko ang buong Twilight series sa PDF. Medyo nabawasan ang tumangkilik but I think 'di naman na-la ocean deep. Ang dali na lang kasi bumili at magdownload ng libro online eh.
-Teh RoVee™, pareho tayo ng ginagawa sa NBS. Precious Hearts nga lang ang binabasa ko :D