Monday, August 25, 2014

Slogan

Maliban sa Linggo ay pula din ang kulay ng pista opisyal sa kalendaryo. Dalawa lang ang ibig sabihin niyan - it's either bonggang pahinga ka o may ekstrang kita sa trabaho. 'Di masyadong busy ang kalsada kaya waley trapiko. Fast and the furious kang makakarating sa paroroonan sakay ng bus, FX o jeepney man. Speaking of our pambansang sasakyan, share ko sa inyo ang nakakatakot na karanasan ni mujay nitong Viernes lang.


Bandang ala-siete ng umaga eh papunta siya ng Quiapo para magsimba. Nang nasa may UST na ang jeep eh bigla na lang daw tumayo 'yung nasa dulo at humarang sa babaan. Ilang saglit pa ay nagdeklara ng holdap. May mga baril ang holdaper. Pinahubad daw lahat ng relo ng mga pasahero, kinuha ang cellphone at wallet. Nagtangka pa siyang upuan ang wallet niya pero nahuli siya nung isang kasabwat. Wala siyang nagawa kundi ibigay 'to. Pagkatapos noon ay pumikit na lamang siya at ayaw na niyang makita pa ang susunod na mangyayari. Todong buhos ng emosyon ang naramdaman ko habang nagku-kwento siya dahil mahigit kalahati ng buhay niya eh sumasakay siya ng jeep at ngayon niya lang 'to naranasan. Kung sana ako na lang 'yung nandun sa sitwasyon imbes na siya. May sakit pa man din siya sa puso buti na lang at 'di inadya ng Diyos na siya'y mapahamak. Salamat po.

Ayon sa kanyang kwento, tatlo o apat na lalaki ang mga kawatan. Sumakay sa iba't ibang lugar para 'di mahalata na sila'y magkakasama. May pumwesto sa dulo at meron sa gitna. Panay dura pa daw 'yung nasa dulo na nagkataong katabi niya. Senyales siguro sa mga kasamahan. At nang makakita ng tiyempo, ayun isinagawa ang maitim na plano.

Nag-iyakan ang mga pasahero pagkatapos lalo na ang isa nating ateh na nanakawan ng relo. Padala daw ni mudra niya galing Saudi. Aaaww! May sentimental value. Tinanong ko kung naiyak ba siya. 'Di daw pero nanghina siya sa nangyari. Wala pa man din siyang kasama. Para daw may gumuhit sa dibdib niya. Buti na lang at wala talagang nangyari kay mother at 'di ko alam kung anong gagawin ko.

At payo ko lang muli sa ating lahat na sumasakay ng pampublikong sasakyan, maiging magmatyag sa mga sumasakay at makiramdam. Tingnan niyo sa mga mata. Kung masyadong malikot at panay ang tingin sa mga gamit na inyong dala, aba iba na 'yan! Kung gusto niyong 'wag maagawan ng iPhone o Marithe Miswa Girbaud, baba agad sa matao at maliwanag na lugar. At kung 'di naiwasan ang ganitong eksena, give na lahat ng gamit. 'Wag nang panghinayangan ang materyal na bagay. Pakatandaan ang ating slogan sa ganitong sitwasyon - "Cellphone o kabaong?" at "Sayang ang byuti, ating ingatan".

5 comments:

  1. grabe noh buti na lang safe ang mudrakels mo... nagkalat na talaga ang mga kawatan at masasamang loob... mother ko nga pinag iingat ko rin lalo pa magisa lang din un pag pumupunta ng Quiapo... o_o

    ReplyDelete
  2. *tsk tsk* Umagang-umaga, may holdapan na... Iba na talaga ngayon. :(

    Thank God at walang ibang nangyaring masama sa Mom mo.

    ReplyDelete
  3. -Teh RoVee™, wala na yata silang kinatatakutan eh. Iniisip ko tuloy kung ano kayang ginagawa ng kapulisan at patuloy 'tong nangyayari?

    -Teh Sepsep, salamat ateng! "Anytime, anywhere, we are there" yata ang slogan nila. AMP!

    ReplyDelete
  4. May experience din ako lately sa pagsakay ko sa jeep ... kuwento ko sa aking blog ... ingat na lang lagi ... ganyan talaga sa 'Pinas

    ReplyDelete
  5. Bb Melanie,

    Pa update naman po ako ng URL sa blog ko. My new URL is: www.thekaruggallery.wordpress.com

    Thanks a lot teh! :)

    Olga Luxuria

    ReplyDelete