Monday, March 31, 2014

Binibining Pilipinas 2014 winners

"I feel I'm one of the stars in the universe and I'm the brightest of them all."

'Yan ang napaka-baklang kuda ni Mary Jean Lastimosa nang una siyang sumali sa Binibining Pilipinas three years ago at itinanghal na 2nd runner-up. Ngunit hindi naging sapat iyon at sumali siya ulit after one year. Napili bilang semifinalist pero wala pa ring korona. Nalungkot ang lola niyo noon at napaka-vocal niya sa Twitter. Pero wit siya tinakasan ng lakas ng loob samahan pa ng todong suporta ng 'sangkabaklaan kaya itinaya niya ang huling baraha at muling sumali ngayong taon. Kahit gasgas at napakaluma na ay muling napatunayan na totoo talaga ang mottong "try and try until you succeed" dahil siya ang kinoronahan Miss Universe-Philippines 2014.

Mangiyak-ngiyak ako sa tagumpay ng ateng natin. Ramdam ko 'yung tunay na ligaya na sumirit sa kanyang puso nang siya ang tawagin at koronahan. Ikaw ba naman kasi ang kumarir sa Bb. Pilipinas at dalawang beses ma-luz valdez, ewan ko na lang kung 'di ka maglupasay sa saya. I'm so happy for you MJ!

Here are the rest of the winners:

Bb. Pilipinas-International: Bianca Guidotti
Bb. Pilipinas-Intercontinental: Kris Janson
Bb. Pilipinas-Supranational: Yvethe Santiago
Bb. Pilipinas-Tourism: Parul Shah
1st Runner-up: Laura Lehmann
2nd Runner-up: Hannah Sison

Eto na yata ang pinakamaraming kinoronahan sa Binibining Pilipinas at mukhang hahakot na naman tayo ng international crowns sa ganda ng mga nagsipagwagi. Bagong dagdag dito ang franchise ng Miss Intercontinental na dati ay Mutya ng Pilipinas ang may hawak.

Ipanalangin natin mga ateng na maipagpatuloy nila ang winning streak ng ating bansa sa larangan ng pagandahan. Basta gandang Pinay... WAWAGAYWAY!

*Images courtesy of OPMB worldwide

Friday, March 28, 2014

Daluhan

Paula Shugart, Maria Gabriela Isler and Stella Marquez-Araneta
Image courtesy of Missosology.org
Dumating kahapon ang presidente ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart kasama ang reigning queen Maria Gabriela Isler para personal na daluhan ang Binibining Pilipinas na gaganapin sa Linggo, Marso 30. Pero bago 'yan ay bibisitahin at tutulong muna sila ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Kagabi ay nagkaroon ng pre-pageant activity at ibinida dito ang magaganda nating national costumes made in the Philippines. PAK! Eto na kaya ang bonggang simula ng pagdadamit ng Filipino designers sa ating mga Binibini? Expired na kaya ang 'kontrata' ni Madam Stella kay Colombian designer Alfredo Barraza?

May rare moments rin dito kung saan tatlong reyna ang bonggang nagsama-sama sa iisang event: Miss Universe, Miss International and Miss Supranational.

Before I forget, dapat ko nang isambulat sa inyo ang sampung binibini na aking aabangan at nawa'y palarin na makasungkit ng korona. Heto sila...

Todo suporta ang mga Cebuano kay Kris Tiffany Janson. Minsan lang dumating ang ganitong mestiza Filipina beauty kaya sana ay palarin siya. BOOM na BOOM sa kaseksihan 'tong si Aiza Faeldonia na nagmula sa Mindanao.

Expensive. 'Yan ang karapat-dapat na titulo sa kagandahan ni Laura Lehmann. Malakas na bentahe ni Emma Tiglao ang kakaibang hugis ng kanyang mga mata.

Kamag-anak daw ni dating Miss Universe Gloria Diaz itong si Joy Diaz. Magamit kaya niyang advantage 'yon para mapili bilang semi-finalist? Si Yvethe Santiago ay beterana sa pagandahan sa Bicol kung saan galing si inang Venus Raj. Halos magkatulad din ang kanilang tindig at postura.

Nalilito ako dito kina Kimverlyn Suiza at Bianca Guidotti. Hindi naman sila magka-fez pero parang iisa lang ang tingin ko sa kanila. Nevertheless, pasok sila sa banga ko.

MJ, MJ, MJ Lastimosa... huling taon na 'to na pwede kang sumali. Sana naman dinggin ni madam ang hiling namin na sana'y makoronahan ka. Mala-girl-next-door ang arrive nitong si Hanna Dela Guerra. Pwedeng artista!

Abangan din natin ang special performance ni Emin, ang international star na kumanta during the evening gown competition ng Miss Universe last year. ABA! Talagang pinaghandaan ni Madam Stella ang coronation night ah! Hosted by Xian Lim and Anne Curtis, watch the most beautiful Filipino tradition only on ABS-CBN.

Tuesday, March 25, 2014

Atchara

Naka-leave ako ng tatlong araw at ayaw ko namang maging atchara sa balur kaya naligo, nagpanty at sukbit ang bag ay solo flight ako papuntang Kamaynilaan. Dumaan muna akekels sa Capitol Hills bandang Diliman para maghulog ng 'free taste'. Sana lang magustuhan nila para ako'y kanilang balikan.

Pasado ala-una ng hapon na ako nakarating sa aking destinasyon. Biyahilo kasi kung saan-saan umikot ang bus na sinakyan ko. Utos yata ni Meyor Erap eh. Dapat may palibre siyang Bonamine sa pinag-gagawa niya. Sa Pedro Gil akez bumaba at rumampa pa-Malate. Hindi rin maintindihan ang panahon kanina. Uulan bigla tapos biglang tataas ang temperatura. AMP! Sakit ang aabutin natin niyan. Matapos ang 'transakyon' ay nilakad ko ang patungong Luneta together with my Michaela umbrella. I love walking you know! Linya ko 'yan kapag nagtitipid sa pamasahe. CHOS! 

Sight-seeing kunwari first timer. Konti lang ang utaw kasi tanghali. Tanging mga nagbabakbak ng daan ang busy sa kanilang trabaho. Nilapitan ko rin ang Manila Hotel. Eto talaga ang totoong first time. Sa likuran lang ng Liwayway ko 'to nakikita so ganito pala ka-bongga sa malapitan. Pang-mayaman! Kailangan dito mag-stay ang afam ko para ma-experience ko ang loob. WOW HA!

Witey naman ako nakalaklak ng Cobra pero todo ang energy ko kaya go pa ako sa bandang likuran at tinahak ang Port Area. Noong nasa college pa ako ay madalas kami ng mga classmate ko dito para manguha ng ad rates ng iba't ibang diyaryo. At sa aking pagrereminisce sa paligid ay napadaan akez sa kumpanyang...

...uunawa sa aking pangangailangan.

...magmamahal sa akin ng tapat.

...nais makapiling sa aking pagtanda.

Monday, March 24, 2014

Paper Plate

Nagbabalik ang Century Tuna Superbods na nag-produce ng masasarap na otoks like John Spainhour (Bench), Charlie Sutcliffe (Juan Direction) at June Macasaet (Manhunt International). Nagkaroon ng go-see ang mga nagnais sumali sa SM Mall of Asia noong March 16. This is for the Luzon-leg of the audition at umapaw yata ang Manila Bay sa dami ng nag-water! Pila-balde ang mga boys na mostly ay mowdels. May pagka-shaley kasi ang contest na itey. 'Wag umasa ng todo sikip na bikini dahil wankata ang bentahe ditraks. Magkasya na tayo sa chest, shoulders, biceps, triceps at abs. Arti pa ba us? Oh! Kumuha na kayo ng paper plate at umpisahan na ang feztivity...

Payakap naman sa naka-maroon
Ako ba ang pinag-uusapan niyo?

Thursday, March 20, 2014

Kasagsagan

Ultra mega supermarket sa hype ang pelikulang Starting Over Again na ipinalabas noong isang buwan. Ang bobongga ng mga reviews kaya kahit isang buwan nang showing eh sumige kami sa sinehan.

Starting Over Again (2014)
Star Cinema
Directed by Olivia M. Lamasan
Starring Piolo Pascual, Iza Calzado and Toni Gonzaga

Teenage crush ni Ginny (Gonzaga) si Marco (Pascual), isang propesor sa kolehiyong kanyang pinapasukan. Broadcaster ang peg kung maka-declare ng pagtangi si babae na nahuli naman ni ser. Eventually ay nahulog ang loob nito sa kanya at naging sila. Getting to know each other, may kanya-kanyang pangarap at nagsalo sa tamis ng sariwang pagmamahal. Unti-unti ay naturn-off si Ginny sa kababawan ng ambisyon ni Marco. Gora siya papuntang EspaƱa upang pag-igihin ang pagiging arkitekto. Naiwang luhaan sa ulanan si fafah. Ouch!

So many years have passed at nakatanggap ng email si Ginny. Isang sulat na ginawa ni Marco sa kasagsagan ng kanyang paghihinagpis. Asa si ateh na pwede pa silang magkabalikan tapos kinuha pa nito ang serbisyo niya sa itatayong restawran. Ayun! Todong nalulong sa pag-asa ang loka! Effort siya to get Marco's attention with killer high heels and chiffon outfit. Tsuri na lang siya kasi totally move on na ito thanks to Patty (Calzado), his gorgeous jowa. Eh naniwala siya sa vision mission na "hangga't 'di kinakasal ay may pag-asa" kaya ginawa niya ang lahat, laplapan sa second floor at kangkingan sa kwarto na sinambulat pa niya kay legal GF. Ang kapal di ba?!

In the end, 'di siya nagtagumpay. Nag-formal closure na lang sila ni Marco so that they can finally move on. Na-engage si Marco at Patty at umekstra sa dulo sina Vhong, Luis, Sam at ang real-life jowa ni Toni. So happy ending pa rin. Pilit nga lang.

Madaming factors kung bakit tinangkilik ng manonood ang pelikula, mula sa sikat na producer, promotions, direktor, mga artista at makatotohanang istorya. Kakaiba na hindi nagkatuluyan ang dalawang bida na kadalasang nangyayari. Bet na bet ko 'yung confrontation scene na pinakita sa trailer. Numu-Nora Aunor sa akting si Papa P samantalang pigil sa iyak at puno ng guilt ang itsura ni Toni. Ang mas nagpahanga sa akin ay ang subtle performance ni Iza. Ramdam mo na pumaloob siya sa karakter niya. Nasa kanya ang simpatya ng manonood bilang the good, gracious and overly understanding girlfriend.

Rating: 4/5 stars

Monday, March 17, 2014

Languyan

Itago na ang long sleeves, wind breakers at makakapal na damit dahil opisyal na ang pagdating ng tag-init. Peak season ulit ng mga resorts kahit saan, mapa-swimming pool man 'yan o karagatan. Kapag usapang languyan, dapat swak ang outfit na gagamitin. Kung ako lang ang tatanungin, dapat ibalik ang panahon na walang kebs kung mag-bikini o trunks ang mga otoks. Ngayon, sa mga contest na lang 'yan masasight. Board shorts kasi ang uso. IMBEY! Walang bukelya epek!

Well don't you worry mga shupatid dahil may solusyon diyan ang Speedo Philippines. Ini-launch nila ang Spring/Summer Collection 2014 last February 18 sa Glorietta. May maluwag at masikip sa koleksyones na itez. Watch ko sana 'yan ng live kaso bang-bang-e akez that day. Buti na lang at may isa tayong ateng na nag-donate nang ating magpagsasaluhan...

Hanapin niyo si Zuma

Mahalin mo ako Sam please...

Sa berde o sa pula?

Alam niyo na kung sino mas bet ko sa kanila ahahaha!

Ang cute ng smile ni kuya...

Pwedeng patikim sa ube ice cream mo?

Saturday, March 15, 2014

Gripo

Kauuwi ko lang galing groserya together with mudang and pamangkin. Ang mathematical equation ngayon 'pag namimili ay 1 kwit = 2 ecobags. Maluwang pa 'yung second bag. KALOKA! Kaya kahit luma na si Lumen eh siya pa rin ang peg ko sa life. Kung may produkto na may mas murang version at same quality, go na ko 'dun. Wish ko lang 'sing bilis ng pagtaas ng bilihin ang pagtaas ng sweldo pero wititit!

Bilang byuti rest ko today, pinili kong manatili muna sa balur at maniwala sa kasabihang "Relax, see a movie". Buti at nakakuha ako ng kopya ng isa sa pinaka-importanteng pelikula noong dekada sitenta na pinagbidahan ni Hilda Koronel...

Courtesy of Video 48
Insiang (1976)
Cinemanila Corporation
Directed by Lino Brocka
Screenplay by Mario O'hara and Lamberto Antonio
Starring Hilda Koronel, Ruel Vernal, Rez Cortez and Mona Lisa

Thursday, March 13, 2014

Kumpirmado

...ang pagbabalik ng pinakamalaking Asianovela sa telebisyon, ang Meteor Garden. Kahit ilang beses nang pinalabas 'to at nalipat pa sa ibang channel, 'di nakakasawang panoorin. Kapamilya dubbing pa ang maririnig. Mapapa-kanta na naman ako ng ♫ oh baby baby baby ♪ my baby baby...♫ at 'di ko na alam kung paano bibigkasin ang kasunod. Excited na ulit akong kiligin sa love story nina San Chai at Dao Ming Si

Speaking of love story, talaga yatang 'di ko na mabubura ang fag-ibig ko para kay Mike Concepcion(siya na naman?!?) Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko ang mga larawan niya sa internet eh 'di ko maiwasang mapa-dighaaay. (may sapak ka na vhaks) Normal pa ba ito o kailangan ko nang magpatingin sa ispesyalista?(ambisyosa) Pero sino naman ang lalapitan ko? Si Dra. Camille Garcia ba o si Dra. Margie Holmes(si Dra. Belo 'tas paretoke ka) 

Teka naririnig niyo ba 'yun? (hindi pero nababasa nila) 

Sino ka? (ako si Realidad X) 

Kaano-ano mo si Rhodora X? (friends kami)

Umalis ka! (tangek iisa tayo) 

Sa tingin mo mamahalin niya ako? (may keps ka ba?)

Meron...(sabay tingin sa likod) amoy tae nga lang. (ponyeta ka! baboy! makaalis na nga!)

Wednesday, March 12, 2014

Sinakop

Tipong Pinoy hosts
Kapag walang cable na naka-tap sa balur mo, wala kang ibang choice kundi ilipat-lipat sa iilang istasyon ang TV mo at ganyan ako. Minsan pinagtya-tiyagaan ko ang mga lumang palabas sa IBC 13 lalo na ang magazine show nina Susan Calo-Medina at Wency Cornejo, ang Tipong Pinoy. Ang dami kong natututunan ukol sa kaugalian at kulturang Pilipino sa loob ng tatlumpung minuto. Dagdag kaalaman at nakakatuwang panoorin kasi 90's pa yata 'to ginawa. Wala pang abala kasi no commercial.

Production of Filipino komiks
Komiks seller

Paborito ko ang episode nila tungkol sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Namana pala natin ito sa mga Amerikano nang tayo'y kanilang sinakop. Isang uri ng aliw sa masang Pinoy dahil sa abot-kayang halaga. Noong una ay tapusan ang bawat kwento na ginawang serye para abangan at todong tangkilikin. Si Mars Ravelo ang tinaguriang pinakasikat na nobelista pagdating sa komiks. Alam naman natin na siya ang lumikha kay Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Facifica Falayfay, Maruja etc. na lahat ay bonggang naisapelikula. Ininterview din sina Carlo J. Caparas at Pablo S. Gomez na kasing level niya sa kagalingan.

Mars Ravelo
One of the best-selling komiks
Pablo S. Gomez
Naikwento ko na 'to pero uulitin ko. Namiss kong bigla ang mga tindahan ng komiks na madalas naming daanan ni mama sa MuƱoz kapag namamalengke siya. Lagi siyang bumibili ng Horoscope tapos Pinoy Klasiks sa akin. Buti na lang at may naitabi pa akong ilan. Panaka-naka ay may nagbebenta sa Recto. Meron din online pero tatagain ka sa presyo. Sana meron pa akong makita ganito.

Monday, March 10, 2014

Mister Slovenia 2014

Simula nang matikman ko ang mga kalahok sa Mister Slovenia noong isang taon ay naging permanente na sila sa aking kaharian, namamasyal at ako'y nililibang. Paano ba naman kasi, ang sasarap nilang lahat. Walang tapon, lahat kain! Lalo na ngayon dahil 'sing init ng tanghalian natin ang dalawampung ohms na talagang magpapabusog sa ating nauuhaw na katawan. Oh de vahhh bente talaga sila. Pisatahan sa bayan ang peg. Tiyak na todong pagpapawisan tayo kaya better get a pamunas at baka pulmunya ang abutin natin.

 Aljaž Ban and AljoÅ”a Kuzmanovski

 Artjom Azarkevič and Darko Radanić

 Dejan Radanić and Denis Zorc

 Dmitrij Halužan and Domen Mihelič

 Klemen ZagorŔčak and Matic Pogorelec

 Nejc Zidar and Raphael Bongarz

Rok Petrič and UroŔ Bizjak

Goran Krajcar and Nathan Kavčič