Tuesday, March 25, 2014

Atchara

Naka-leave ako ng tatlong araw at ayaw ko namang maging atchara sa balur kaya naligo, nagpanty at sukbit ang bag ay solo flight ako papuntang Kamaynilaan. Dumaan muna akekels sa Capitol Hills bandang Diliman para maghulog ng 'free taste'. Sana lang magustuhan nila para ako'y kanilang balikan.

Pasado ala-una ng hapon na ako nakarating sa aking destinasyon. Biyahilo kasi kung saan-saan umikot ang bus na sinakyan ko. Utos yata ni Meyor Erap eh. Dapat may palibre siyang Bonamine sa pinag-gagawa niya. Sa Pedro Gil akez bumaba at rumampa pa-Malate. Hindi rin maintindihan ang panahon kanina. Uulan bigla tapos biglang tataas ang temperatura. AMP! Sakit ang aabutin natin niyan. Matapos ang 'transakyon' ay nilakad ko ang patungong Luneta together with my Michaela umbrella. I love walking you know! Linya ko 'yan kapag nagtitipid sa pamasahe. CHOS! 

Sight-seeing kunwari first timer. Konti lang ang utaw kasi tanghali. Tanging mga nagbabakbak ng daan ang busy sa kanilang trabaho. Nilapitan ko rin ang Manila Hotel. Eto talaga ang totoong first time. Sa likuran lang ng Liwayway ko 'to nakikita so ganito pala ka-bongga sa malapitan. Pang-mayaman! Kailangan dito mag-stay ang afam ko para ma-experience ko ang loob. WOW HA!

Witey naman ako nakalaklak ng Cobra pero todo ang energy ko kaya go pa ako sa bandang likuran at tinahak ang Port Area. Noong nasa college pa ako ay madalas kami ng mga classmate ko dito para manguha ng ad rates ng iba't ibang diyaryo. At sa aking pagrereminisce sa paligid ay napadaan akez sa kumpanyang...

...uunawa sa aking pangangailangan.

...magmamahal sa akin ng tapat.

...nais makapiling sa aking pagtanda.

4 comments:

  1. ateng hindi komagets yung last pica. pakiexplain. ano ba yan? sorry slow mo lang ang peg ko. explain mo mabuti acheng ahihihi

    ReplyDelete
  2. Miss M, paki-explain din yung 'free taste' na linya dahil di ko ma gets. Thank you.

    ReplyDelete
  3. sarap buhay pasyal pasyal lang.. on leave pero onleave na may bayad sulit na sulit.. sana mit mu bf mu bonga..

    ReplyDelete
  4. -Teh Anonymous 1, gumagawa sila ng tabloid. Hanap ka ng kopya para ma-experience mo ang SAGAD na impormasyon :p

    -Teh Anonymous 2, ay tsuri naman! Tungkol 'yan sa trabaho.

    -Teh Anonymous 3, pagpalain nawa ang dila mong mala-anghel. 'Pag natupad 'yan, share ko sa inyo agad!

    ReplyDelete