Thursday, March 6, 2014

Bwelta

May deadline ba ang mga kongresista natin sa paggawa ng panukalang batas? Kasi parang laman ng mga balita ang iba't ibang house bills ng kongreso. At least aktibo sila sa kani-kanilang trabaho. 'Di ko lang alam kung papasa sa panlasa natin ang kalidad ng kanilang gawa. 

Want some kili-kili of Papa P?
Kumakalat na gagawing daw opisyal ang pagiging National Ultimate Heartthrob ni Papa P pero parang joke lang naman yata 'yan. Baka may latak pa 'yung kongresman sa panonood ng Starting Over Again. CHAR! May mga national title na rin daw na ibibigay sa adobo, perlas at jeepney. Okay ako diyan.

Image from philstar.com
Dito sa susunod kong itatalak, baka 'di kayo masyadong agree lalo na ang mga shupatemba nating OFW all over the world. Iminumungkahi ng House Bill 3576: An Act Authorizing Ambassadors, Consul Generals, Chief of Missions or Charge D' Affairs to order and direct and OFW to send support to his or her legal dependents as required by existing laws (ang haba ng title ah!) na kailangang regular na magpapadala ang isang OFW sa kanyang mga dependents. Si Cong. Roy Seneres ng OFW Family party-list ang sumulat niyan na may layuning todong maproteksyonan ang mga umaasa sa OFW laban sa pagpapabaya sa sustento. Maganda ang layunin subalit 'di maiwasang mabahiran ng intriga. Andaming nagwawalang netizens pero may ilan na nakagets ng punto ni kong. Hindi natin masisisi ang mga negastars dahil sa kawalan ng tiwala sa gobyerno. Unang bwelta ang dagdag sa kaban ng bayan na palaging target ng mga matinggero.

In all fairness, nasa side ako ng nakakaunawa sa konteksto ng panukalang batas na ito. May mga butas pa pero mapapabongga pa 'to lalo na kung idadagdag ang boses ng mga OFW. I think hindi ito applicable sa lahat, 'dun lang sa mga nagloko at biglang nakalimot sa mga iniwan. You may ask kung vhuket agree ako ditey. Simple lang... kasi naranasan ko nang personal 'to.

Kayo, anong opinyon niyo dito?

3 comments:

  1. The thought behind it is noble but will this encourage the dependents to be more dependent with the monthly remittance? Hmmm... makahanap nga ng isang breadwinner para may matanggap akong pera monthly...

    ReplyDelete
  2. kakalokah nga ang mga bills na pina-file ngayon sa Kamara ... pang mga walang-utak ha ha ha ...

    ReplyDelete
  3. paano na lang kung hindi traditional ang family ng isang ofw? what i mean is, pwede namang magtrabaho ang isang pinoy sa abroad (for career fulfillment) na walang pinapadalang pera kung hindi naman humihingi ang mga kamag-anak. sa ibang pamilya nga, naiinsulto ang mga kamag-anak pag binibigyan ng pera. baka sabihin pang tamad at di kayang suportahan ang sarili.

    ReplyDelete