|
Tipong Pinoy hosts |
Kapag walang cable na naka-tap sa balur mo, wala kang ibang choice kundi ilipat-lipat sa iilang istasyon ang TV mo at ganyan ako. Minsan pinagtya-tiyagaan ko ang mga lumang palabas sa
IBC 13 lalo na ang magazine show nina
Susan Calo-Medina at
Wency Cornejo, ang
Tipong Pinoy. Ang dami kong natututunan ukol sa kaugalian at kulturang Pilipino sa loob ng tatlumpung minuto. Dagdag kaalaman at nakakatuwang panoorin kasi 90's pa yata 'to ginawa. Wala pang abala kasi no commercial.
|
Production of Filipino komiks |
|
Komiks seller |
Paborito ko ang episode nila tungkol sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Namana pala natin ito sa mga Amerikano nang tayo'y kanilang sinakop. Isang uri ng aliw sa masang Pinoy dahil sa abot-kayang halaga. Noong una ay tapusan ang bawat kwento na ginawang serye para abangan at todong tangkilikin. Si
Mars Ravelo ang tinaguriang pinakasikat na nobelista pagdating sa komiks. Alam naman natin na siya ang lumikha kay
Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Facifica Falayfay, Maruja etc. na lahat ay bonggang naisapelikula. Ininterview din sina
Carlo J. Caparas at
Pablo S. Gomez na kasing level niya sa kagalingan.
|
Mars Ravelo |
|
One of the best-selling komiks |
|
Pablo S. Gomez |
Naikwento ko na 'to pero uulitin ko. Namiss kong bigla ang mga tindahan ng komiks na madalas naming daanan ni mama sa
Muñoz kapag namamalengke siya. Lagi siyang bumibili ng
Horoscope tapos
Pinoy Klasiks sa akin. Buti na lang at may naitabi pa akong ilan. Panaka-naka ay may nagbebenta sa
Recto. Meron din online pero tatagain ka sa presyo. Sana meron pa akong makita ganito.
nung akong isang chikiting ang nais kong laging pinapapanood ay Travel Time ni Susan Calo-Medina. Para sa akin sya original travel diva.
ReplyDeleteMeron pa yata niyan hanggang ngayon ateng. Sa ANC tuwing Sabado.
ReplyDelete