Monday, March 3, 2014

Mantsa

Fire Prevention Month ang Marso kaya ingat-ingat sa apoy. Ang bilis kumalat ng sunog lalo na't tirik na si haring araw. Noong isang araw lang nang mapadaan kami ni mudraks sa Quezon Avenue, todo sirena ang mga truck ng bumbero dahil sa sunog malapit sa Pegasus. Katanghaliang tapat pa. Kitang-kita ang itim na usok na nagmamantsa sa langit. Mala-impyerno sa pakiramdam. Sayang ang naipundar at natusta lang. Ako usually kapag aalis ng balur at walang taong maiiwan, I make sure na naka-unplug lahat ng appliances (maliban na lang sa ref). You'll never know kung kelan magloloko ang kuryente na nauuwi sa disgrasya.

Galing ako noong isang linggo kay doc sa The Medical City Ortigas na siya ring nagrekomenda na magpa-HIV test ako. Kailangan ko kasing bumalik after six months para sa follow-up. Bonggang news ulit mga ateng at feeling ko eh binabad ako sa Champion Infinity sa kalinisan ng kalusugan. Continue daw ang vitamins to stay healthy and sexy. ECHOS! Hanggang healthy lang 'yung sinabi niya.

On my way home ay dumaan ako sa SM Megamall. Matagal-tagal na rin since nang huli akong naligaw ditez. Buti na lang at hindi pa pinagmamaramutan ng pwesto ang Odyssey dito at malaki pa rin ang espasyo. Madaming naka-sale at hindi ako pumayag na walang bitbit pauwi. DVD ng What's Your Number? ni Chris Evans at Stay Alive album ni Nina ang nahavs ko. Dagdag koleksyones na naman! 

Stay Alive ang first album ni Nina after she part ways with Warner Music and was released by Universal Records in 2011. Infernezzz kahit 'di masyadong gumawa ng ingay eh ang gaganda ng mga kanta. Daming party-party songs like Dance, Only With You at I Came To Dance. 'Di mawawala ang signature acoustic/mellow songs niya like Starlight, However Much Love at ang kasalukuyang nasa repeat mode ng player ko, ang Laging Ikaw...


Kanino ko kaya iti-theme song 'to?

No comments:

Post a Comment