Thursday, March 20, 2014

Kasagsagan

Ultra mega supermarket sa hype ang pelikulang Starting Over Again na ipinalabas noong isang buwan. Ang bobongga ng mga reviews kaya kahit isang buwan nang showing eh sumige kami sa sinehan.

Starting Over Again (2014)
Star Cinema
Directed by Olivia M. Lamasan
Starring Piolo Pascual, Iza Calzado and Toni Gonzaga

Teenage crush ni Ginny (Gonzaga) si Marco (Pascual), isang propesor sa kolehiyong kanyang pinapasukan. Broadcaster ang peg kung maka-declare ng pagtangi si babae na nahuli naman ni ser. Eventually ay nahulog ang loob nito sa kanya at naging sila. Getting to know each other, may kanya-kanyang pangarap at nagsalo sa tamis ng sariwang pagmamahal. Unti-unti ay naturn-off si Ginny sa kababawan ng ambisyon ni Marco. Gora siya papuntang EspaƱa upang pag-igihin ang pagiging arkitekto. Naiwang luhaan sa ulanan si fafah. Ouch!

So many years have passed at nakatanggap ng email si Ginny. Isang sulat na ginawa ni Marco sa kasagsagan ng kanyang paghihinagpis. Asa si ateh na pwede pa silang magkabalikan tapos kinuha pa nito ang serbisyo niya sa itatayong restawran. Ayun! Todong nalulong sa pag-asa ang loka! Effort siya to get Marco's attention with killer high heels and chiffon outfit. Tsuri na lang siya kasi totally move on na ito thanks to Patty (Calzado), his gorgeous jowa. Eh naniwala siya sa vision mission na "hangga't 'di kinakasal ay may pag-asa" kaya ginawa niya ang lahat, laplapan sa second floor at kangkingan sa kwarto na sinambulat pa niya kay legal GF. Ang kapal di ba?!

In the end, 'di siya nagtagumpay. Nag-formal closure na lang sila ni Marco so that they can finally move on. Na-engage si Marco at Patty at umekstra sa dulo sina Vhong, Luis, Sam at ang real-life jowa ni Toni. So happy ending pa rin. Pilit nga lang.

Madaming factors kung bakit tinangkilik ng manonood ang pelikula, mula sa sikat na producer, promotions, direktor, mga artista at makatotohanang istorya. Kakaiba na hindi nagkatuluyan ang dalawang bida na kadalasang nangyayari. Bet na bet ko 'yung confrontation scene na pinakita sa trailer. Numu-Nora Aunor sa akting si Papa P samantalang pigil sa iyak at puno ng guilt ang itsura ni Toni. Ang mas nagpahanga sa akin ay ang subtle performance ni Iza. Ramdam mo na pumaloob siya sa karakter niya. Nasa kanya ang simpatya ng manonood bilang the good, gracious and overly understanding girlfriend.

Rating: 4/5 stars

8 comments:

  1. ano k b parang hindi mu nkita sa trailer na naguusap sila sa bintana na nagtago si toni gonzaga dahil makikita sya ng estudiyante ni piolo pascual natakot sa student sa loob ng room na makita sila naguusap pero ang mga student sa labas ng room hindi sila natakot at bakit walang sumigaw na student kat toni ng gumagapang siya sa bahagi ng gilid ng bintana ..hay ano b yan marami p mali at hindi makatotohan ang mga pangyayari pankiliti lan pro ano b yan

    ReplyDelete
  2. ang perfectionist naman ng unang commenter. kaloka! makatotohanan naman talaga ang pelikula kasi di lahat ng sitwasyon sa buhay naghahappily ever after ang magjowa, parang sa SOA. wag masyado perfection teh anon 8:12, appreciate din pag may time.

    ReplyDelete
  3. Ateh.. un ang opinyon mo.. pero always two sides of the cpin ika nga...maari ring hinayaan n lng dhil propesor nya ito... o nde nlng naka react dahil ngulat...pde nmng ganun at maituturing pa ring isang realidad. para sa akin bilang kabuuan ng pelikula, maituturing pa ring magandang pelikula di nfa lng kasing bigat at pulido ng Bona, Insiang, atbp. Siguro'y sadyang ganun lng ang pagkakagawa. Pde nmng ganun lng at nde kabigat pero nde ibig sbhin eh walang saysay. =)

    ReplyDelete
  4. maraming factor kung bakit tinangkilik ng manonood ...bakit may mapipili ba na mapapanood na ibang pinoy film ...wala at may kalaban ba na isa pang pinoy movie... ay ewan

    ReplyDelete
  5. ang alam ko lang ang gwapo ni Papa P! :)

    ReplyDelete
  6. te melanie... off topic... ask ko lng pno k ngllgy ng money sa paypal, sbi kse dto US bank acct daw.. di ko mgets... hoping 4 ur reply..

    ReplyDelete
  7. ate anonymous 2:47AM, may kalaban naman ang starting over again. yung BASEMENT na mga kapuso starlets ang mga bida, nakakaloka lang kasi valentines na valentines horror movie ang ipinapalabas, yan tuloy flopsina ang pelikula. lol

    ReplyDelete
  8. -Teh Anonymous 1, keri lang naman 'teh! Infairness naaliw ako diyan sa eksenang 'yan lalo na sa side comment nung nakahuli sa kanila :D

    -Teh Anonymous 4, hindi lang naman sine ang choice ng mga Pinoy kung saan nila gagastusin ang pera nila eh. Pwedeng food, libro or any form of entertainment.

    -Teh ayie, I use PayPal using my local credit card. Need lang ng verification na sobrang dali lang.

    ReplyDelete